Hope POV Nagulat ako nang bigla niya akong halikan. Mabilis. Madiin. At bago pa ako makapag-isip, Lumalim iyon. Napapikit ako, hindi ko alam kung bakit hindi ako agad umatras Hindi ko inaasahan ang biglaang paglakas ng pintig ng puso ko nang maramdaman ang mainit at mapusok na halik ni Miguel. Mula sa banayad, naging malalim at gutom ang bawat pagdampi ng kanyang labi sa akin. Napapikit ako nang mariin, hinahayaan ang sarili na lamunin ng sensasyong dulot niya. Unti-unting bumaba ang kanyang mga halik, binabagtas ang kurba ng aking panga hanggang sa marating ang sensitibong bahagi ng aking leeg. "Miguel..." mahinang tawag ko, pero tila naging mitsa lang iyon para mas lalo siyang maging agresibo. Habang abala ang kanyang labi sa pag-iwan ng nagbabagang marka sa aking balat, naramd

