Hope POV Tahimik siya sandali. Parang pinipili ang sasabihin. Hanggang sa, “Mula nung may nangyari sa atin…” mababa niyang sabi. Napatingin ako sa kanya. Diretso. Walang iwasan. “Hindi ka na mawala sa isip ko…” dagdag niya, mas lalong lumalim ang boses. Napahigpit ang hawak ko sa damit ko. At bago pa ako makapagsalita, “…at lalo na sa puso ko.” Parang tumigil ang mundo ko. “Miguel…” mahina kong tawag. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa… O matakot. Dahan-dahan siyang lumapit. “Hindi ako ganito,” dagdag niya. “Hindi ako madaling maapektuhan.” Natigilan ako. “Pero ikaw…” bahagya siyang ngumisi, pero seryoso pa rin ang mga mata niya, “iba ka.” Mas lalo akong napalunok. At sa sandaling iyon, Mas lalo kong naramdaman na hin

