Miguel POV Hindi pa rin nawawala ang amoy niya sa isip ko. At lalo na, Ang itsura niya kanina. Nalilito. Matapang. Pero halatang pagod na pagod na. Umupo ako sa likod ng sasakyan, tahimik na nakatanaw sa labas. Pero hindi ang kalsada ang iniisip ko. Kundi siya. Si Hope. Hindi ko dapat siya pinakialaman. Hindi ko dapat siya nilapitan. Hindi ko dapat siya hinayaan na makapasok sa mundo ko. Pero huli na. Dahil mula nung gabing ‘yon, Hindi na siya mawala sa isip ko. At mas lalong hindi sa puso ko. Napapikit ako. At kusang bumalik ang alaala. Apoy. Sigaw. Usok. Isang batang babae, Nanginginig. Umiiyak. At nakatitig sa akin. Siya. “Take the girl.” Napamulat ako. Mariin. Mahigpit ang panga. Hanggang ngayon, Naririnig ko pa rin ang boses na ‘yon. At hanggang ngayo

