Hope POV Papunta ako sa hospital para dalawin si Nanay Sally. Pagdating ko pa lang, kinausap na agad ako ng doctor. “Kailangan na siyang i-dialysis,” seryoso nitong sabi. “Apektado na rin ang kidneys niya.” Parang biglang tumahimik ang paligid. Hindi ko na maintindihan ang iba pa niyang sinabi. Basta ang malinaw lang, Kailangan na naman ng pera. Napatingin lang ako sa kanya. Tahimik. Walang masabi. Pagpasok ko sa kwarto, Doon ko siya nakita. Nakaratay. Payat na payat. Parang ang hina-hina na niya. At doon ko na hindi napigilan ang sarili ko. Tumulo ang luha ko. “Bakit, anak?” mahina niyang tanong. Mabilis akong umiling. “Wala po, Nay… namiss lang kita.” Ngumiti siya ng bahagya. Pero halatang pagod. “Alam ko… malaking pera na naman ang kailangan, Hope,” sabi niya. “

