Hope POV Hindi pa rin ako makapaniwala. Hawak pa rin niya ang kamay ko habang dinadala niya ako papasok sa elevator. Tahimik ang paligid. Pero ramdam ko ang tingin ng lahat sa’min. Pagdating namin sa office floor, Mas lalo akong kinabahan. Mas elegante. Mas seryoso. At mas… hindi bagay sa’kin. Pagbukas ng elevator, may mga taong agad na tumayo. “Good afternoon, Sir Miguel.” Tumango lang siya. Diretso. Walang lingon. Hanggang sa makarating kami sa malaking opisina. Pagbukas ng pinto, Parang ibang mundo. Malawak. Malinis. At sobrang ganda. Napahinto ako. “Pasok,” sabi niya. Dahan-dahan akong pumasok. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Hanggang sa may pumasok na ilang staff. “Sir, for your 3PM meeting—” Natigil sila. Lahat ng mata, Nasa’kin. Napahiya ako.

