Hope POV
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
“Who are you?” mahinang tanong ko.
Sandali siyang natahimik.
Tinitigan ako.
Parang may gustong sabihin… pero pinipigilan.
Hanggang sa,
“Someone you shouldn’t trust,” sagot niya.
At bago pa ako makapag-react,
Hinawakan niya ang kamay ko.
Mahigpit.
“Come with me.”
Nanlaki ang mata ko.
“Ano—? Hindi pwede, may—”
“Kung babalik ka doon,” putol niya, seryoso ang tingin, “hindi ka na makakalabas ng buo.”
Napalunok ako.
Sa unang pagkakataon,
Natakot ako.
Hindi sa kanya.
Kundi sa posibilidad na…
Tama siya.
Pinili kong bumalik.
Hindi ko siya kilala.
Kahit gaano pa siya kaguwapo… hindi sapat iyon para magtiwala ako.
Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad pabalik sa VIP room.
Pero bago pa ako makalayo,
Bigla niya akong hinila.
At niyakap.
“Pakawalan mo ako!” galit kong sabi, pilit kumakawala sa hawak niya.
“Call me first, honey,” nakangisi niyang sagot.
“What?” iritado kong tanong.
Pero bago pa ako makapagsalita ulit,
Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin.
At hinalikan ako.
Madiin.
Mahaba.
Parang pinipigilan niya akong makawala, parang gusto niyang iparamdam ang presensya niya.
Napasinghap ako.
Halos maubusan ako ng hininga bago niya ako pakawalan.
“Tell me… honey,” bulong niya, malapit pa rin ang mukha sa akin. “Saka kita pakakawalan.”
Napapikit ako saglit, pilit kinakalma ang sarili ko.
“Fine…” inis kong sabi. “Honey.”
Ngumiti siya.
Pero imbes na pakawalan ako agad—
Muli niya akong hinalikan.
Mas maikli.
Mas… mapang-angkin.
Pagkatapos, saka niya ako binitawan.
Napaatras ako, hinahabol ang hininga ko.
“I’m always around you, okay?” sabi niya, mas malambing na ang boses. “Bumalik ka na sa loob.”
Napatingin ako sa kanya.
Seryoso na ang mukha niya ngayon.
“At huwag kang matakot,” dagdag niya. “Kapag may nagtangkang saktan ka…”
Bahagya siyang ngumisi, pero may laman ang mga mata niya.
“I’ll deal with it.”
Tumigil ang mundo ko saglit.
Hindi ko alam kung bakit,
Pero sa unang pagkakataon,
Naramdaman kong may taong handang tumayo para sa akin.
At hindi ko alam kung dapat ba akong matakot…
O maniwala.
Pagbalik ko sa VIP room,
Bagsak na ang tatlong Chinese.
Napahinto ako sa pintuan, napatingin sa kanila na parang mga batang inabutan ng antok kung saan-saan nakahiga.
“Ano’ng nangyari?” nagtatakang tanong ko habang lumalapit kina Miles at Julia.
Napangisi si Miles.
“Nalasing sila,” sagot niya. “At siguro… nalasing din sa amin.”
Napailing ako.
“Grabe kayo…”
Lumapit si Julia sa akin at bumulong.
“Mamaya na namin ikukuwento ang lahat,” sabi niya, may halong saya sa boses. “Sa ngayon… mag-enjoy muna tayo habang tulog ang mga kolokoy na ‘yan.”
Napatawa ako.
Sa wakas, kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko.
Umupo kami sa sofa, kumuha ng pagkain, nagsalin ng inumin—at parang biglang naging normal ang lahat.
Parang sandaling nakalimutan namin kung nasaan kami.
Kung ano kami.
Kung anong buhay ang meron kami.
Nag-videoke pa kami, nagtatawanan, nagbibiruan—parang simpleng gabi lang kasama ang mga kaibigan.
At habang ang tatlo ay tulog na tulog sa gilid,
Kami naman ay pansamantalang malaya.
Pero kahit anong pilit kong mag-enjoy,
Hindi mawala sa isip ko ang lalaking iyon.
Honey.
Napairap ako mag-isa.
“Hay naku… ano ba ‘yan,” bulong ko.
Nakakainis.
Hindi ko siya kilala.
Hindi ko alam kung sino siya.
Pero bakit,
Siya pa rin ang nasa isip ko?
At bakit parang…
Hindi pa doon nagtatapos ang lahat sa pagitan namin?
Madaling araw na nang magising ang tatlong Chinese.
Isa-isa silang gumalaw, halatang hilo pa, pero may mga ngisi sa labi—parang kontento sa naging gabi nila.
“Good… very good…” sabi ni Mr. Cheng habang inaayos ang sarili.
Napatingin ako kina Julia at Miles.
Nagtataka ako.
Pero pinili kong manahimik.
Hindi ko na muna tinanong.
Hindi pa.
“Very satisfied,” dagdag pa ng isa sa kanila, sabay tawa.
Napilitan akong ngumiti.
Trabaho.
Ganito talaga.
Ilang sandali pa, nagsimula na silang mag-ayos at umalis. Naiwan kaming tatlo sa VIP room—pagod, pero kahit papaano, nakahinga rin.
Lumapit sa akin si Miles.
“Sa labas na lang tayo mag-usap,” mahina niyang sabi.
Tumango si Julia.
“Mamaya, ikukuwento namin lahat.”
Napakunot-noo ako.
“Lahat?” tanong ko.
Napangisi lang sila.
“Lahat,” ulit ni Julia.
Mas lalo akong nagtaka.
Ano bang nangyari habang wala ako?
At bakit pakiramdam ko…
May kinalaman na naman ito sa lalaking ‘yon?