Hope POV
Nagpaalam na kami kay Momma pagkatapos naming magbihis.
Paglabas namin ng dressing room,
Parang ibang tao na kami.
Wala na ang maiikling suot, wala na ang makakapal na make-up, wala na ang matapang na aura na kailangan naming isuot gabi-gabi.
Simple blouse.
Pantalon.
Malinis. Disente.
Kung titingnan mo,
Hindi mo aakalain kung anong ginagawa namin ilang oras lang ang nakakalipas.
Napangiti ako nang bahagya.
“Parang ang bait-bait natin tignan,” biro ni Miles.
“Plastic,” sabay sagot ni Julia, pero natawa rin.
Ako?
Tahimik lang.
Pinagmamasdan ko kami.
Dalawang mundo.
Dalawang mukha.
At hindi ko alam kung alin ang mas totoo.
“Halika na,” aya ni Julia. “Treat natin sarili natin. Ang laki ng tip natin tonight.”
Tumango ako.
Deserve naman siguro namin ‘to.
Nagpunta kami sa isang sikat na coffee shop.
Mainit ang ilaw, tahimik ang paligid, at puno ng mga taong mukhang normal ang buhay—nag-aaral, nagtatrabaho, nag-uusap.
Umupo kami sa isang sulok.
Umorder ng kape.
At sa unang pagkakataon buong gabi—
Parang naging normal ulit kami.
Pero alam ko,
Hindi pa tapos ang gabi.
Dahil may mga sagot akong kailangan marinig.
At mukhang,
Doon na magsisimula ang lahat.
“Ano bang nangyari?” tanong ko kina Julia at Miles habang hinihintay ang sagot nila.
Nagkatinginan sila, tapos napangisi si Julia.
“Hindi ka maniniwala,” sabi niya. “Paglabas ko ng VIP para sundan ka, may lumapit sa’king lalaki. Gwapo… sobra.”
Napakunot-noo ako.
“Tapos?” usisa ko.
“Sabi niya tutulungan daw niya kami,” tuloy ni Julia. “Kung paano mapapatulog yung tatlong bugok na ‘yon.”
Nanlaki ang mata ko.
“Ha?”
“May inabot siya sa amin,” singit ni Miles. “Pinahalo sa inumin.”
“At ayun,” dagdag ni Julia, “ilang minuto lang… bagsak na sila.”
Napatahimik ako.
May kung anong kumirot sa isip ko.
Siya kaya ‘yon…?
Si Honey…?
“Pero may bilin siya,” sabi ni Miles. “Huwag daw naming ipagsabi kahit kanino.”
Mas lalo akong natahimik.
Parang unti-unting nagiging malinaw ang lahat.
“Anong klaseng gamot kaya ‘yon?” tanong ni Julia habang umiinom ng kape. “Pero in fairness… nakahinga rin ang pempem namin kahit papaano.”
Napatawa si Miles.
“Sa wakas, pahinga din,” biro niya.
“Hoy,” saway ko, pero napangiti rin ako.
Maya-maya, sabay-sabay kaming nagtawanan.
Pero sa likod ng mga ngiti ko,
Iisa lang ang nasa isip ko.
Siya ba ‘yon…?
At kung oo…
Bakit niya kami tinulungan?
Hope POV
Tahimik kaming tatlo habang umiinom ng kape.
Paminsan-minsan may tawanan, pero ako,
Hindi mapakali.
Paulit-ulit lang umiikot sa isip ko ang sinabi nina Julia at Miles.
Isang gwapong lalaki… tumulong… nag-abot ng kung ano…
Napahigpit ang hawak ko sa tasa.
Siya ba ‘yon…?
“CR lang ako,” paalam ko, bigla na lang tumayo.
“Bilisan mo ha,” biro ni Miles.
Tumango lang ako at naglakad palayo.
Pagdating ko sa hallway ng coffee shop, huminto ako saglit.
Tahimik.
Mas tahimik kaysa sa loob.
Huminga ako nang malalim.
Pero bago pa ako makakilos ulit—
“Thinking about me again?”
Nanlaki ang mata ko.
Dahan-dahan akong napalingon.
At doon,
Nakatayo siya.
Parang kanina.
Parang sa hallway ng club.
Parang… lagi siyang nandiyan.
“Ikaw…” bulong ko.
Nakasandal siya sa pader, kalmado, parang wala lang sa kanya ang lahat.
“Missed me, Honey?” may bahid ng ngiti sa labi niya.
Napairap ako pero hindi ko maitago ang kaba.
“Sinusundan mo ba ako?” diretso kong tanong.
Hindi siya agad sumagot.
Lumapit siya.
Isang hakbang.
Dalawa.
Hanggang sa halos magkalapit na kami.
“Wrong question,” mababa niyang sabi.
Napakunot-noo ako.
“Then what’s the right one?” inis kong sagot.
Bahagya siyang yumuko para magpantay ang mukha namin.
“Why do you think I’m always there?” bulong niya.
Natigilan ako.
Hindi ako agad nakasagot.
Dahil kahit ako,
Hindi ko alam.
“Hindi aksidente ‘yon, Hope,” dagdag niya.
Nanlaki ang mata ko.
“You followed me?” tanong ko, mas mahina na ang boses.
Hindi na siya ngumisi.
Seryoso na.
“All night,” diretso niyang sagot.
Tumigil ang mundo ko saglit.
“All… night?” ulit ko.
Tumango siya.
“From here… to the club… hanggang sa VIP room,” sabi niya.
Napalunok ako.
“Bakit?” halos bulong ko na.
Saglit siyang natahimik.
Tinitigan ako.
Parang may gustong sabihin,
Pero pinipigilan.
Hanggang sa dahan-dahan niyang tinaas ang kamay niya…
At inayos ang buhok ko na nahulog sa mukha ko.
“Because I don’t like seeing you in danger,” mahina niyang sabi.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
“Hindi mo ako kilala,” depensa ko.
“Kilalang-kilala kita,” sagot niya agad.
Nanlaki ang mata ko.
“Pati… ang nakaraan mo.”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
“Ano’ng—”
“Not here,” putol niya.
Lumapit pa siya ng kaunti.
Mas malapit.
Mas delikado.
“Kung gusto mong malaman ang totoo…” bulong niya, “stop running away from me.”
Hindi ako makagalaw.
Hindi ako makapagsalita.
At bago pa ako makapag-react,
Umatras siya.
Parang walang nangyari.