Hope POV Nakauwi na ako sa maliit naming bahay. Isang simpleng tahanan, siksikan, mainit, pero doon ako natutong mabuhay. Sa iisang espasyo, naroon na ang maliit na mesa, ang papag ng nanay-nanayan ko, at ang kusina na halos katabi lang ng higaan. Lahat… magkakasalo sa iisang bubong. Dahan-dahan akong umupo, saka ipinikit ang mga mata ko. Napabuntong-hininga ako. Unti-unting bumalik sa alaala ko kung paano ako napunta kay Aling Sally, ang babaeng umampon sa akin. Siya… Na katulad ko rin, Ay nagtatrabaho sa club. Hope POV (Flashback) Amoy usok. Sigaw. Takot. Iyon ang huling naaalala ko bago tuluyang nagdilim ang mundo ko. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nawalan ng malay. Pagmulat ko, Maliwanag. Pero hindi iyon ang liwanag na gusto ko. Malamig. Tahimik. At masakit

