Hope POV “Hope, makipagkita ka na kay Mr. Cheng mamayang gabi. Ito ang hotel at ang room number. Huwag kang mag-excuse ulit.” Galit akong sinalubong ni Momma. Napatingin ako sa kapirasong papel. Room 309. Napabuntong-hininga ako. “Wala rin pala akong takas sa matandang ‘yon…” mahina kong bulong. Wala na akong nagawa. Lumabas na lang ako ng club at naghintay ng taxi papunta sa hotel. Pero habang nakatayo ako sa gilid ng kalsada, Bigla akong hinila. Nanlaki ang mata ko. Isang itim na van. “At—!” Hindi pa ako nakapagsalita nang tuluyan akong maisakay. “At ikaw?!” gulat kong sabi nang makita ko kung sino ang nasa loob. Siya. Ang lalaking nagpakilalang, Honey. “Ikaw na naman? Guguluhin mo na naman ang buhay ko?” galit kong sabi. “May utang ka pa sa akin! Hindi ka pala ang c

