Thamia HINDI ako mapakali nang makarating sa loob ng kuwarto ko. Ganoon man, mas pinili ko pa ring mag-shower. Kung tama ang kutob ko sa pinaplano ni Miguel, dapat lang talaga na maglinis ako ng katawan. Handa ba ako roon? Hindi. Napahilamos ako ng mukha ko habang hinahayaan na bumagsak ang tubig mula sa shower sa aking katawan. Ngayon nagsi-sink in sa akin ang pinasok kong trabaho. Aminado naman ako na nasilaw ako sa halaga ng pera na makukuha ko, pero handa ba talaga ako sa ganito? Para gumawa ng bata, kailangan naming mag-s*x ni Miguel. Tinangka kong isipin iyon at halos sampalin ko ang sarili. Kinikilabutan ako. Hindi ko alam kung magagawa ko ba nang maayos ang trabaho na ito. Lumabas ako ng banyo. Matagal-tagal din ako sa shower room dahil kung ano-anong naiisip ko. Tiniting

