Thamia
“BYE!”
Kumaway ako sa dalawang kaibigan ko. Pauwi na ako ngayon. Sinabi nila sa akin na ihahatid nila ako pero tinanggihan ko ang alok nila sa akin dahil hindi ko kayang i-risk na malaman nila kung saan ako nakatira ngayon.
“Sigurado ka bang ayaw mong ihatid ka namin? Mas malayo ang bahay mo rito kaysa sa amin. At least kami ni Bern ay magkasamang uuwi.”
Ngumiti ako sa kanila at umiling. “Hindi na. Okay lang ako. Sige na at baka gabihin na rin kayo.”
Niyakap ko sila bago kami tuluyan na maghiwalay ng landas. Hindi na ako nakapagsabi sa driver na papauwi na ako. Naisip ko rin na mas gusto kong mag-commute.
Habang naghihintay ako ng masasakyan na jeep ay naalala ko ang nakita ko kanina. Nakita ko si Miguel at ang isang babae. Alam ko na naghalikan silang dalawa. Hindi ko nga lamang nasaksihan iyon dahil nag-iwas ako ng tingin nang mapansin na tumingin si Miguel sa direksyon ko.
Umiling ako sa aking sarili. Hindi ko na dapat iniisip pa iyon. Wala akong pakealam sa kung anong gustong gawin ni Miguel sa buhay niya. Wala naman kaming ganoong klaseng relasyon. Nagtatrabaho ako sa kanya at wala sa kasunduan namin na titigil siya sa pakikipagkita sa ibang babae. Wala rin naman sa akin iyon. He has the freedom to do what he wants.
Habang naghihintay ako ng jeep, may tumigil na isang magarang sasakyan sa harapan ko. Napatingin ako roon at nagtataka kung bakit ito tumigil sa harapan ko. Baka may hinihintay.
Umatras ako nang kaunti nang bumukas ang bintana. Sumilip ang nasa loob at nakita ko si Miguel sa driver seat. Kasama niya pa rin iyong babae na ngayon ay nakasakay sa passenger seat.
“Need a ride?” tanong ni Miguel.
Tiningnan ko ang paligid, iniisip na baka hindi naman ako ang kausap niya.
“I am talking to you, Thamia.”
Bumalik ang tingin ko sa kanya bago sa babae. Walang emosyon ang babae at nakatingin lamang sa unahan na akala mo ay hindi ako worthy ng atensyon niya.
Napalagok ako. “H-Hindi na—”
Awtomatikong bumukas ang pinto sa backseat. Napatingin ako roon.
“Hop in,” sabi ni Miguel.
Tinitigan ko pa siya sandali at nang mapagtanto na para bang wala akong magagawa sa offer niya, sumakay na lamang din ako.
Tahimik ako sa likod ng kotse habang si Miguel at ang babae ay nag-uusap sa harapan.
“Ihahatid mo na talaga ako sa bahay? Ayaw mong mag-stay sa condo ko?”
Tumingin ako sa bintana. Nagpapanggap ako na akala mo ay hindi ko sila naririnig. Ayokong marinig ang pinag-uusapan nilang dalawa.
Kung pwede lang i-mute ang kanilang pag-uusap, ginawa ko na.
“Nah, I’m busy,” sabi ni Miguel.
Sumilyap ako sa kanila at napansin ko na nakatingin si Miguel sa rear mirror kung saan makikita rin akong nakatingin sa kanya. Mabilis akong nag-iwas.
“Hmmp! Wala ka nang masyadong oras sa akin,” sabi ng babae. “Tapos ngayon, may isinabay ka pang iba. Hindi ko alam na mahilig ka sa mas bata sa ‘yo.”
Napalagok ako. Bakit nadadamay ako ngayon sa pinag-uusapan nila? Dapat ba akong magsalita para depensahan ko ang sarili?
“She’s an acquaintance.”
Tiningnan ako ng babae. Sinikap ko na magpakita ng ngiti sa kanya pero inirapan niya lang ako.
Inihatid muna siya ni Miguel sa isang malaking building na sa tingin ko ay condominium.
“Thanks. Bukas ulit?” tanong ng babae.
“Hmm, we’ll see.”
Huminga nang malalim ang babae. Muli siyang tumingin sa akin bago ilapit sa pisngi ni Miguel ang kanyang labi at halikan ito roon.
Nanlaki ang aking mga mata sa nasaksihan. Nag-iwas ako ng tingin. Nag-iinit ang aking mukha.
“Bye, Migo. Call me, alright?”
Hindi ko na narinig na nagsalita pa si Miguel. Binuksan ng babae ang pinto ng kotse at lumabas.
Hinintay namin siyang pumasok sa loob ng building.
“Thamia.”
Napaupo ako nang tuwid nang marinig ko ang boses ni Miguel. Dahan-dahan akong tumingin sa direksyon niya.
“Lumipat ka rito sa passenger seat.”
Noong una ay para bang hindi rumerehistro sa akin ang sinabi niya. Nakatingin lang ako kay Miguel at napakurap-kurap. Nang mapansin niya na hindi ako kumikilos ay nilingon niya ako.
“You heard me.” Suot niya na naman iyong ngiti niya na parati niyang suot. Sumenyas siya sa akin na lumipat sa harapan. “I am not your driver. Get your pretty ass here.”
Napalagok ako at lumabas ng kotse. Lumipat ako sa passenger seat.
Sa kung ano-anong pumapasok sa isipan ko, nakalimutan kong mag-seatbelt.
Lumapit si Miguel sa akin. Nanlaki na naman ang aking mga mata sa gulat.
“Anong…”
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Kinuha niya ang seatbelt sa gilid ko at inayos iyon sa akin.
Sobrang lapit niya na naaamoy ko ang bango niya. Naghahalo ang natural niyang amoy at ang mamahalin niyang pabango.
“There,” saad nito habang nakangiti. “We don’t want anything bad to happen to you, right?”
Nagsimula na siyang patakbuhin ang sasakyan niya. Ang tahimik ng loob ng kotse na nagiging hindi komportable na ako.
“N-Nakita kita kanina. Kilala ka pala ng mga kaibigan ko.” Kung anong unang pumasok sa aking isipan ay iyon na lamang ang aking itinanong sa kanya.
“I guess. I was just in the area because of Bridget.”
Bridget? Siguro ay iyon ang pangalan ng babaeng kasama niya.
Nilingon ko siya. Ang susunod kong tanong sa kanya ay alam kong hindi ko na dapat isinalita pa, pero huli na ang lahat bago ko pa mapigilan ang sarili sa pagtatanong.
“Girlfriend mo ba iyong kasama mo?”
Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Kahit na gilid lamang ng mukha ni Miguel ang nakikita ko, napansin ko ang pagbabago nito.
“No. If I have a girlfriend, you wouldn’t be here.”
May kakaibang kilabot akong naramdaman. Kahit na nakangiti na naman siya, may kakaiba talaga kay Miguel na nagbibigay kilabot sa akin.
“Sa madaling salita, she’s not my girlfriend. Hindi ako nakikipag-commit.”
Para ngang nabanggit niya na sa akin iyon noon. Ayaw niyang makipagrelasyon.
Tumango ako. “Marami ka palang kilalang magagandang babae, bakit ako pa ang pinili mo?”
Again, isa na namang tanong na dapat ay kinimkim ko na lamang. Hindi rin naman mahalaga sa akin ang kasagutan doon.
“Is that jealousy I’m hearing?” Tiningnan niya ako at kitang-kita ko ang pagiging sarkastiko niya.
Agad akong umiling sa kanya. Hindi naman ako nagseselos.
“Curious lang,” sagot ko sa kanya.
Hindi na nagsalita pa si Miguel. Akala ko nga ay mananatili na lamang siyang tahimik. Nakarating kami ng bahay niya at tumigil ang sasakyan tsaka lamang ito nagsalita.
“The job is not for just anyone.”
Natigilan ako sa kinauupuan ko at hindi ko na nagawang makalabas nang marinig ko ang boses niya.
“I need to choose someone under some conditions.”
Ikiniling ko ang ulo ko. May mga parte ako sa sinabi niya na hindi ko maintindihan. Anong ibig niyang sabihin at anong mga kondisyon iyon?
Tiningnan ako ni Miguel. Nakalapat na naman sa kanyang labi ang ngiting parati niyang ipinapakita sa ibang tao.
“I don’t need a woman who will be attracted to me as the days pass by. Hindi ko kailangan ng babae na mahuhulog o magkakaroon ng apeksyon sa akin other than the physical one. Do you get what I am saying? Kailangan ko ng babae na trabaho ang turing sa bagay na ito at hanggang doon lang. It will be a pain and trouble to me kung sakaling ma-attach sa akin ang empleyado ko, hindi ba?”
Nanatili akong nakatitig sa kanya. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.
“Naalala mo ba ang kondisyon ko sa kontrata?”
Tumango ako. Bigla kong naalala kung ano ang isa sa mga kondisyon niya sa akin.
“Not to develop feelings towards you.”
Lalong lumawak ang kanyang ngiti. “That’s right. And also, after the contract ends and you have successfully given me an heir, you’ll walk away from our lives. Pagkatapos nito, wala ka nang kahit na anong koneksyon sa akin at sa anak ko. Aren’t we clear with that?”
Nahirapan akong lumagok sa narinig pero tumango pa rin.
“Hindi lahat ng babaeng dumadaan sa buhay ko, kayang gawin ang mga kondisyon kong iyon.” Nag-iba ang aura na nakapalibot kay Miguel. Hindi na ito iyong magaan na aura na parating dala-dala niya.
It’s heavy and suffocating. Ang hirap huminga.
“Ayoko ng drama sa huli. Ayokong may umiyak na babae sa akin at magmakaawa na mahalin ko rin siya o maging parte ng buhay ko at ng anak ko. Because the truth is I don’t believe in f*****g love.” His presence shifted at naging magaan ulit ito. “Ganoon ako kabait. Ayokong nananakit o nagpapaiyak ng babae.”
Napangiwi ako sa huling sinabi niya. I wonder about that. Sa rami niyang babae, hindi lahat doon ay kayang sabayan ang pagpapalit-palit niya ng babae. Maaaring ang iba, nagpapanggap na okay lang sa kanila na ganito sila ituring ni Miguel dahil ayaw nilang iwanan sila nito ng permanente.
“Malinaw naman ang lahat sa atin, Thamia, hindi ba?”
Tumango ako sa kanya. “Oo, wala kang magiging problema sa akin.”
Hindi ko pa nararanasan na magkaroon ng lalaking minamahal. The closest is Kiel, pero dahil malapit ko siyang kaibigan. Hindi ko alam kung paano i-differentiate ang pagmamahal sa kaibigan at sa taong importante sa ‘yo.
“Good. Now, prepare for dinner. After the dinner, may sasabihin ako sa ‘yo.”
Lumabas na ako ng sasakyan niya. Naglakad ako papasok ng bahay at dumiretso sa kuwarto upang makapagpalit ng damit.
Ano naman kayang sasabihin sa akin ni Miguel at bakit kailangan pang maghintay hanggang matapos ang dinner?
Tahimik at payapa ang naging dinner naming dalawa ni Miguel. Pinapakiramdaman ko siya dahil inaasahan ko na may sasabihin siya sa akin.
Nang matapos kami sa dinner, nangapa ako kung may sasabihin pa si Miguel. Kaya lamang, may kausap naman siya sa telepono ngayon.
Tumayo ako at nagpaalam na sa kanya para makabalik sa kuwarto ko. For some reason, I don’t feel good. Pakiramdam ko ay may magaganap ngayong gabi na hindi ko magugustuhan.
“Thamia, stay for a while. I will just finish this call, and we will talk.”
Hindi pa ako nakakahakbang papalayo sa kinaroroonan ko ay napaupo ulit ako dahil sa sinabi ni Miguel.
Hinintay ko siyang matapos sa kanyang pakikipag-usap. Nang ibaba niya ang telepono, ibinaling niya sa akin ang atensyon niya.
“Nakapagpa-enroll ka na ba?” tanong niya sa akin. Paano niya nalaman na pwede na akong mag-enroll? Ganoon man, tumango pa rin ako.
Ngumiti si Miguel. Napapansin ko sa kanya na mahilig talaga siyang ngumiti kahit na parang wala namang buhay ang mga mata niya at contradicting ang nakapaloob sa mga ito sa ipinapakita niya.
“Good. You’re using your money in a good way.”
Alam ko na hindi lamang ito ang pag-uusapan namin at kinakabahan ako sa mga susunod niyang sasabihin. I should prepare for the worst.
Tumayo si Miguel. Nagtaas ako ng tingin sa kanya at sinalubong ko ang makapanindig balahibo niyang mga mata.
“Don’t lock your door tonight. I’ll visit you later.” Tinalikuran niya ako at naglakad pero bago pa ito tuluyang umalis ay tumigil siyang muli. Nilingon niya ulit ako at may kakaiba na naman sa ngiti niya. “Prepare yourself tonight. As much as I want my woman aggressive, I know this will be your first. I’ll be gentle…or try at the very least. See ya!”
Kinindatan ako ni Miguel. Nakatulala lamang ako at pinapanood siyang maglakad papaalis hanggang sa maglaho siya sa paningin ko.
Napakurap-kurap ako at matagal-tagal din bago nag-sink in sa akin ang mga sinabi niya.
Nanlaki ang aking mga mata habang paulit-ulit sa isipan ko ang mga salita niya.
Prepare myself? For what? Hindi kaya…
Kumabog ang dibdib ko. Nakalimutan ko ata kung anong dahilan at naandito ako at ngayon ay bigla niyang pinaalala sa akin.
Shit! Huwag mong sabihin na mamaya na namin gagawin iyon? Lalo akong nilamon ng kaba.