Thamia
ISANG hiwaga pa rin sa aking kung bakit gusto ni Miguel na magkaroon ng anak pero mukha namang ayaw niya ng commitment.
Sa tuwing naalala ko kung paano siya makipag-interact sa mga babae, alam ko na siya iyong tipo ng tao na hindi nagse-settle sa iisang relasyon. Siya iyong lalaki na papalit-palit ng babae dahil hindi makonteto sa isa at mabilis magsawa.
Oh well, with his face and body, and loaded bank accounts, kahit sino ay makukuha niya.
Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa mga pinagsasabi ni Miguel. Bukod doon, takot ko lang din na baka mamaya ay gapangin na naman ako ng lalaking iyon habang natutulog. Kahit ata mag-lock ako ng pinto, makakagawa siya ng paraan upang buksan iyon.
Nakatingin ako ngayon sa salamin. Ang lalim ng mata ko dahil sa hindi maayos na tulog. Huminga na lamang ako nang malalim at naghilamos.
Pagbalik ko sa kama, naisipan ko na buksan ang cellphone ko. Mabuti na lang din at naisipan ko na buksan ang email ko. May nakita akong mail mula sa school na pinag-apply-an ko ng scholarship at binabalak na pumasok sa susunod na pasukan.
May pera naman ako ngayon dahil na rin sa signing bonus na ibinigay ni Miguel sa akin. Kahit papaano, naisipan ko na mag-apply ng scholarship sa isang dream school ko. Habang nagtatrabaho ako kay Miguel, tutustusan ko ang pag-aaral.
Pero…oo nga pala at aalis din ako. Matagal pa naman siguro iyon. Tsaka ko na iisipin. Ang mahalaga ay makapag-aral ako ngayon kahit first year college lamang at aalis na kapag natapos ang kontrata ko kay Miguel.
May tumawag sa telepono. Sinagot ko iyon.
“Hello, Miss Thamia. Nakahanda na po ang breakfast. Hinihintay na rin po kayo ni Mr. Landaverde sa dining area.”
“Oh…” Iyon na lamang ang nasabi ko. “Papunta na.”
Mabilis akong kumilos. Nakakahiya rin naman kay Miguel kung paghihintayin ko siya nang matagal.
Tahimik ang naging pagkain. Kinakabahan ako kay Miguel. Sinabi niya kahapon na sisimulan niya na ang training ko para matuto ang katawan ko sa mga bagay na gusto niya at para maging handa ako sa pagdadala ng anak niya.
Parang ang hirap lunukin ng pagkain. Akala mo ay bato ang kinakain ko kahit hindi naman.
Naalala ko iyong scholarship. Naisip ko na i-open kay Miguel. Siguro naman ay hahayaan niya akong mag-aral habang nagtatrabaho sa kanya.
“Nakatanggap ako ng email kanina. Nag-apply kasi ako sa isang school ng scholarship at nag-inquire na rin para sa susunod na semester…”
Humilig si Miguel sa kanyang kinauupuan at nanatiling nakatingin sa akin.
“I see. You’re using the money I gave you in a good cause,” sabi ni Miguel.
Tumango ako pero nagpatuloy rin sa sinasabi. “Kung okay lang, kapag pwede na ay mag-e-enroll ako. Hindi naman siguro makakasagabal ang pag-aaral sa magiging trabaho ko sa ‘yo, hindi ba?”
Hindi kaagad nagsalita si Miguel kaya kinabahan ako. Inisip ko pa na baka hindi niya gusto ang ideya na sinabi ko.
Inihahanda ko na ang aking sarili sa kung ano mang sasabihin niya.
“Sure. Why not? I don’t think that was a bad idea. I’ll support that. Education is important.”
Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Akala ko ay hindi siya papayag.
“Saan school nga ‘yan?” tanong ni Miguel.
Sinabi ko sa kanya ang pangalan ng school. Isa iyong pribadong eskwelahan at kilala rin. Mahirap makapasok kaya nagpapasalamat ako na natanggap ako sa scholarship.
“That’s a nice choice.” May kakaiba muli sa ngiti niya. Alam ko na may ibang kahulugan iyon pero ayoko nang mag-isip pa masyado.
Sandali ulit kaming natahimik. Nagpasiya ako na magpatuloy na sa pagkain.
“Do you mind telling me…” panimula ni Miguel kaya nagtaas ulit ako ng tingin sa kanya. “Bakit hindi ka kaagad nakapag-aral? Alam ko na hindi lang dahil sa kahirapan.”
Natigilan ako roon. Para akong namutla at iniwan ng kaluluwa ko sa tanong niya.
“I-Iyon lang ang dahilan,” sabi ko.
Pinagsalikop niya ang kanyang kamay at itinuon ang siko sa mesa at tiningnan ako ng diretso. Akala mo ay binabasa ng mga mata niya ang lahat-lahat sa akin.
“You know, other than hotels, casinos, and other things, we are also known for our security services, such as private investigators and the like. Kaya kong alamin ang lahat ng tinatago mo, but I would rather hear it directly from you. You don’t want me invading your privacy, right?”
Kinagat ko ang labi ko. Hangga’t maaari ay ayoko nang ipaalam pa sa kanya.
“Why are you asking about this now?” tanong ko kay Miguel.
“Gusto kong maging komportable ka at ganoon din ako kapag magkasama tayo. In order to do that, kailangan nating makilala ang isa’t isa, hindi ba? Gusto ko ring malaman kung anong klaseng tao ang babaeng magdadala ng anak ko.”
Napalunok ako. Iniisip ko kung magsisinungaling ba ako para lamang maitago ang katotohanang nakulong ako ng apat na taon.
Ikinuyom ko ang aking kamay. Alam ko na mas maaaring mapunta lamang ako sa hindi magandang sitwasyon kung itatago ko pa ganoong magagawa namang malaman ni Miguel kung nanaisin niya. Mas magandang magpakatotoo na lamang habang maaga pa.
“Nakulong ako.” Halos ibulong ko ang dalawang salitang iyon.
Ikinahihiya ko ang mga taong nakulong ako. Kahit na napawalang-sala naman ako, iba na rin ang tingin sa akin ng ibang tao lalo na kung hindi ako lubos na kilala. Iisipin nila na totoong pumatay ako ng tao.
“Come again,” sabi niya. Hindi ako sigurado kung nagpapanggap ba siyang hindi niya narinig ang sinabi ko o talagang hindi niya narinig dahil mahina ang boses ko.
“Nakulong ako ng apat na taon…” Nag-isip ako kung dapat ko bang dagdagan pa. “Pero napatunayan naman na wala akong kasalanan.”
Matagal na katahimikan ang namuo sa aming dalawa. Nakayuko ako at nakatingin lamang sa pinggan ko. Hindi ko magawang magtaas ng ulo at tumingin sa direksyon ni Miguel. Natatakot akong makita kung anong reaksyon niya sa nalaman.
“Hmm, nakulong ka at apat na taon bago ka napawalang sala, huh?”
Tila kay hirap lumunok nang mga sandaling iyon. Pinagpapawisan din ako. Makakaapekto kaya ito sa usapan naming dalawa?
“That must be tough for you.”
Napataas ako ng ulo at tiningnan si Miguel. Nanlalaki ang aking mga mata. Hindi ganitong reaksyon ang inaasahan ko mula sa kanya.
Uminom lamang siya ng kape at para bang hindi nakakagulat na bagay ang nalaman niya.
“Ha?” Gulong-gulo ako sa reaksyon niya. Dapat ko bang ikatuwa na ganito lamang ang sinabi niya?
Tumingin din siya sa akin. “What? Iniisip mo ba na maghisteriya ako rito matapos ang nalaman ko o hindi kaya ay huhusgahan ka dahil nakulong ka? I am not that narrow-minded, Thamia.”
Umawang ang aking labi pero hindi ko nagawang makapagsalita. Kinagat ko ang labi ko. Tama siya ng iniisip. Ganoon nga ang inaakala kong reaksyon na matatanggap ko.
“Hindi ka ba natatakot na kriminal ang magdadala ng anak mo?”
“Hmm, you aren’t convicted, so you’re not a criminal. You were acquitted. Isn’t that enough para masabi ko na inosente ka at walang ginawang kasalanan?”
Natuwa ako sa narinig ko mula sa kanya. Akala ko ay kagaya ng iba, huhusgahan niya ako at baka hindi na namin ituloy ang usapan namin. Mabuti na lamang at mukhang hindi ganoong klase ng tao si Miguel.
Sa unang pagkakataon, hindi ko naramdaman ang kahihiyan sa nangyari sa akin dahil sa paniniwala ni Miguel.
Nang matapos ang pag-uusap namin tungkol sa buhay ko, ako naman ang nagtanong.
“May tanong din ako,” sabi ko. Maaaring hindi niya sagutin ito pero itatanong ko pa rin. “Bakit gusto mong magkaanak? I mean, pwede ka namang maghintay na lang na makapag-asawa at tsaka kayo mag-anak, hindi ba?”
Biglang sumagi sa isipan ko na paano pala kung may asawa na siya pero hindi magkaanak ang asawa niya kaya naghahanap siya ng magdadala ng anak niya? Pero ang sabi sa research ko ay bachelor si Miguel. Meaning ay wala pa siyang asawa.
Nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito kaya alam ko na hindi ko na dapat iyong tinanong pa.
“Okay lang kung ayaw mong sagutin. Huwag mo na lang isipin ang tanong ko.”
“I will never have a wife, that’s for sure. Wala sa mga plano ko sa buhay ang magkaroon ng asawa at magpakasal. Matali sa isang relasyon na maaari namang masira lamang din sa huli. All I need is an heir. Makukuha ko naman iyon kahit hindi ako mag-asawa, hindi ba? That’s why I hire you.”
Itinikom ko ang aking bibig. Alam ko na sign na iyon na huwag na akong magtanong tungkol sa personal na buhay niya.
So, I guess, mahilig lang siyang mambabae pero wala siyang balak na pumasok sa isang seryosong relasyon.
Matapos ang pagkain namin ng umagahan, nagpaalam siya na kailangan niyang umalis at pumunta sa opisina nila. Sinabi ko naman sa kanya nag mag-aasikaso ako ng mga papeles ko para makapag-enroll ako darating na pasukan.
“Take my driver.”
Ikinagulat ko ang sinabi niya. “Hindi na kailangan. Kaya ko namang mag-commute na lamang.”
Ngumiti si Miguel sa akin. Pero kagaya ng ibang ngiti niya, alam ko na walang ibang ibig sabihin iyon.
Isa ito sa mga napansin ko sa kanya. Mahilig ngumiti si Miguel, pero kahit na ganoon ay walang emosyon at madilim ang ekspresyon ng mga mata niya.
“Just do what I say.” He patted my head. Tinalikuran niya na ako at umalis.
Bumagsak ang balikat ko, alam ko na wala na rin namang magagawa.
Hindi ako sanay sa ganitong buhay. Kinalakihan ko ang normal at simpleg buhay. Sanay akong makipagsiksikan sa tren, standing sa bus, at makipag-unahan sa pagsakay sa jeep. Ang sumakay sa magarang sasakyan, komportable sa byahe, at hassle-free na pagko-commute ay bago sa akin.
“Maraming salamat po sa paghatid sa akin. Mag-text na lang po ako mamaya kapag tapos na ako.”
Tumango sa akin ang driver. Umalis na ako at nagpunta ng university.
Dala ko ang lahat ng kakailanganin ko. Nagpunta kaagad ako sa registrar para mag-inquire at nalaman ko rin na pwede na akong mag-enroll. Wala akong sinayang na oras at ginawa na rin iyon. Mabuti na lang din at dala ko lahat ng kailangan ko.
Inasikaso naman kaagad ako. Dahil may sapat na pera ay nagawa ko namang makapagbayad ng balance. Iyong hindi sakop ng scholarship ko.
Parang isang panaginip sa akin ang makapag-aral muli. Hindi ko akalain na makakatungtong ulit ako ng university matapos ang lahat ng nangyari sa akin.
Sobrang smooth din ng proseso.
“Tamie?”
Napatigil ako sa paglalakad. Tapos na ako sa registrar at kailangan ko na lamang na pumunta sa faculty ng department ko para sa registration ko.
Nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko at nakita ko ang dalawang kaibigan.
“Bern! Amelie!”
Lumapit sila sa akin at niyakap ko sila. Halata ang saya sa aming mga mukha.
“Anong ginagawa mo rito?”
Malawak ang aking ngiti. “Nagpa-enroll ako.”
Naalala ko pa na pinangarap namin ng magkakasama na rito kami papasok pare-pareho.
“Talaga?! Wahh! So happy for you,” sabi ni Amelie.
“Ami! Bern! Tara na!”
May tumawag sa kanila kaya napatigil kami sa pag-uusap.
“Oo, sandali lang.”
Tumingin ulit sa akin ang dalawang kaibigan.
“May oras ka ba mamaya? Mag-coffee lang or lunch. May pupuntahan lang kami ni Amelie sandali tapos free na kami.”
Tumango ako sa kanila dahil wala naman akong gagawin. Magsasabi na lang siguro ako sa driver na mamaya pa ako uuwi. Pwede naman akong mag-commute na lang kung hindi ako masusundo.
“Oo. Sige.”
Nagpaalam sila at sinabi na ite-text na lang nila ako mamaya. Kumaway ako sa kanila bago pumunta ng faculty.
Hindi rin naman nagtagal at natapos na ako sa enrollment. Nakatitig ako sa aking registration at hindi makapaniwala na makakapag-aral na ulit ako sa susunod na semester.
Kaagad akong bumili ng uniform dahil may extra pa akong pera. Malaki talaga ang nagawang tulong sa akin ng signing bonus na ibinigay ni Miguel noong nakaraan sa akin.
Kapag natapos ko ang kontrata ko sa kanya, mas malaking pera ang makukuha ko. Makakapagtapos ako ng pag-aaral at makakaalis ng Pilipinas para magawa ko lahat ng plano ko.
“Masaya talaga kaming makita ka na mag-aaral sa school namin. Akala ko pa kanina ay namamalikmata lang kami,” sabi ni Bern.
Magkakasama na kami ngayon sa isang café. Naka-order na kami ng mga pagkain at nagsisimula nang magkwentuhan.
“Oo, nakahanap ako ng trabaho kaya…may pang-enroll.”
Naalala ko na hindi ko dapat sabihin sa kanila ang tungkol sa trabaho ko.
“Ang hard working mo talaga. Nakakabilib,” sabi naman ni Amelie.
Panay ang kwentuhan namin. Graduating na sila pareho kaya busy. Sinabi naman nila sa akin na kapag may oras, makikipagkita sila sa akin sa school.
Kung hindi ako tumigil sa pag-aaral, dapat ay kasabayan nila ako.
“Anong course pala ang kinuha mo?”
Sinabi ko sa kanila na business management ang kinuha kong course. Second choice ko naman iyon.
“Ha? Akala ko ay gusto mong mag-doktor noon?”
Kinagat ko ang labi ko. “Parang masyado kasing magastos ang pagiging doktor kaya hindi ko alam kung kakayanin kong mag-aral nito. Baka hindi ko magawang sustentuhan ang pag-aaral. Okay na rin naman ako sa business. Second choice ko naman iyon.”
Nanahimik na sila matapos ang sinabi ko. Alam ko na naiintindihan nila ang sitwasyon ko. Lalo na ngayon na wala si Mama at hindi ko alam kung nasaan siya. Sana ay magawa niyang magparamdam man lang sa akin para alam ko kung maayos ba ang lagay niya.
Nagpatuloy kami sa pagkain at kwentuhan. Ang seryosong topic namin kanina ay napalitan nang nakakatuwang mga topic.
“Hmm…” Natigilan si Bern at tila ba may tinitingnan sa labas. Pati tuloy kami ni Amelie ay napatigil. “Hindi ba at si Miguel Landaverde iyon, Amelie?”
Para akong nabato sa kinauupuan ko nang marinig ko ang pangalan na iyon.
“Ha? Nasaan? Ano namang gagawin ng isang kagaya niya rito—hala, oo nga!”
Dahan-dahan din akong tumingin kung saang direksyon sila nakatingin. Nakita ko nga rin si Miguel. May kasama siyang…babae.
“Baka nakikipag-date. Grabe, ang gwapo niya talaga!”
“Kilala ninyo siya?” Wala ako sa sarili nang itanong ko iyon. Nanatili pa rin akong nakatingin doon.
“Oo naman. Sino bang hindi makakakilala sa CEO ng Landaverde Conglomerate? Isa pa, naging guest speaker namin iyan noon at malaki ang donation sa school. Mostly ng mga scholars, siya ang nagpapaaral. Sobrang yaman ng pamilya niya!”
“Totoo, tapos ang gwapo pa.” Tumawa si Bern matapos sabihin iyon. “Feeling ko ay bagong babae niya na naman ang kasama. I heard rumors na babaero raw talaga ‘yan.”
Nag-iwas ako ng tingin kina Miguel. Naroroon lamang sila at tila may hinihintay. Hindi ko alam na makikita ko siya rito.
“Oo, ‘no? Papalit-palit nga raw ng babae. Huwag ka! Lahat ng babaeng nali-link naman sa kanya ay mula rin sa mayayamang pamilya. Well, syempre mayaman din siya kaya dapat lang na nasa same status sila ng babae niya.”
Hindi na ako nakisali sa kanilang pag-uusap tungkol kay Miguel. Nanatili akong tahimik at kumakain.
Habang abala ang dalawa kong kaibigan, nakita ko na naman ang sarili na dahan-dahan na tumitingin sa direksyon nina Miguel. Naandoon pa rin sila pero magkaharapan na sila ng babae.
Ang babae ang nakatalikod sa akin kaya kitang-kita ko si Miguel. Hinawakan niya ang pisngi ng babae at dahan-dahan na inilapit ang kanyang mukha rito.
Napalagok ako. Hahalikan niya ba ang babae? Bakit hindi pa ako mag-iwas ng tingin sa kanila?!
Nanatili akong nakatingin sa dalawa. Napapitlag lamang ako nang mapansin ko si Miguel na biglang tumingin sa direksyon ko.
Nanlaki ang aking mga mata at agad na nag-iwas. Ayoko namang isipin niya na pinapanood ko siyang humalik ng babae.
What was that? Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko nang magtama ang paningin naming dalawa?
Sa dami ng babae ni Miguel, bakit isa sa kanila ay hindi niya napili para magdala ng anak niya? Weird.