KABANATA 5: TRESPASS

2292 Words
NASA harapan na ako ng bahay ni Miguel. Nakatingala ako dahil sobrang laki at taas nito. Malayo ang mismong gate. Ilang minuto rin siguro ang naging takbo ng sasakyan simula nang makapasok kami sa gate para lamang makarating dito. Napalagok ako. Dapat ay hindi na ako nagugulat dahil alam ko naman na mayaman siya pero… “Miss Thamia?” Bumalik ang ulirat ko nang tawagin ako ng driver na nakilala ko sa pangalang Walter. “P-Po?” Iginaya niya ako papasok ng bahay. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya. Nang bumukas ang malaking pinto, binati ako ng mga kasambahay at iba pang tauhan nina Miguel. “Wow…” Mabuti na lamang at hindi iyon napalakas. Nakakahiya naman kung maririnig pa nila ang naging komento ko. “Ako na po ang magdadala ng gamit ninyo sa kuwarto, Miss Thamia.” Nag-aalangan pa akong ibigay sa isang babae ang aking gamit pero nang kunin niya iyon mula sa akin, wala na akong nagawa. “Wala lang po si Sir Miguel ngayon pero papauwi na rin daw po siya. May kinailangan lang siyang puntahan. The doctor will be here any minute, too.” “Doctor?” “Yes…” May pangatlong boses ang sumali sa usapan kaya’t napatingin ako sa kanya. Nakita ko si Miguel na kararating lang. Binati siya ng mga tauhan nila. Lumapit ang ilang maids sa kanya at kinuha ang mga gamit na dala niya pati ang blazer na suot nito. “Check up. It actually should be done before the contract signing, but I was a little carried away.” Naglakad siya papalapit sa akin. “We don’t want you or me carrying illness that may endanger your partner’s life, correct? Bukod pa roon, we need to do some tests to make sure we both can provide and make a baby. I will just take a shower.” Ngumiti siya sa akin kagaya ng parati niyang ginagawa. Sumenyas si Miguel at may isang lumapit na babae sa kanya. “Please, escort her to the examination room.” Tumingin si Miguel sa akin. “I’ll see you later.” Umalis si Miguel sa harapan ko. May isang lalaki na sumunod sa kanya. Hindi ko iyon kilala. Naririnig ko pang nagrereklamo si Miguel na wala siyang sapat na tulog dahil maaga siyang gumising kanina. “This way, Miss…” “Thamia na lang po,” sabi ko. Hindi ako sanay na sa mga itinatawag nila sa akin. Normal na mamamayan lang naman ako. Pumasok ako sa isang silid. Totoong tila may sarili silang ospital sa loob ng bahay na ito. Kompleto sa gamit. “Please wait here, Miss. May gusto po ba kayong kainin o mamaya na lang po?” Ngumiti ako sa kanila. Maaga akong umalis ng bahay kaya hindi ako nakapag-umagahan. Ganoon man, hindi pa rin naman ako nakakaramdam ng gutom. “Mamaya na lang po. Maraming salamat po.” Nagpaalam sila matapos akong ihatid sa silid. Naglakad ako papunta sa isang silya. Naupo ako roon. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa pinasok ko. Baby maker, huh? Gagawa kami ng bata at pagkatapos ko itong ipanganak ay iiwan ko sa kanyang ama. Bumagsak ang balikat ko. Naalala ko si Mama. Parang ganito ang nangyari sa akin. Iniwan ako ni Mama at hindi pa binabalikan. Ang pinagkaiba lang, walang naiwan sa akin at mag-isa lamang ngayon. Umaasa pa rin ako na babalikan niya ako. Kapag bumalik si Mama, tutulungan ko rin siyang linisin ang pangalan niya. Naniniwala ako na hindi magagawang gumawa ng ganoong krimen ni Mama. Aalis kami at lalayo pagkatapos. Dumating ang doktor kasabay ni Miguel. Bata pa ang doktor. Siguro ay mas matanda lamang ng ilang taon kay Miguel. Babae rin ito at mukhang close silang dalawa ni Miguel. Ginawa niya ang lahat ng kailangang gawin. Sinusunod ko naman ang lahat ng instruction na ibinibigay niya sa akin. “Pwede ka nang lumabas ng silid,” sabi ng doktor sa akin. Tumango lang ako sa kanya at naglakad na papalabas. Maiiwan si Miguel dito dahil siya naman ang i-e-examine. Bago ako lumabas, narinig ko pa ang sinabi ng doktor. “Bakit naman hindi mo sinabi na kailangan mo ng babaeng magbibigay sa ‘yo ng anak?” tanong ng doktor. “Hmm, I thought it was a job you’re not going to accept,” sabi ni Miguel. Hinawakan ko ang doorknob pero sa hindi malamang dahilan ay hindi ko magawang buksan. “Papayag naman ako,” sabi ng babaeng doktor. “Para namang wala tayong pinagsamahan. At least kabisado mo na ang katawan ko at ganoon din ako sa ‘yo.” Nabilaukan ako sa sarili kong laway nang marinig ko ang sinabi ng babaeng doktor. Hindi ko napigilan na makagawa ng ingay. Natigil sila sa pag-uusap. “You’re still here?” tanong ng doktor. “S-Sorry,” sabi ko at mabilis na lumabas. Marahas ang kabog ng aking dibdib. Hindi ko magawang maalis ang imahe na ipininta ng babae sa aking isipan dahil sa sinabi niya. Kung ganoon, may nangyari na rin kay Miguel at sa doktor? Tunay nga itong babaero. Bumuntong-hininga ako. Magiging factor ba ito para magbago ang isip ni Miguel at iyong doktor na lang ang kunin niya? Mukhang kilala na nila ang isa’t isa kaysa sa kagaya ko na baguhan sa ganito. Uminit ang buong mukha ko sa naiisip. Sinampal ko nang mahina ang sarili. Kailangan kong itigil ang kung ano mang mga iniisip ko. Nakatanggap ako kina Bern at Amelie ng mensahe. Sinabi nila na good luck daw sa bago kong trabaho. Nagpaalam din kasi ako sa kanila kagabi sa pamamagitan ng text message at nag-reply sila sa akin ngayon. Sana raw ay makapagkita pa rin kami. “Miss Thamia, nakahanda na po ang breakfast. Pwede na po kayong kumain,” sabi ng isang kasambahay. Tumingin ako sa pinto ng silid kung nasaan si Miguel. Iniisip ko kung mas maganda na sabay kaming kumain. “Uhm…” “Kung si Sir Miguel po ang iniisip ninyo, baka po mamaya pa siya makalabas ng silid, lalo na po at naandiyan si Dra. Rina. Halika na po.” Itinikom ko ang aking labi. Sumunod ako sa kasambahay. Ibig sabihin ay tama nga ang hinala ko. Maaaring isa sa mga babae niya iyong doktor. Hindi na ako dapat magulat. Halata naman talaga kay Migo na mapusok siya sa babae. Hindi ko rin siya dapat ipagdamot o pigilan sa mga dati niyang gawain. Wala naman kaming ganoong klase ng relasyon. Namangha ako nang makarating sa hapag-kainan. Sobrang daming pagkain at sobrang lawak rin. Nakalinya rin ang mga kasambahay. Ganitong-ganito iyong mga napapanood ko rati sa teleserye. Iginaya ako ng isa sa kanila sa uupuan ko. Tahimik akong naupo roon. Pinagsisilbihan ako ng mga kasambahay. Hindi ko alam kung may alam ba sila sa kung anong dahilan bakit ako naandito pero hindi ako ang mag-o-open ng topic tungkol doon. Dumating din si Miguel. Naupo siya sa kabisera. Kasama niya ang doktor. Nang magkasalubong kami ng tingin ng doktor, sinikap kong ngumiti sa kanya but she remained cold. Iyon ang napansin ko simula nang makita niya ako kanina. Akala ko ay professional lang talaga siya kaya kapag kinakausap niya ako kanina ay mararamdaman mong may harang sa pagitan naming dalawa, pero mukhang sa akin lang. “Are you going to eat here?” tanong ni Miguel sa doktor. “No, nabusog na naman ako sa ginawa natin kanina.” Ngumiti ang doktor. Muntikan na naman akong mabulunan sa narinig ko. “Anyway, I’ll see you tonight, then. I’ll be going now. I will expedite the result. Kung magbago pa ang isip mo, Migo, contact me.” Naabutan ko na hinalikan niya si Miguel sa pisngi. Nag-iwas ako ng tingin dahil ayokong masaksihan iyon. Geez, so much PDA. Kinikilabutan ako. Umalis na ang doktor. Pinagsilbihan naman kaagad ng mga kasambahay ni Miguel. “I can manage. Please, leave us alone.” Umalis ang lahat ng kasambahay na nasa loob ng dining area. Nang mawala sila, nakahinga ako nang maluwag. “I thought you might feel uncomfortable if they are all here. The shift in your environment is drastic. You weren’t used to this lifestyle.” Ngumiti si Miguel, kagaya ng parati niyang ginagawa. “If you feel uncomfortable in any way while you’re here, let me know.” Tumango ako. Hindi naman niya kailangang baguhin ang nakasanayan nila dahil lang sa akin. But I appreciate it. Totoong hindi ako komportable kanina. Nasa kuwarto na ako. Nakahiga ako sa kama at sinabi sa akin na lahat ng kailangan ko ay naririto na sa silid. Bukod sa ibang gamit na dinala ko, may mga damit na sa closet. Iba’t ibang klase ng damit mula sa mga kilalang brands. Sa buong buhay ko, ngayon lamang ako nakahawak ng ganoong klaseng kay gagandang damit. Bumuntong-hininga ako. Nahihirapan akong basahin si Miguel. Hanggang ngayon ay napapaisip ako kung dapat ko bang pagkatiwalaan ang isang kagaya niya. May pagkakataon na iniisip kong happy go lucky siya. Pero may mga pagkakataon na nakikitaan ko siya ng madilim na ekspresyon na maging ako na nakita na ang madilim na parte ng buhay ng tao, kinikilabutan pa rin. Hindi ko namalayan na dahan-dahan nang pumipikit ang aking mga mata at nakakatulog. Nang magising ako, may iba akong nararamdaman sa ibabaw ko. Tila may mabigat kahit wala namang nakapatong. Iminulat ko ang aking mga mata. Noong una ay inisip ko pang binabangungot ako kaya ganito. Nang magmulat ako ng aking mga mata, nanlaki ang mga ito at mabilis nawala ang antok ko nang makita ko si Miguel sa ibabaw ko. Ngumisi siya nang mapansin na nakatingin ako sa kanya at gising na. “Hello,” pagbati niya sa akin. Nang maproseso ng aking isipan ang nangyari, napasigaw ako at itinulak si Miguel. “Anong ginagawa mo rito?!” Napayakap ako sa aking sarili. Mahigpit kong hinawakan ang aking damit. Maaayos naman ang suot kong damit, pero nagulat lang talaga akong makita na nasa ibabaw ko si Miguel. “What? I was calling your name earlier, you weren’t answering, so I decided to enter your room to see what you were up to.” His smile became mischievous. “You were lying here, defenseless, Thamia. What should I do? You looked attractive. I couldn’t help myself.” Napalagok ako sa sinabi niya. Masama ko siyang tiningnan pero hindi man lang nito natibag ang ngiti niya. “Ganyan ka ba talaga? Bigla ka na lang papasok sa kuwarto ng isang babae? This is trespassing.” Nagkibit-balikat si Miguel. Tumayo siya nang maayos at ipinasok ang kanyang isang kamay sa kanyang bulsa. I admit. He’s really good-looking. Matipuno ang lalaki at maganda ang pangangatawan. Siguro…magiging maganda ang resulta ng anak niya. “Not really. But this is my house. I wasn't aware that trespassing is applicable if you own the house. I own everything here, including you now, Thamia.” Kinagat ko ang labi ko. “Alam ko iyon, pero pwede bang huwag kang basta papasok sa kuwarto na ito? Aatakihin ako sa ‘yo.” “This is the first time someone is ordering. But fine, I understand. Privacy, eh?” Hindi na ako nagsalita. Tumayo ako at inayos ang kama na hinigaan ko kanina. “Ano bang kailangan mo?” May pagkakataon talaga na sumasama ang timpla ko sa tuwing naiistorbo ako sa pagtulog. “How grumpy.” Tumawa si Miguel. “Anyway, gusto lang kitang bisitahin. I thought we could start with your work.” Natigilan ako sa narinig ko mula sa kanya. Dahan-dahan ay pinamulahan ako nang maalala kung anong trabaho ko. Hindi ko napansin ang paglapit ni Miguel sa akin. Napapitlag ako nang makita ko siya sa harapan ko. “So…” Hinaplos ni Miguel ang aking braso. Nagtaasan ang aking balahibo sa ginawa niya. Umatras ako at pinanlalakihan siya ng mga mata. “H-Hindi ba at sinabi ko sa ‘yo na virgin ako kaya’t dahan-dahanin mo?” Bakit pakiramdam ko ay nakahubad ako sa tuwing tinitingnan niya ako? Pakiramdam ko ay kahit balot na balot pa ako ng damit, nagagawa niyang makita ang lahat-lahat sa akin gamit ang mga mata niyang iyon. “I am. Dinadahan-dahan kita, Thamia. Dahil kung hindi, kanina ka pa sa akin kahit natutulog ka.” Lalong nanlaki ang aking mga mata. Don’t tell me he has…somnophilia? Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Alam ko na I can’t demand anything here. Ako ang nagtatrabaho at siya ang boss ko. Nakakagulat ngang napagbigyan niya pa ako roon. Hinawakan ni Miguel ang baba ko. Nakita ko na naman iyong nakakakilabot niyang pagngiti. “Are you scared, Thamia?” Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Sobrang lapit nito na naaamoy ko na ang bango ng hininga niya at humahaplos na sa aking balat ang mainit niyang paghinga. “You should be. But don’t worry, I am not someone who hurt people…without reason. So, don’t fear me too much. Other than satisfying me in bed and bearing my child, wala akong ibang gagawin sa ‘yo. Unless you have…kinks.” Inilapit niya lalo ang kanyang labi sa aking tainga. “I will let you rest today, pero bukas ay sisimulan na natin na i-train ang katawan mo para sa akin at para magawa nitong dalhin ang anak ko. Understood?” Wala ako sa sariling tumango. Kinagat ni Miguel ang tainga ko. May kung anong nagwala sa aking tiyan nang maramdaman ko ang ginawa niya. Nang umatras siya, suot niya na ulit ang kanyang normal na ngiti. Binitawan niya ako at umalis na sa kuwarto. Noong tinanggap ko ang trabaho, wala akong ibang iniisip kung hindi ang pera na makukuha ko. Pero ngayon ay nakakaramdam ako ng takot. Dahil alam kong hindi si Miguel iyong tipo ng tao na dapat pinagkatiwalaan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD