Thamia MABIGAT ang aking mga mata dahil hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Puyat ako dahil hinintay ko si Miguel na umuwi para lang malaman na hindi siya umuwi. Bumangon ako at naglakad papunta sa loob ng banyo. Agad akong naligo dahil may pasok pa ako ngayon. Habang nasa ilalim ng shower at hinahayaan na bumagsak sa aking katawan ang tubig, iniisip ko kung nagpalipas ba ng gabi si Miguel kasama si Nella. Ipinikit ko ang aking mga mata para maialis ang isiping iyon pero lalo lamang lumala dahil mas luminaw sa imahinasyon ko ang makamundong ginagawa nilang dalawa kung sakali. Sinampal ko nang mahina ang sarili. May gusto ako kay Miguel, pero hindi ibig sabihin nito ay may karapatan na ako sa kanya. Hindi ko pwedeng limitahan ang kanyang kilos dahil lamang may agreement kaming dal

