Thamia NAGKAMALAY rin naman kaagad ako matapos kong mahimatay kanina. Nasa loob na kami ngayon ng isang sasakyan. Ginusto kong gumalaw pero para bang paralisado ang katawan ko. Kahit ang aking daliri ay hindi ko man lang magawang maiangat. “Sigurado ba kayo na iyan ang babae ni Miguel Landaverde?” Nakarinig ako ng boses ng isang lalaki. Tama ba ang pagkakarinig ko? Iniisip ata nila na girlfriend ako ni Miguel. “Oo,” sagot naman ng isa. “Nakita ko sila na magkasama noong nakaraan. Simula noon, parati ko silang nakikita na magkasama. Nakakasigurado ako. Teka, saan ka ba pumunta kanina? Bigla kang nawala?!” “Umihi lang,” sabi ng isang lalaki. “Hayaan mo na, pare. Baguhan ‘yan, eh.” Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung anong pinaamoy nila sa akin kanina at nan

