Thamia NATAPOS ang checkup namin. Nararamdaman ko pa rin ang hindi pagkagusto ni Dra. Rina sa akin. Hindi naman niya kailangang sabihin para malaman ko. Sa mga tingin niya pa lamang, alam ko na. “Can you give her a pill that can help her get pregnant easily?” Natigilan kaming dalawa ni Dra. Rina dahil sa sinabi ni Miguel. Habang si Miguel ay umaakto na akala mo ay balewala sa kanya ang mga sinabi niya. “Huh?” Alam ko na maayos na narinig ni Dra. Rina ang sinabi ni Miguel pero para bang ayaw niya iyong intindihin at nire-reject ng isapan niya. “You heard me,” sabi ni Miguel. Isa sa napansin ko kay Miguel, magaan man siyang kausap o iyon ang iniisip ng iba, pero ayaw na ayaw niyang pinapaulit sa kanya ang kung ano mang sinabi niya lalo na kung alam niyang malinaw ang pagkakasabi niya

