Thamia HINDI ako nakatulog nang maayos kagabi. Ginugulo ako ng mga nangyari. Hindi ko rin maitatanggi na kahit hindi natuloy ang binabalak ni Miguel, paulit-ulit sa isipan ko ang pakiramdam ng paghaplos ng kanyang daliri sa aking balat at kung paano niya ako hawakan. Mabigat ang aking mga mata. Wala akong gana na bumangon. Iniisip ko kung may gagawin ba ako ngayon dahil kung wala, mas gusto ko na lamang munang manatili rito. May kumatok sa pinto ko. Tiningnan ko lamang iyon. “Miss Thamia, breakfast is ready.” Ah, right. Kailangan kong kumain nang umagahan. Kailangan kong siguraduhin na maayos ang pangangatawan ko dahil ako ang magdadala ng anak ni Miguel. Naalala ko na naman kung paano niya ihaplos ang kamay niya sa akin kagabi. Nilakbay ng sariling kamay ko ang parteng iyon dahil ak

