Thamia NANG magising ako, nakaramdam ako ng mainit na bagay sa likod ko. Bukod pa roon, nararamdaman ko rin na para bang may mabigat na nakapatong sa midsection ko. Gumalaw ako, and I heard someone groaning from behind kaya’t napatigil ako. Napakurap-kurap ako, lalo na nang mapagtanto ko kung sino ang nasa likod ko. Dahan-dahan kong iginala ang aking mga mata papunta sa may tiyan ko, at doon ko nakita na may nakapatong na braso ng lalaki roon. Napalagok ako at naramdaman ko ang pagbilis ng kabog ng dibdib ko. Tama ba ang iniisip ko? Ayoko sanang gumalaw dahil baka magising ko ang lalaking natutulog sa likod ko pero ginawa ko pa rin. Sobrang rahan ng bawat galaw ko upang hindi ko siya magising. Nang kahit papaano ay nakita ko na siya, napalagok ako at umiwas ulit ng tingin. Nanlalaki

