Miguel I WAS in a bad mood. Naging mapakla ang aking mood magmula nang sinabi ni Thamia sa akin na nakausap niya si Nella. Why is she meddling with my life? Wala ba siyang sariling buhay na pagkakaabalahan? After Thamia told me what she and Nella talked about, I immediately contacted her. “Migo!” masayang bati niya sa akin nang sagutin niya ang tawag ko. “Let’s meet.” Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita. Sinabi ko sa kanya na magkikita kami sa bahay nila dahil pupunta rin naman talaga ako roon for business. Kita ko sa mga mata ni Thamia na para bang may gusto siyang sabihin sa akin nang malaman niyang makikipagkita ako kay Nella pero hanggang makaalis ako, wala na siyang ibang sinabi. Man, if she just told me not to go, hindi ako aalis sa tabi niya kahit kailangang-kailangan

