Thamia KUNG tatanggapin ko ang pera na inaalok niya sa akin, it was an easy money. Walang kapalit at hindi kagaya ng kasunduan na mayroon kaming dalawa ni Miguel. “How about it?” Nang matagalan ako sa pagbibigay ko ng kasagutan ay muling nagsalita si Nella. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakangiti pa rin siya sa akin na akala mo’y alam niyang kukunin ko ang offer niya. Huminga ako nang malalim bago ko dahan-dahan na ipatong sa mesa ang cheque. “Pasensya na pero hindi ko matatanggap. Hindi ko gusto na tumanggap lamang ng pera na walang ginagawa.” Hindi kagaya kay Miguel, hindi ko man alam kung matino bang trabaho ang ibinigay niya sa akin, at least I am offering him my service. “Kailangan ko ng pera, oo, pero hindi ako mukhang pera na basta tatanggap lang sa ganitong paraan at lalab

