Nina Ricamonte Halos mawarak na ang manebela sa higpit ng pagkakahawak ni Christian.Nilingon ko ang mukha nito at napasinghap ako nang makitang hindi maipinta ang hitsura nya.Magkasalubong ang mga kilay at nanlilisik ang mga mata na hanggang ngayon ay nakatitig sa kalsada. Niyakap ko na lang ang aking anak na nakakandong sa akin.Hindi ko rin naman sya masisi kung bakit ganyan ang reaksyon nya ngayon.Matapos kong sabihin ang lahat ng mga nangyari related kay Ethan. Kung bakit muntik na kaming magapakasal,kung bakit pinilit kong layuan at iwan sya.Lahat ng mga pwede kong sabihin ay sinabi ko.Ultimo ang balak nitong pabagsakin ang kompanya... Nung una ay sobrang nagalit sya at parang gusto pang sugurin si Ethan kagabi,pero pinigilan ko ito.Alam kong hindi sya nakatulog,magdamag syang nak

