Nina Ricamonte Pilit kong kinakalas ang pagkakayakap ni Christian mula sa likod dahil naiinis na talaga ako.Para sa kanya naman ang ginagawa ko e! Baliw,alam nya ba? Sigaw ng maliit na boses sa aking utak. Oo nga pala. Kahit na ganoon ay pinilit ko pa ring kumawala sa kanya."Christian,pakawala mo ako." Lalong humigpit ang pagkakayakap nito.Naramdaman ko na ipinatong nya ang kanyang baba sa aking balikat at doon ay inamoy-amoy ang leeg ko.Napasinghap ako at napakagat-labi para maiwasang maglabas ng kahit anong ungol dahil sa totoo lang ay may nabubuhay na kakaiba sa aking katawan. Naramdaman ko ring gumagalaw ang kamay nito paikot sa aking tiyan hanggang sa bumaba ito sa laylayan ng aking damit at ipinasok doon ang malilikot nitong kamay. Gusto ko ang ginagawa nya,pero pinigilan ko

