HINDI alam ni Alisha kung gagawa pa ba siya ng isang hakbang para tuluyang makapasok sa kompanyang nasa harap niya. Nakatingin siya ngayon sa napakalaking kompanyang nasa harap niya.
It's the KZ Company, ang kompanyang ito ay namana ng binata sa mga grandparents niyang pumanaw.
Hindi na nagdalawang isip si Alisha, huminga siya ng malalim bago tuluyan nang pumasok sa kompanya.
Hindi siya pamilyar sa building, kaya hindi niya alam kung saan ba siya pupunta. Napakalaki kase nito at nasa 30th floor ang taas. Kaya naman lumapit siya sa isang guard na nasa entrance ng kompanya.
“I'm looking for Mr. Montenero” she stated.
Tumingin ang guard sakanya, “Do you have appointment? Miss?" tanong nito.
Bigla siyang napaisip, wala siyang appointment, pero secretary naman siya ng ginang na Ina ng binata.
“I don't have an appointment, but this is really important”
“Pasensya na po, Miss. Hindi po pwedeng kitain si boss kung wala kayong appointment. Mabuti pa ay i-contact niyo nalang po ang secretary niya para makapag appointment po kayo.” paliwanag nito.
Naiintindahan naman ni Alisha ang sinasabi ng guard, ganoon din kase sa kompanyang pinagtratrabahoan niya.
“I'm Mrs. Montenero secretary, inutusan niya ako rito para ibigay ang imbitasyon para sa kanyang kaarawan at may pinasasabi siya sa kanyang anak.” she showed her I'd to the guard.
Napakamot sa batok ang guard, “Nako! Ma'am! Bakit hindi niyo ho sinabi agad. Pasok na po, nasa 7th floor po ang office ni Mr. Montenero hindi na po kayo maliligaw kase may mag a-assist po sainyo roon.” ani 'to
Ngumiti siya, “Salamat po”
Naglakad na siya at nagtungo sa elevator, nang may bumukas ay agad siyang pumasok. Pinindot niya ang ika-pitong palapag.
She brushed her hair using her fingers. Bawat taas ng elevator ay kabog din ng dibdib niya, siguro ay kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung paano niya ba sasabihin ang pinapasabi sakanya ng ginang.
You can do it! Fighting Alisha!
Huminga siya nang malalim nang tumunog na ang elevator hudyat na nasa floor na siya na pupuntahan niya, huminga siya ng malalim bago tuluyang lumabas sa elevator.
Tama nga si manong guard dahil paglabas palang niya ay may sumalubong na sakanyang isang magandang babae.
“You're Mrs. Montenero secretary?” tanong nito sakanya, seryoso ang babae at mukhang masungit.
“Yes. I'm here for Mr. Montenero”
“I know, follow me.” masungit na sabi nito
Wow?! Hindi maiwasan ni Alisha umirap, napakasungit ng babae akala mo kung sinong maganda. Pumasok ito sa dulong pinto kaya sumunod siya.
When she walked in, the manly scent filled her nose. Ang bango ng opisina at nakakaakit ang pabango. The office is clean and white. There's a set of sofa in the corner, may isang pinto pa sa loob ng kwartong ito, mukhang banyo.
“Let's wait for Mr. Montenero here. Nasa board meeting pa kase siya.” ani babae
She just nodded. Nakatayo parin siya katulad ng babae, sa isip-isip ni Alisha ay hindi ba siya nito pauupuin man lang? Siguro hindi naman nito balak na patayuin siya habang naghihintay sila sa binata.
“Are you, Mr. Montenero secretary?” she asked the girl.
“No, I'm his Personal Assistant.” may diing sagot nito.
Hindi na muling nagsalita si Alisha. Pero ilang saglit pang nakatayo ay hindi na niya matiis.
“Excuse me, I'll just go to the rest
room.” paalam ni Alisha.
Hindi na niya matiis na kasama ang babae sa iisang kwarto, pakiramdam niya kase ay ilang oras nalang makakatikim na ito sakanya ng salita. Hindi man lang siya pinaupo at hindi nakakatakas sakanya ang matatalim na tingin nito sakanya, hindi alam ni Alisha kung bakit. Hindi naman niya kilala ang babaeng iyon.
Mukha itong triggered sakanya.
Umiling nalang siya at hinanap ang restroom sa floor na iyon, mabilis niya rin nahanap dahil may malaking sign siyang nakita, agad siyang pumasok at dahil patawag na ang kalikasan ay dali dali siyang pumasok sa isang cubicle.
Ilang saglit lang din ay may mga tunog ng stiletto's mukhang papasok din sila sa banyo, narinig niya ang isang cubicle na bumukas mukhang may pumasok dito. Habang may isang tao namang nasa labas lang.
She was about to get out of the cubicle when the woman in the other cubicle spoke.
“He was abandoned when he was child daw.” the woman in the cubicle said.
Muling tumunog ang stilleto ng isa pang babae, palapit ito ngayon sa katabi niyang cubicle.
“Oo, iyon nga rin ang nababalitaan ko. Hindi ba ipinapasa na ni Mrs. Montenero ang MonCop? pero ayaw niya kunin. Kase may issue siya sa father niya” the other woman said.
Halos mag pantig naman ang tenga ni Alisha nang marinig niya ang familiar na surname na pinag uusapan ng dalawa, nanatili parin siya sa kanyang pwesto. Maya maya pa ay bumukas na ang katabi niyang cubicle, lumabas doon ang babae at mukhang nagtungo sa sink dahil tumunog ang agos ng tubig dito.
“Kaya pala ganon nalang ang ugali niya.” natatawang sabi ng isa sakanila, iyon yung galing sa cubicle.
“what do you mean?”
“Nakakatakot siya, may anger issue siya tapos basta he's scary!” sagot nito.
“Shhh, baka may makarinig pa saatin. Tara na!”
Nang maramdaman ni Alisha na nakaalis na ang mga ito ay saka naman siya lumabas nang cubicle niya, pero halos mapatalon siya sa gulat nang makita niyang hindi lang siya nag-iisa sa banyo, may isang babae rin kase ang lumabas mula sa isang cubicle pa.
The girl is beautiful, she's taller a bit than Alisha. Mukhang kanina pa rin itong nasa cubicle niya at nakikinig sa dalawang lumabas. Hindi naman niya pinansin ang babae saka siya nagtungo sa sink.
Hindi maiwasan ni Alisha isipin ang narinig niya, sino kaya ang pinag uusapan ng mga ito? Bakit nasama si Mrs. Jane?
“What are you doing here?” napatingin siya nang magsalita ang babaeng nasa tabi niya.
“huh?”
“You're Tita Jane, secretary right?” sino siya? Bakit niya tinawag na tita si Mrs. Jane
“Yes, ihahatid ko lang ang invitation.” sagot niya.
Tumango ito, “Wag mo nalang isipin ang narinig mo, it's better to act deaf than to be curious like a cat.” sabi nito bago naglakad, aalis na sana ito nang hindi mapigilan ni Alisha mag tanong.
“Who are you?”
“Katalina Montenero.” aniya, bago tuluyang umalis.
Montenero? Pamangkin siya ni Mrs. Jane? Anong ginagawa niya rito? Alam niya kaya ang pinag uusapan ng dalawang babae kanina? Anong gagawin niya?
Nang matapos si Alisha maglagay ng lipstick sa kanyang labi ay tuluyan na siyang lumabas, nakita niya yung personal assistant kuno ni Mr. Montenero, nasa labas na ito ng opisina.
“Mr. Montenero is inside. Pumasok ka nalang and please don't do stupid things.” anito.
Napanganga si Alisha sa sinabi ng babae, mukhang may sama ng loob ito sakanya. Hindi tuloy niya maiwasan tarayan ang babae. Anong akala niya sakanya? Tanga?
Pinihit niya ang door knob, saka tuluyang pumasok. May sumalubong sakanyang isang lalaki.
“I’m Mr. Montenero secretary. Paul Rivera” pakilala nito.
“I'm Alisha, Mrs. Montenero secretary.” tumango sakanya ang lalaki.
“Have a sit, first. May sinagot lang na tawag si boss.” anito
Tumango nalang si Alisha, mas mabait ang secretary ni Mr. Montenero kesa sa personal assistant nitong akala mo may kasalanan ka sakanya kung makatingin.
Nagulat siya nang marinig ang ring ng telepeno na nasa tabi niya, tumayo si Paul sa pagkakaupo at sinagot ito. Tumingin ito sakanya habang may kausap sa kabilang linya. Nang ibaba nito ang tawag ay lumapit ito sakanya.
“Pinapapasok kana ni Mr. Montenero sa kanyang opisina.” Paul said.
“Huh? Saan?”
Hindi niya paba opisina ito? May itinuro ang secretary niyang pinto. Iyong pintong akala ni Alisha kanina na bathroom ay ang opisina ni Mr. Montenero!
Tumango si Alisha at nagpaalam na kay Paul. Agad siyang lumapit sa pinto, she knocked twice before she twist the door knob, sumalubong sakanya ang katulad ng amoy sa labas na kwarto kanina.
She saw a broad shoulder with a well built body, nakatalikod ito sakanya may suot itong black suit. Mukhang may katawag pa ito sa phone niya, dahil nakataas ang isa niyang kamay at nakatapat sa kanyang tenga.
mukhang pogi!
Ilang saglit lang ang itinagal ay tuluyan na itong humarap, ang iniisip ng dalagang si Alisha na guwapo ito ay tama nga!
From his thick eyebrows, mahaba at makapal na pilik-mata, pointed nose, nang aakit na mga labi, siguro para kay Alisha kahit ilaban si Adonis sa taong nasa harap niya ay walang binatbat ito.
Umiwas siya nang tingin ng napansin niya ang tila amused na mukha ng binata sa paraan ng pagtitig niya rito.
“So, we met at last. Alisha Mei Quero.” he said.
It sounded too formal, for Alisha. Pero kunsabagay ay business man ang kaharap niyang binata. However, kakaiba sa pandinig niya ang pagbigkas nito sa pangalan niya, may kung anong kiliti sa tiyan niya ang pagbanggit nito sa kanyang buong pangalan.
Hindi niya alam kung anong sasabihin niya sa binati, kung babatiin niya ba ito o tatanungin kung anong ibig sabihin niya sa sinabi nito. Ngunit napagpasyahan ni Alisha na sundin ang una niyang naisip.
“It’s a pleasure to meet you, King Zecarious Montenero” aniya, nang makita ang buong pangalan nito sa table nito.
She tried to be formal as well. Nakita niya tila mas namangha ang binata sa ginawa niya.
“So, what made you come here?” the man asked.
Doon lang naalala ni Alisha ang pakay niya!
“I-pinamimigay ng mother niyo ang invitation for her birthday party.” aniya, saka lumapit para i-abot ang imbitasyon.
Kinuha naman ito nang binata sa mga kamay niya, pero tila may kuryenteng bumalot sakanya nang sandaling magkalapit ang kamay nila. The man accidentally touched her hand! Agad niya iyon binawi.
“Ito lang ba ang rason nang pag punta mo rito?” tanong ng binata nang matapos nitong ilapag ang imbitasyon sakanyang lamesa at muling tumingin sakanya.
Biglang naalala ni Alisha ang bilin sakanya ng ginang. Ngunit paano niya sasabihin ito?
“Gusto ko sana sabihin na sana ay pumunta ka sa birthday celebration ng mommy mo, hindi ko alam kung anong meron sainyo. Pero sana ay wag mo kalimutan na nanay mo parin siya, and your presence on her birthday party will make her very happy.” aniya sa binata.
Dinaan niya sa ganitong pakiusap, pakiramdam niya kase hindi tama ang pinapadalang mensahe ng ginang sa binata at sigurado siyang hindi nito talaga kayang sabihin iyon sakanyang anak, sigurado si Alisha na nagtatampo lang ang ginang kaya niya iyon nasabi.
“What if... I don't want to?”
Gulat na bumalik ang tingin ni Alisha sa binata, “Hindi pwede! Kailangan mo pumunta!” mabilis na sagot niya.
He smirked, “Why would I?”
“Because he's your mother?” sagot niya, ano pa ba ang rason?
“Anything else?”
Bakit ang hirap pakiusapan ng anak ni Mrs. Montenero? Nakangisi pa ito animo'y nag eenjoy na nakikita akong nakikiusap.
Pumikit si Alisha, This is it! Wala naman masama kung subukan niya.
“Because of me.”
Natigilan ang binata, kahit si Alisha ay natigilan at halos pukpukin ang kanyang sarili. Ano ba itong sinasabi niya.
“Because of you? Why?” King asked.
Huminga muna ng malalim si Alisha, wala na kailangan na niyang panindigan.
“Dahil mawawalan ako ng trabaho kapag hindi ka pumunta sa birthday celebration ng mommy mo. Because i was her secretary and she asked me to tell you to come to her birthday.” she tried to be more convincing, nagdadasal na siya na sana ay pumayag na ito
Mukhang palpak siya, sana pala ay sinabi nalang niya ang pinapasabi ng ginang.
“Anong mangyayare kapag nawalan ka ng trabaho?” tanong muli ng binata.
Seryoso ba ito? Hindi na ba mapapakiusapan?
“Kapag nawalan ako ng trabaho, syempre mamatay ako” simpleng sagot niya.
Hindi nakaligtas sa tingin niya simpleng pagtawa ng binata, pero binawi nito iyon gamit ang simpleng pag ubo.
Ang gwapo!
Pero totoo naman kase e, kapag naalis siya sa trabaho syempre mawawala rin sakanya ang condo, saan siya kukuha ng pera kahit naman may backpay siya e, hindi iyon magiging sapat. Isa pa mahirap mag hanap ng trabaho ano!
Pero bakit niya ba iyon iniisip? Hindi naman siya aalisin ni Mrs. Montenero, hindi pa unless malaman nito na hindi sinunod ang pinapasabi nito.
“I’ll think about it.” ani binata.
“Hindi pwede.”
“Why not?”
“Kase mawawalan ako ng trabaho kapag wala kang sagot ngayon. Kapag nawalan ako ng trabaho, syempre Ikaw ang may kasalanan so you need to give me a job.” pananakot niya sa binata.
Pero mukhang siya pa ang natakot sa sinagot nito.
“Then it's a no.”
Ano! Hindi ito pupunta sa birthday ng mommy niya?!
“What?"
“Go to the HR Department and tell them that you'll be my personal assistant from now on.” King said.
Hindi pwede! Joke niya lang naman iyong mawawalan siya ng trabaho! Mukhang sisante yata talaga siya kase nag NO! Pa ang binata.
She's doomed for real.