HINDI mapigilan ni King ang kanyang ngiti habang nakatingin sa magandang babaeng nasa harap niya. He's sure that her mother ordered this girl to tell him that his mother won't contact him ever again. He know his mother too well, kapag nagtatampo ito ay palaging ganon ang sinasabi nito.
Sigurado siyang hindi ito aalisin ng kanyang Ina. Isa pa ang nasa isip niya bakit imbes iparating sakanya ang mensahe ng ina ay parang nakikiusap pa ito. That makes him more amused with the woman in front of him.
Hindi naman talaga matitiis ni King ang ina at hinding-hindi niya pwedeng kalimutan ito sa kaarawan nito. Pero he can't help but to act daring in front of this girl.
Natutuwa siya, the woman is cute and hot.
Sabay silang napatingin nang may kumatok sa pinto, it's Kate. His personal assistant.
“Sir, Nandito na po si Mr. Ong” sabi nito, saka pinasadahan ng tingin ang babaeng nakatayo sa harap niya.
Tumayo si King at inayos ang suot niya. He gazed at the woman in front of her. Seryoso ito, mukhang iniisip yatang mawawalan siya ng trabaho.
“So, Paano ba yan? I have to go.” aniya sa dalaga.
Nakita niya ang di pag sang-ayon sa mukha nito. Hindi ito nagsalita at nakatayo lang.
“Just contact my secretary kapag nawalan kana ng trabaho.” he said, before he went out.
He let out a chuckled, nakita niya kase kung paano siya inirapan ng dalaga. Nang makalabas siya ay agad niyang tinawagan ang kanyang Ina.
“Son! Finally, mabuti naman at naisipan mong tawagan ang nanay mo?” salubong nito sa kabilang linya.
“Mom, you don't have to send people in my company to remind me that your birthday is approaching” mariing ani ng binata
“I’m doing you a favor son. It's not like you don't want to see her.” nakakalokong sagot ng kanyang ina.
“Mom, don't tease me. You know that I cannot control myself. How about you fire her? I already offered her to be my personal assistant.” aniya sa ina.
Tumawa ang ginang sa kabilang linya. “Sorry son, i can't do that. If you want, take over the company and she'll be your secretary.”
Umiling nalang si King sa sinabi ng kanyang Ina, palagi nitong sinisingit ang kompanya tuwing nag uusap sila. He doesn't want that company, and no one would make him handle that.
No one.
Tama na sakanyang hawak niya ang apelyido ng matandang iyon at hindi na siya kukuha pa ng kahit anong pag aari nito.
“Nevermind, Mom. I need to go. I love you” he said as he ended the call.
****
PALABAS na si Alisha ng KZ Company, bagsak balikat siya ngayon. Sakto naman paglabas niya ay meron na si Mang Cardo. Pinasundo na kase siya ni Mrs. Montenero may gusto raw kase itong ipakilala.
Ang sabi nito ay bumalik na ang pamangkin niya, iyon daw ang CFO ng MonCop.
Ano na ang gagawin niya ngayon? Paano niya sasabihin na hindi pupunta ang anak ng ginang? Paano niya sasabihin na hindi niya sinabi ang pinasasabi ng ginang? Pumikit ng mariin si Alisha. Naramdaman niya rin na tumigil na ang sasakyan.
Agad siyang lumabas sa sasakyan, napansin niya si Betty, ang Head ng HR.
“Nasaan si Mrs. Montenero?” tanong niya rito.
“Nandoon sila sa conference room.” sagot nito sakanya.
“Sila?”
“Oo, kasama niya si Ma'am Katalina.”
Katalina? Parang narinig niya na ang pangalan na yun. Nagpasalamat nalang siya Kay Betty, saka tinungo ang conference room.
Kumatok siya saka binuksan ito, pagpasok niya ay nakita niya ang kanyang amo, pero may isang babaeng nakatalikod sakanya, pamilyar ang likod nito.
“Alisha, hija. Andito ka na pala” bati ng ginang, agad naman tumingin sakanya ang babaeng nakatalikod sakanya.
Katalina? Katalina Montenero!
Siya nga! kaya pala pamilyar ang pangalan na sinabi ni Betty.
“Hi Alisha! How's the talk with my cousin?” Katalina asked.
Cousin? Is she talking about King?
“Okay lang.”
Napakagat nalang sa labi si Alisha, hindi talaga okay ang pag uusap nila. Hindi nga raw ito pupunta e.
Naglakad palapit si Mrs. Montenero kay Alisha saka yumakap. “Thank you, Alisha. Tumawag na saakin ang anak ko.” nakangiting sabi nito.
“Po?”
Kinakabahan si Alisha tumawag na ang binata sa ina niya? Possible kayang sinabi nito ang usapan nila? Pero bakit nakangiti ang ginang?
“Well, thank you. Kasi sinabi mo ang mga pinasasabi ko.” anito
“Po?!”
Mas lalong ngumiti ang ginang, “Dahil diyan, may paid day off ka bukas. How was it?”
Halos mapatalon sa saya si Alisha, pero bigla niyang naalala. Hindi naman niya sinabi ang pinapasabi ng ginang. Tumingin siya kay Katalina na may kakaibang ngiti.
“Thank you po,” tanging sagot ni Alisha.
Mrs. Montenero clapped her hands na para bang excited, “Anyways! this is Katalina Montenero my niece, She's the CFO.” pakilala ng ginang habang nakatingin sakanya.
“Nice to meet you, I'm Alisha–” before she could finish her words sumingit na si Katalina.
“Tita Jane, secretary right? Nice to finally get to know you.” anito.
Natapos din naman ang get to know nila at medyo magaan ang loob ni Alisha sa pamangkin ni Mrs. Jane na si Katalina.
After the long tiring day, nasa labas na siya ngayon ng kompanya. Naghihintay nalang siya ng taxi.
Tumaas ang kilay niya nang may tumigil na mamahaling sasakyan sa harap niya. Nang bumaba ang bintana nito ay kumaway sakanya ang pinsan niyang si Aleyah.
“Hop in!”
Walang sinayang na oras si Alisha at sumakay sa kotse. Nasa harapan si Timothy habang si Aleyah naman ay nasa tabi ng driver seat. Mukhang kay Timothy ang sasakyan na ito.
“Saan kayo galing? Bakit napunta kayo sa kompanya?” Alisha asked.
Tumingin sakanya si Aleyah mula sa harapan, “Well.... I got promoted kaya mag celebrate tayo!” tuwang sabi nito.
Natuwa naman si Alisha sa nabalitaan niya. Ang swerte ni Aleyah, may boyfriend siyang supportive, tapos mahal na mahal siya. Biglang pumasok sa isip niyang possible kayang makahanap siya ng kagaya ni Timothy? Tumingin siya sa labas ng binata, she's shocked nang makita ang pamilyar na mukha ni King.
Pumikit siya at binalikan ng tingin ang nakita niya pero, wala nang tao roon. Umiling nalang siya, bakit niya nakikita ang binata?! Namamalik mata lang siya tama!
“Hoy, Alisha!” gulat na bumaling siya sa pinsan ng sumigaw ito sa harapan ng mukha niya.
“Bakit ka ba sumisigaw? Hindi ako bingi ah!” pero imbis na masindak ang kanyang pinsan ay tumawa lang ito.
“Hindi nga bingi, lutang naman. Jusko anong nangyare sayo? Para kang inagawan ng first kiss jan” ani Aleyah.
Naunang bumaba ang dalawa, nakatigil na pala sila sa isang restaurant. Hindi man lang niya namalayan. Sumunod siya sa mga ito.
NAGLALAKAD si King papasok sa Nightfall ito ang bar na pag-aari ng isa niyang kaibigan.
Dahil pamilyar siya sa lugar ay agad siyang dumiretso sa second floor kung saan sila madalas nagkikita ng mga kaibigan niya. Iisang kwarto lang ang nasa second floor, glass wall ito kung saan nakikita ang kabuoan ng first floor.
Wala naman talaga sana balak pumunta si King sa bar, pero dahil tumawag sakanya ang kaibigan niyang si Nigel at sinasabi nitong may problema ito ay wala siyang nagawa kundi pumunta. He's a friend after all. Kahit alam niya sa sarili niyang babae lang naman ang problem ng kaibigan niyang iyon. Wala narito na siya ngayon papasok na sa kwartong kinaroroonan ng mga kaibigan niya.
He slid his card at the door, silang magkakaibigan lang ang merong access sa kwartong iyon. Agad naman itong bumukas. Pagbukas palang nito ay nakita na niya ang kaibigan niyang mag hapon siyang kinulit na papuntahin rito.
“King my friend! Sabi ko na nga ba at hindi mo'ko matitiis” sigaw ng kaibigan niyang si Nigel pagpasok niya. Palapit ito sakanya habang may hawak na baso ng alak sa kaliwang kamay at nakataas sa ere ang isang kamay na para bang aapir sakanya.
imbes na apiran niya ito ay dinaanan niya lang, saka tumungo sa katabing upuan ng kaibigan niyang may ari ng bar na si Ice. Naiwan si Nigel sa harap ng pintuan kung saan siya nanggaling bigla itong bumukas at inuluwa roon si Trace isa niya pang kaibigan.
Si Trace na bagong dating ang umapir sa kamay ni Nigel na hindi niya pinansin kanina.
“Masyado ka naman yata excited sa pagdating ko Lorenzo, nakaabang agad yang kamay mo para salubungin ako” Trace said as he walked in to sofa near him.
Ininom naman ni Nigel ang hawak niyang alak, saka lumapit sakanila. “Hindi iyon para sayo, Salvador! Para iyon kay Montenero.” sagot nito saka pabagsak na umupo sa isang sofa.
Tumawa naman si Trace. “Inabutan mo nalang sana ng alak si Montenero, siguradong pinansin ka pa” sabi nito, saka naglagay ng alak sa baso at inabutan siya ng isa
Agad naman niya itong kinuha. Nagsimulang silang uminom habang siya ay hindi pinapakinggan ang walang kwentang pinagsasabi ni Nigel.
Wala na itong sinasabi kundi ang mga babae niyang nagagalit dahil hindi nito maalala ang mga pangalan nila.
“Oo, fvck dude! Ang ganda ng araw ko kanina. Plano ko na mag stay sa opisina ko for a day, sinipag ako. Tapos biglang susulpot iyong babaeng si Mia– No! Mila yata, fck she said that she was fvcking pregnant?! Dude I'm always safe I know that.” mahabang kwento ni Nigel.
Umiling-iling ang kaibigan niyang si Trace at tinapik tapik ang balikat ni Nigel.“Kung ako sayo, Lorenzo. Magtigil kana sa pambababae mo. Baka mamaya niyan e, ipa-salvage kana ng mga naging babae mo. Sinasabi ko na Lorenzo hindi ko hahawakan ang kaso mo” pambabantang may asar na sabi nito sa kaibigan.
Inalis ni Nigel ang pagkakahawak sakanya ng kaibigan na si Trace. Umiling nalang si King saka tumayo sa pagkakaupo. Nagsasawa na siyang pakinggan ang kaibigan. Knowing Nigel, he's a womanizer. Siguro magtitigil lang ito kapag nakahanap na siya ng katapat.
Tumayo siya at tumungo sa glass wall ng kwarto ko kung saan kitang kita ang lahat ng nasa ibabang nagsasaya. Naramdaman niya na may tumabi sakanya, hindi na siya tumingin kung sino ito. Sa presensya palang nito ay alam na niyang si Ice ito.
He sipped in his glass as he looked at the dancefloor.
“How are you?” panimula niya habang nakatingin parin sa baba.
“Still looking for that bastard.” Ice answered.
Tinapik niya ang kaibigan, “You need to let her go. Kung hindi mo siya palalayain, hinding hindi ka makakalaya sakanya.” sabi niya bago iniwan ang kaibigan sa pwestong iyon at bumalik sa kinauupuan niya kanina.
“Montenero, may pinadala pala saakin na invitation si Tita Jane. Pupunta kaba?” tanong ni Nigel.
Tumingin siya rito, “Of course. It's my mother's birthday.” sagot niya.
“Paano ang tatay mo?” tanong nito na ikinatigil niya.
Ayaw na ayaw niya tuwing nababanggit ang walang kwenta niyang ama na iniwan siya noong bata pa siya. Iniwan silang dalawa mommy niya.
“Why? What about him?” he asked coldly.
Umiwas ng tingin si Nigel. “Nothing, hoy! Trace Tara sa baba.” iwas na sabi nito saka hinila si Trace at lumabas.
Bumalis naman sa upuan si Ice, “Tsk. That dumb-ass. Sa pambababae lang talaga magaling." anito saka siya nilagyan ng alak ang baso niya.
Ice raised his glass so does he, they made a toast saka niya diretsong ininom ang alak.
Naramdaman niya ang init ng alak sa kanyang lalamunan, tumawa siya ng mapakla saka tumingala.
Hindi niya maiwasan makaramdam ng inggit sa mga kaibigan niyang may tatay. Kase ni minsan hindi niya naramdaman ang aruga ng isang ama. Hindi niya man lang naranasan ang mga naranasan ng mga ito habang lumalalaking ginagabayan sila ng kanilang ama. Hindi man lang niya naranasan kahit isang beses makipaglaro sa tatay niya. And since then he never wanted to have a father.
Because....
The little him was abandoned and broken.