CHAPTER 4 (KISS or LIFE?)
Hahawakan ko na sana siya, ngunit bigla siyang natawa at umatras. Siguro akala niya nagbibiro lang ako. Pero seryoso talaga ako! Hahawakan ko nga! Nakakainis pero nakakatawa rin kasi kitang-kita sa mukha niya ‘yong pagkagulat at hindi siya makapaniwala na seryoso ako. Ang tagal ko na kasing gustong gawin ‘yon. Kaya sinunggaban ko na agad.
“I'm just kidding,”
“Do you really want to touch it?” he asked me.
Malamang! I raised my hand because I wanted to touch it.
Napanguso ako bago sumagot.
“Ngayon lang naman ako nakakita ng ganyang katawan. Wala namang abs ‘yong mga Tatay ko rito. Bilbil lang naman ang meron sila,”
Mga guards sila pero ang laki-laki ng mga tiyan nilang tatlo. What if may magnanakaw na papasok, paano nila hahabulin kung ang laki ng mga tiyan nila?
“There is a fee if you want to hold. The fee is per minute,” he said.
I have no money. I don’t need money because I don’t buy anything. Pagkain, damit, at lahat ng mga pangangailangan ko ay sagot ni Kenji. Binubuhay niya ako simula nung bata pa lamang ako.
“Saan naman ako kukuha ng pera? Kung manghihingi naman ako sa kanila ni Nanay sa inyo rin naman galing ang perang ‘yon. Bakit naman babayaran kung pwede namang libre na lang?” wika ko.
He chuckled softly, shaking his head. Nawawala na naman ang mga mata ng hapon.
“Oh, I never said you’d have to pay money,” he clarified. “What I meant was, if you touch me, I’ll touch you right back. It’s just a simple exchange, you know?”
Sobrang nakakabingi ng mga sinasabi ni Kenji sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang trato niya, parang pinagtitripan niya lang ako. Pero kahit ganun, hindi ko maiwasang kiligin pa rin.
“Hahawakan mo rin ako? Saan mo naman ako gustong hawakan?” tanong niya sa akin.
“Saan mo ba ako hahawakan?”
Napakagat-labi na lang ako, hindi alam kung ano ang isasagot sa mga narinig ko.
Handa na sanang bumuka ang aking bibig para sumagot nang biglang may boses na nagsalita sa aking likuran. Nang lumingon ako ay nakita ko si Nanay Dishang. Nakatayo siya roon, hawak ang dalawang malambot na tuwalya at dalawang bathrobe. Ngunit hindi ang mga gamit ang unang nakakuha ng aking atensyon, kundi ang ekspresyon ng kanyang mukha. Malinaw na hindi siya masaya sa anumang nangyayari.
“Nandito na po ang tuwalya niyo,” sabi niya, ang kanyang tinig ay banayad ngunit may bahid ng pagtitimpi, na tia ba pinipigilan ang sariling magsalita ng mas marami. “Ilalapag ko na lang po rito,”
Isang malamig na kaba ang gumapang sa aking dibdib. Narinig kaya ni Nanay Dishang ang lahat ng pinag-usapan namin ni Kenji? Kung oo, naku, hindi ko alam kung anong klaseng sermon o parusa ang sasalubong sa akin mamaya. Gusto ko sanang magtanong, pero pinili kong manahimik na lang muna.
“Thank you, Nanay Dishang,” ang tanging nasabi ko, pilit na pinapakita ang isang ngiti.
Kaya naisip ko, “Lalambingin ko na lang siya mamaya.” Kahit hindi ko siya tunay na ina, siya ang naging ilaw at gabay ko simula pa noong bata ako. Siya ang nag-aruga at nagmahal sa akin na parang sarili niyang anak. Ang pagmamahal na iyon ang nagbibigay sa akin ng lakas, at ayokong masira iyon dahil lang sa mga kalokohan ko.
“Let’s swim, Saskia,” aya ni Kenji sa akin. Tahimik na umalis si Nanay Dishang at iniwan kaming dalawa. Hindi pa man din nakakalubog ang katawan ko sa tubig ay nilalamig na ako. Kailangang gampanan ko ‘tong pagiging sexy ko sa harapan ni Kenji upang mas lalo siyang maakit sa akin.
Lumalamig na ang tubig sa aking balat, isang malaking kaibahan sa init na sinusubukan kong ipakita. Napatingin ako kay Kenji, nakatitig na siya sa akin, may bahid na paghanga sa kanyang mga mata. Ito na ang pagkakataon ko. Huminga ako nang malalim, isinantabi ang aking kaba, at mas lumubog pa sa tubig, hinayaang humaplos ito sa aking baywang.
Pinilit kong gumalaw nang may grasya na hindi ko naman talaga nararamdaman, at pinatagal ang aking tingin sa kanya nang mas matagal kaysa kinakailangan.
Nagwisik ako ng kaunting tubig patungo sa kanya, isang mapaglarong kilso, at bahagyang ngumiti siya. Gumagana ang aking plano.
I continued to move, trying to embody the confidence I knew he found attractive. I was determined to make this a night he wouldn’t forget.
Hindi siya nagpatalo! Nagwisik din siya ng tubig sa akin. Natatawa pa ako, pero ‘yong pangatlong wisik niya, tumama na mismo sa aking mukha.
“Aray! Napasukan ng tubig ang mga mata ko, ang hapdi!” sigaw ko sa kanya.
“Teka lang! Ang sakit ng mga mata ko! Sigaw ko ulit habang kinukuskos ‘yong mga mata ko.
Bigla, naramdaman ko siyang lumapit. “Let me see,” sabi niya gamit ang mahinahong boses.
Hinawakan niya ang kamay ko, parang kusa na lang dumampi ang daliri niya sa akin habang inaangat niya ito upang silipin ang mga mata ko.
Pero bigla kong napansin kung gaano kami kalapit. Ilang pulgada na lang ang pagitan ng mga mukha namin. Napahinto ang paghinga ko. Kahit konting galaw lang, magdidikit na ang mga labi namin. Kumabog nang malakas ang puso ko.
Nawala bigla ang atensyon ko sa mga mata kong mahapdi na. Napako na lang an gtingin ko sa mga labi niya. Hindi pa kasi ako nagkaka-first kiss. Puro basa lang ako sa mga libro kung ano raw ang pakiramdam ng bida kapag first kiss niya. Ngayon, gusto kong maranasan ‘yon, lalo na kung si Kenji ang kahalikan ko.
Dahan-dahan, parang sa slow motion, nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Akala ko na, ito na ‘yon. Pero imbes na maramdaman ko ang malambot niyang mga labi, bigla niyang pinindot ng marahan ang labi ko gamit ang daliri niya.
“Wait,” sabi niya, sabay tawa ng mahina. “Let me check your eyes first,”
“Are you going to kiss me? Sorry, pero may bayad din ang mga halik ko. May kapalit ang lahat”
“Ano ang kapalit?” matapang na tanong ko. Napapangiti na rin ako.
“Kapalit ng buhay mo,” sabi niya, pero parang may kakaiba sa tono niya. Malamig. Nawala bigla ang ngiti ko at napalitan ng kaba.
“What did you say?” tanong ko, medyo nanginginig na ang boses ko.
Ngumisi siya, tapos lumayo siya nang kaunti sa akin.
“I’m just kidding,” sabi niya, pero parang hindi naman talaga siya nagbibiro. Pagkatapos nun ay lumangoy na siya palayo sa akin.
Ang weird niya.