Chapter 3

1290 Words
Nang ma-discharged ang daddy ni Monica sa ospital ay kabilin-bilinan ng doctor na strictly on time dapat ang maintenance na gamot ng ama niya. Bukod sa mga pagkain na bawal kainin, bilin din nito na iwasan ma-stress ang ama niya. Kaya naman minabuti niya na manatili muna pansamantala sa bahay ng mga ito. Her number one priority for now is to take care of her dad. Kaya ipagpapaliban muna niya ang trabaho. “Hmm… Ang sarap naman ng naaamoy ko, ah!" nakangiti niyang sabi sa kasambahay na si nana Lorna nang maabutan niya itong nagluluto ng almusal sa kusina. Muntikan pang mabitawan ng matanda ang hawak na spatula sa pagkabigla ng yumakap si Monica buhat sa likod ng may edad na kasambahay. Simula ng araw na umalis ang ina niya ay ang kasambahay na ang siyang nag-alaga sa kanya, kaya naman sobrang malapit ito sa puso niya. "Oh, Monica, hija, ang aga mo naman nagising? Teka nagugutom ka na ba? 'di bali at malapit ng matapos ang niluluto ko. Ano ba ang gusto mo hija, orange juice or kape?" nakangiting wika ng matanda sa kanya habang hinahango nito ang niluto sa kawali. “Orange juice na lang po nana Lorna, salamat po. Si dad po pala?" "Naku, hija, ang daddy mo ayon, maaga pa nasa opisina n'ya at may inaasikaso na naman. May paparating dae kasi siyang business partner maya-maya lang. Kaya naman ang mommy maaga pa ay binubungangaan na ang daddy mo. 'di nga ba't kabilin-bilinan ng doctor ay kailangan ng daddy mo na magpahinga—" "Lorna, okay na ba ang breakfast ni sir mo?" putol na tanong ng stepmom ni Monica sa pagsasalita ni nana Lorna. "Good morning, hija. Nakatulog ka ba ng maayos?" Baling naman na sabi ng stepmon niya sa kanya. "Ahm… Medyo namahay lang po siguro ako, pero nakatulog naman po ako kahit paano," malamig na sagot niya sa stepmom niya. "Mabuti naman hija, siya nga pala. Kung hinahanap mo ang daddy mo nasa opisina s'ya ngayon," imporma nito kay Monica kung nasaan ang asawa nito. Matapos iabot ng kasambahay ang tray na naglalaman ng almusal para sa daddy bu Monica ay umalis rin kaagad sa kusina ang stepmom niya. "Mabait s'ya hija," untag ng kasambahay sa pananahimik ni Monica. "Alam mo hija,'yung araw na ipinadala ka ng daddy mo sa bahay ng Lola at Lolo mo, nag-away silang mag-asawa." Panimula na pagkukwento ni nana Lorna. "Ang sabi ng mommy mo ay mas lalo daw mawawalan s'ya nang pagkakataon na maging malapit sa 'yo. At alam mo ba? lahat ng mga gamit na dinadala ng daddy mo sa 'yo noon ay ang stepmother mo ang namimili ng lahat ng mga 'yon. She make sure na magugustuhan mo ang mga gamit na dinadala sa iyo ng daddy mo. Mahal na mahal niya ang daddy, hija. Mahal ka rin n'ya na parang isang tunay na anak, nakikita ko 'yon sa kanya," patuloy ni nana Lorna. "T-talaga po?" Hindi makapaniwala si Monica sa lahat ng mga narinig buhat sa bibig ng kasambahay. Siguro hindi niya lang in-appreciates ang lahat ng mga ginawa ng stepmother niya para sa kanya noon. What she can do is, she was just seeing her like a monster, stepmother to her before. At sadyang masama lang talaga ang loob niya noon lalo pa nang magsama na sa isang bubong ang daddy at stepmother nito. She was just too rebellious that time. At magmula high school to college ay sa puder ng lola at lolo niya siya namalagi. Hanggang sa nakapagtrabaho na siya at tuluyan ng hindi umasa pa ng financial support sa ama. She decided to live far from her dad. Yung walang magbubunganga at nakikialam sa mga ginagawa niya. She lives life to the fullest far from her family. Naging masaya naman siya kahit paano mamuhay mag-isa. Kahit pa kulang siya sa pagmamahal ng mga magulang. She enjoyed her lives alone. Pero iba pala talaga ang saya sa pakiramdam ng magkaayos na silang mag-ama. Iyong inner peace na matagal na niyang inaasam ay nangyari na. Isa na lang ang hiling niya sa buhay. Iyon ay ang makita at makausap niya ang ina niya. At naniniwala siya na darating rin ang tamang panahon na makikita rin niya ang mommy niya. **** Napatigil si Monica sa akma sanang pagkatok sa pinto sa opisina ng ama nito. She heard her dad and her stepmother na tila nasa gitna ng isang masinsinang pag-uusap. May problema ba na malala sa kumpanya? "Howard, please, 'wag mo na masyadong isipin ang kumpanya. Alam mo naman na makakasama sa 'yo ang ma-stress ka," nasa tinig ng stepmom niya ang pag-aalala. “Okay lang ako Esmeralda, ‘wag mo akong alalahanin. Ang mga bata na lang asikasuhin mo,” sagot ng ama niya. “Howard, Kung mawawala sa atin ang kumpanya ay nakahanda ako na maghirap kasama kayo ng mga bata. Ang mahalaga ay maayos ang kalusugan mo, mas mahalaga ka sa kumpanya, Howard. " "I can't afford to lose the company! Dugo at pawis ko ang inialay ko sa kumpanya, at alam mo 'yan, Esmeralda. Kaya gagawin ko ang lahat 'wag lang tuluyang mawala sa 'kin ang kumpanya na pinaghirapan ko para sa mga anak ko," giit ng daddy niya. "Pero paano mo nga gagawin ang bagay 'yon? Kung wala na tayong pera. . . Baon na ka na sa utang, baon na sa utang ang kumpanya…" Napaatras siya sa narinig na sinabi ng stepmom niya. “Hindi ko pa alam sa ngayon, Esmeralda. Pero umaasa ako na makakahanap din ako ng pera na ibabayad ko sa lalaki na gustong umangkin ng kumpanya ko,” anang ama niya sa asawa nito. Ang ibig sabihin palugi na ang kumpanya ng daddy ko? Paano si Enrique? Paano ang future ng younger brother ko? kung ganoon ay kailangan kong makausap si dad sa sitwasyon ng kumpanya. At hindi ako papayag na mawala sa daddy ko ang kumpanya na halos buong buhay niya na pinaghirapan. Kahit anong paraan ay nakahanda akong gawin alang-alang sa kumpanya ni dad, at sa kinabukasan ng nakababata kong mapatid. **** Inisang lagok ni Jake ang alak na hawak nito. Kasunod niyon ay ang paghithit niya ng sigarilyo. Kumalat ang usok ng sigarilyo sa harapan niya ng ibuga niya ang usok niyon. Tanging mukha ng natutulog na si Monica ang laman ng isip niya. And he couldn’t believe that he got her virgin? Hindi siya umaasa na virgin pa ito. Dahil alam niya kung gaano ito kapilya sa pakikipaglaro sa mga lalaki noon. Kaya naman sobra siyang nagulat sa nalaman na wala pa itong ibang lalaki na pinag-alayan ng sarili nito. Napangiti siya. Mukhang umaayon sa mga plano niya ang pagkakataon. Ang buong akala niya ay ang kumpanya ng ama nito ang magiging hakbang niya upang matikman niya ito. Pero hindi naman niya ini-expect na ipagkakaloob sa kanya ng tadhana na matikman niya ang babae nanakit sa puso niya sa mas easy na paraan. “f**k!” Napamura siya nang maalala ang lalaki na naglagay ng sleeping pill sa iniinom na ladies drink ni Monica sa bar. He will kill him if he did something to her! Swear. Dahil walang iba na pwedeng umangking kay Monica maliban sa kanya. Lalo pa ngayon na siya ang nakauna sa dalaga. But even though he took her virginity. Hindi pa rin nabawasan ang galit niya para sa babae na ginawa siyang katawa-tawa noon. He is Jake Fernandez now, a powerful Engineer. Malayong-malayo sa nerdy student noon na pinagtatawanan ng mga kapwa niya estudyante. And this time. Sisiguraduhin niya na si Monica naman ang makakaranas ng mga pasakit na pinaramdam nito sa kanya noon. Ito naman ang iiyak at magmamaka-awa sa kanya to have him, at hindi na siya makapaghintay sa araw na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD