chapter 2

2000 Words
Nang makarating si Monica sa condo unit niya. She hurriedly took a shower, at tatlong beses pa niyang in-apply-an ng shower gel ang buong katawan para makasigurado na wala ng bakas ng lalaki ang naiwan sa kanyang. Ngeee! kahit anong kuskus ang gawin mo sa katawan mo girl, meron at meron pa ring maiiwan bakas ang lalaki na 'yon na hindi mo kayang malilinis kahit kailan, at lalo namang hindi mo na maibabalik pa! Naiinis na ini-off niya ang shower at binalot ang katawan ng towel. Kung nabubuhay lang ang lola niya ay panigurado na pinapagalitan siya nito at kurot sa singit ang aabutin niya. Lalo na kung malalaman ng lolo niya ang nangyari sa kanya. Kabilin-bilinan ng lola niya na tanging ang lalaki na pakakasalan lang niya ang maaring kumuha ng napakahalagang bagay na iyon sa kanya. Ano pa nga ba ang magagawa niya ngayon? She already lost it. At kahit maglupasay pa siya e hindi na niya iyon maibabalik pa. Ang sabi ng lola niya sa kanya ay mas minamahal raw ng lalaki ang isang babae kung ito ang makakauna sa pinaka iniingat-ingatan puri ng isang babae. Ang unfair ng mundo sa pagitan ng lalaki at babae. Talaga bang dapat ang puri ng isang babae ang maging basehan ng mga lalaki kung paano nila dapat mahalin ang mga babae? Hays… I miss you lola… I miss you lolo... Sorry lola... Hindi ako naging maingat... I lost it po... Mabigat ang dibdib na binagsak niya ang katawan sa malambot na kama. Tumihaya siya habang ang mga kamay ay naka dipa sa itaas ng ulo. Blanko ang isip na nakatitig sa puting kisame ng kwarto, at hanggang sa unti-unting bumigat ang talukap ng mata niya at makatulog. Ngunit hindi pa man siya nakakatulog ng malalim ay nagising siya sa tunog ng kanyang telepono. Daddy's Calling? Nagtatalo ang isip at puso niya kung sasagutin ang tawag na iyon ng ama. Hanggang sa ma-end call ang tawag ay hindi niya iyon sinagot. Ngunit muling tumunog ang phone niya at nakita na same number pa rin ang nasa call register. Naisip niya na mukhang importante ang gustong sabihin sa kanya ng ama niya kaya umabot iyon sa dalawang tawag, hindi kasi siya sanay na nagpo-phone call sa kanya ang ama. "Dad, I'm busy—” hindi pa siya natatapos pagsasalita nang marinig ang boses ng stepmother niya. "M-monica, hija. Y-your dad... your dad is in the hospital!" Bakas ang takot sa boses ng stepmother niya. "W-why? What happened?” Sagot niya napabalikwas siya ng bangon. “Saan hospital ninyo siya dinala? Pupunta na ‘ko,” kahit na hindi malinaw sa kanya ang lahat. Mabilis siyang nagpalit ng damit at kinuha ang bag at susi ng sasakyan, at nagmamadali na lumabas ng unit. Ramdam niya ang kaba sa dibdib habang nagmamaneho pa punta sa ospital na kinaroroonan ng ama. Madalas man silang mag away mag-ama tungkol sa mga bagay- bagay. Pero mahal na mahal pa rin niya ito. At hindi niya kakayanin na may masamang manyari dito dahil ito na lang ang pamilya na meron siya. Nang makarating siya sa ospital. Kaagad niyang pinarada ang sasakyan sa parking lot at patakbo na umakyat sa 2nd floor ng building sa hospital na iyon. She knocked the door twice before entering the room of her dad. And there, she saw her dad lying on the hospital bed, while her stepmom was sitting on the coach near to her dad. "Dad... dad...” she called his name twice pero hindi ito sumagot sa kanya. "He got sleep hija, dahil sa gamot na pinainom sa kanya ng doctor. He just fell asleep, hija, dahil sa gamot na binigay sa kanya ng doctor. But thank God he's safe now," maluwa-luhang wika ng step-mom niya sa kanya. "What happened to Dad? Bakit s'ya nandito sa hospital?" tanong niya sa step mother niya at pilit na itinago ang kaba sa dibdib. "Bigla na lang daw tumumba ang Daddy mo sa opisina kanina. Hindi ko pa rin alam ang dahilan kung ano ang nangyari sa kumpanya, hija, basta ang alam ko may malaking problema ngayon na kinakaharap ang kumpanya ng Daddy mo," malumanay na paliwanag ng stepmom niya sa kanya. "Is he taking his maintenance medicine para sa high blood and sugar niya?" Tumango sa kanya ang stepmom niya. "He does hija, and I always made sure that he took it on time." Sagot nito sa kanya. Sabay na napatingin sa pinto ang dalawa nang marinig nila na may kumatok. Bumukas iyon at pagkatapos ay iniluwa ang nakangiting doctor ng daddy ni Monica. "Tito Erwin ano po ang health condition ng daddy ko? May malubha po ba siyang sakit?" Kinakabahan na bungad na tanong kaagad ni Monica sa doctor ng ganap itong makalapit sa gawi nila. Kahit paano ay nabawasan ng bahagya ang kaba niya sa dibdib. Matalik na magkaibigan ang doktor at ang ama niya. Kaya naman alam niya na hindi pababayaan ng tito Erwin niya ang daddy niya. "There's nothing to worry about, hija. Matigas lang talaga ang ulo ng daddy mo,” anang doctor sa kanya at sinulyapan pa nito ang ama niya. "Ilang beses ko ng sinabi na bawasan ang stress sa trabaho, aba’y akala ata ng daddy mo eh pa bata pa s'ya. I told him na too much stress will cause of high blood pressure sa kanya. He's turning fifty five sa darating na kaarawan niya. Less stress, the better for him. At mas hahaba pa ang buhay n'ya—" "Ikaw talaga Erwindo! kung ano-ano ang sinasabi mo sa anak ko. ‘wag kang mag-alala't mamaya din ay lalabas na ako ng hospital na 'to dahil malakas na 'ko," biro na putol ng daddy niya sa pagsasalita ng doctor. “Dad!” Umiiyak na yumakap si Monica sa ama. It's been long years buhat ng huli niyang mayakap ito. May sama man siya ng loob sa ama ay mahal na mahal niya ito. "Ssss... Monica, anak. Bakit ka umiiyak? Don't worry I'm not dying," biro na sabi ng daddy niya sa kanya. Habang hinahagod nito ang likod niya. "Alam mo anak 'wag kang nagpapaniwala sa doctor na 'yan, ang balita ko nga hindi raw magaling 'yan." Nakangising pambubuska pa ng ama niya sa doktor. Pero alam niya na sa kabila ng pagbibiro na iyon ng ama ay ramdam niya na tila may malaking problema na kinakaharap ito. “Aba’t hindi pala ako magaling na doctor,.ah! Kung turukan kaya kita ng pampatulog ulit para makatulog ka! Loko 'to, ah!” Bwelta naman ng doctor sa ama niya. “Oh, sige na, I'm leaving, I still have patients on the 3rd floor. Anyway, you're dad is far from dying. Baka mauna pa ako diyan pagnagkataon, Isa pa masamang damo 'yan kaya matagal pa ang buhay niyan!” biro ulit ng doctor sa daddy niya saka ito natatawa na lumabas ng silid. Banayad na hinagod ng ama ni Monica ang likod niya habang patuloy ang pagluha. Marahil ay sa tagal na rin niya na hindi man lang nakausap at na yakap ang ama kaya ganun na lang ka grabe ang pag-iyak niya. At sobra rin niyang na miss ang yakap ng isang ama. “Ssshh.. ‘wag ka nang umiyak anak. Narinig mo naman ang sinabi ng doktor na ‘yon ‘di ba? hindi pa ako mamamatay kaya ‘wag ka nang mag-alala pa,”pag-aalo muli ng daddy niya sa kanya. “Dad! You got me worried sa kung ano na ang nangyari sa ‘yo," umiiyak pa rin na tugon niya sa ama. “Dapat pala matagal na ‘ko na sugod sa ospital, Kung hindi pa ‘ko na dala sa dito ay hindi mo ako pupuntahan o ni kakamustahin man lang anak," nasa tinig ng ama niya ang pait sa tagal ng panahon na lumayo ang loob niya rito. “I'm so sorry dad...” humihikbi na aniya rito. “Hindi mo kailangan humingi ng sorry anak, ako ang may malaking pagkukulang sa iyo bilang ama mo. Kaya sana mapatawad mo si daddy. Hindi man ako naging perfect father sa ‘yo, magmula ng iwan tayo ng mommy mo anak. Pero ginawa ko ang lahat para sa ‘yo anak dahil mahal na mahal kita. Ginawa ko ang lahat mapalago lang ang kumpanya para sa kinabukasan mo, at ng kapatid mo. Kaya patawarin mo ako anak. Sa sobrang pagnanais ko na mapalago ang kumpanya ay hindi ko namalayan na napabayaan na kita. Napabayaan ko na ang little princess ko… Ang alam ko lang sa mga panahon na 'yon, magiging maganda ang future mo dahil naibibigay ko sa'yo ang mga pangangailangan mo. Akala ko magiging masaya ka na mabibili mo lahat ang gusto mo, at makapag-aral kita. Pero nagkamali ako. Hindi kita tinanong man lang kung masaya ka ba? kung ano ang pangarap mo? At ang pinakamasakit sa lahat, wala ako sa tabi mo sa lahat ng okasyon sa buhay mo anak... Pinagsisihan ko ang bagay na 'yon. Patawarin mo ako kung pakiramdam mo ay mag-isa ka lang noon. patawad anak..." maluha-luhang turan ng ama niya sa kanya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niya ang ama na umiyak. At ramdam niya ang buong sensiridad nito. Noon ang tanging laman ng isip niya ay walang pakialam sa kanya ang ama niya. Trabaho-bahay and always busy sa negosyo hanggang sa nawalan na ito ng oras sa kanya. Dahilan upang lumayo ang loob niya dito at mas lalo siyang na muhi sa ama nang iwanan sila ng mommy niya dahil na rin sa ama nito. Marahil masyado pa siyang bata kaya hindi niya na pansin o nakita ang lahat ng sakripisyo ng ama niya ay para mabigyan siya ng magandang kinabukasan. “Mahal na mahal din kita dad! Miss na miss na po kita..." umiiyak pa rin na sabi ni Monica. Makalipas ang napaka habang panahon ngayon lang niya naramdaman ang gaan ng pakiramdam na ganito. Iyong wala siyang galit na kinikimkim at sama ng loob. At sobrang na miss niya talaga ang bisig ng ama. Naalala niya ang mga panahon na kinakalong siya ng daddy niya pag-uwi nito galing trabaho. At may pasalubong pa itong sponge cake na paborito niya. Mas lalong napaiyak siya nang bumalik sa alaala niya ang mga panahon na masaya sila bilang isang buong pamilya. Nagkahiwalay man ang daddy at Mommy niya pero ganun siguro talaga ang buhay, may mga pangyayari na hindi natin inaasahan at gustong mangyari pero nakatakdang mangyari. “Sssshh... Tahan na anak, tahan na. Ang mahalaga ay maayos na tayo ngayon. I'll make it up to you, anak. Para makabawi naman si daddy sa mahabang panahon na pagkukulang ko sa 'yo," wika nito. "Thank you, dad! I'll make it up to you too, dad. I promise, babawi din po ako sa 'yo sa lahat ng sakit ng ulo na binigay ko sa ‘yo noon," she winked. "You're the best spoiled brat daughter I ever had! I never regrets to have you, Anak," "But the most beautiful spoiled brat ever, dad!" biro niya sa ama. "Well, tama ka naman sa bagay na 'yan, You’re very beautiful like your mom," Nakita niya ang pagyuko ng stepmother niya dahil sa sinabi ng ama niya. “Maiwaan ko kayong dalawa. Kailangan ko pang asikasuhin si Enrique dahil may pasok pa siya ngayon," anang stepmom niya. Lumapit ito sa asawa at humalik sa pisngi. “Ikaw na muna ang bahala sa daddy mo, hija," Nakangiti wika ng stepmom niya sa kanya at ramdam niya ang kalungkutan sa tinig nito. Marahil ay nasaktan at nagselos ito nang bangiting ng daddy niya ang mommy niya sa harapan pa mismo nito. "Okay po, salamat," sagot niya sa stepmom niya. “Mag ingat ka sa pag-uwi mo Esmeralda," Puno ng pagmamahal na bilin ng ama niya sa asawa. Nakita ni Monica kung paano mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha ng stepmom niya. She must say. Mahal na mahal nga nito ang dad niya. Tumango ito sa ama niya at tuluyan ng lumabas ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD