Mabilis na bumaling ng tingin si Monica sa pinto nang marinig niya na bumukas iyon. Naka hinga siya ng maluwag ng ang kaibigan ang pumasok at hindi si Jake Dahil kung si Jake kasi ang pumasok sa loob ay kailangan niya na umarteng nahihirapan sa naging pagkahulog niya sa couch. Hindi niya tatantanan ang lalaki na iyon hanggang hindi siya nakakaganti sa ginawa nito sa kanya. Nakataas ang kilay na umupo si Camille sa silya malapit sa hospital bed ng kaibigan. Pinag-krus niya ang mga hita saka pinaningkitan ng mga si Monica na patuloy pa rin sa pagkain ng french fries. Wala siyang masabi. Ay mali, gusto niyang magsalita pero pipiliin nalang niya na itikom ang bibig kaysa ano pa ang masabi niya rito. "Fries?" nakangiting alok ni Monica sa kaibigan na hindi nagsasalita. Camille took a deep

