Hindi talaga ma-gets ni Monica kung ano ang trip ni Jake at ayaw siyang palabasin ng binata sa opisina habang ang mga ito ay naglalambingan lang magkasintahan? So ano ang purpose niya roon? Ang maging audience ng mga ito? Nababagot na bumuntong hininga siya at inirapan ang dalawa. Si Jake ay nakaupo sa swivel chair at ang nobya nito ay nasa likod ng binata at nakayakap sa leeg nito or minsan naman ay minamasahi ng babae ang sintido ni Jake. Aw. Ang sweet ng mga lintik! May time pa na nakikita niyang marahang pumipisil ang binata sa kamay ng nobya nito. Kung gusto lang din naman pala ng mga 'to maglambingan eh bakit ayaw pa siyang palabasin ni Jake. Naiilang tuloy siyang tumingin sa gawi ng mga ito dahil sa ka-sweetan ng dalawa. Well, okay lang naman sa kanya na maging sweet ang dalawa dahi

