After dinner ng dalawa ay inihatid ni Jake ang girlfriend sa isang hotel upang doon magpalipas ng gabi. Naiinis na napabuntong hininga siya nang silipin ang oras sa hawak na phone. Ang sabi ng lintik na iyon ay ihahatid lang nito ang nobya sa room, pero halos isang oras na siya naghihintay doon sa loob ng kotse. Kung pwede lang niya na tawagan ang lalaki para sabihin na tama na muna ang lambingan ng mga ito. Nagugutom na kasi siya. Tapos ni hindi man lang siya inalala ng lintik na hindi pa siya kumakain ng hapunan. Ang lupit talaga! Mabilis niyang ipinikit ang mga mata upang mag pretend na natutulog siya nang makita niya na lumabas si Jake sa entrada ng hotel. Ayaw niya na mag mukha siyang katuwa-tuwa sa harap nito sa tagal niyang hinintay ang binata na bumalik ng kotse. Ipinikit pa niya

