MG 1: (Spaghetti)

1304 Words
[ALEXANDER'S P.O.V.] "My twin! Gising na daliiiii~" panggi-gising ko kay Lhei. Ayaw pa kasing gumising kahit kanina ko pa siya kinukulit. "My twin~!!!! GISING NA!" sigaw ko kaya mabilis naman siyang napabangon sa gulat. Sinamaan niya agad ako ng tingin at binulyawan kaya lumayo ako sa kanya. "f**k, Alex! What the hell?! Bakit ka ba sumisigaw?! At anong ginagawa mo sa kwarto ko?!" inis na sigaw niya. Natawa naman ako sa reaksyon niya. "My twin, kanina pa kita ginigising e. Tsaka nakakapag-tampo ha!" bahagya akong ngumuso, "Bawal na ba ako sa kwarto mo?" tanong ko saka nagpa-cute. Inirapan naman niya ako. "Tsk. Sorry my twin. Halika nga dito." sinenyasan niya ako na lumapit sa kanya kaya sinunod ko naman siya. Ginulo-gulo niya ang buhok ko saka ngumiti sakin. "Good morning my twin!" masayang bati ko, nasa mood na ulit siya. "Good morning too. Ano na bang oras na?" tinignan ko ang orasan ko, "It's already six in the morning, my twin." sagot ko. "MWO?!" gulat na tanong niya. (Mwo=What) Tumango-tango pa ako sa harap niya, "Ahuh. Kanina pa nga kasi kita nigigising e. Baka ma-late ka sa class mo." By the way, kaya siya nag-salita ng Korean, kasi nung bakasyon sa Korea kami tumira saglit. Sabi kasi ni Mom and Dad noon, sumunod kami sa kanila. Pagalis nila ng Paris, sa Korea sila dumeretso. Kaya nasanay siguro si Lhei sa pagsasalita ng Korean. "Tsk. I'm going to take a bath now, my twin. Hintayin mo na lang ako sa dining area. Arasseo?" tumango naman ako saka tumayo. (Arasso= Okay) Bumaba na ako sa dining area para magpaluto ng pagkain sa mga maid. Kung matatanong niyo sila Mom and Dad, hindi na sila dito sa Pilipinas nakatira. Kami na lang dalawa ni Lhei ang nandito sa Mansyon. Kasama namin si Butler Saimon at ang mga maids. "Ah Butler Saimon, magpaluto ka na ng breakfast namin." utos ko. Bahagya siyang nag-bow sa akin, tanda ng pag-bigay respeto. "Yes, young master." sabi ni Butler Saimon saka umalis. Sa St. John Academy kami nagaaral ngayon ni Lhei. Ayaw na kasi namin mag-aral sa G.U. ng college e. Sila Brent, Hailey, Kent, Jess, Justine, Christian, Kean, Megan, Cara, Sydney, at Laurence, sa SJA din nagaaral. Iba-iba ang course namin. Ako? Business ang course ko. Ako daw kasi ang magmamana ng mga business nila Mom and Dad. Si Lhei naman Architect ang kinuhang course. At sa pagiging gangster namin? Still, ganun pa din. Nakikipag-laban kami sa underground. Iyong rankings namin, walang pinagbago. Si Lhei pa din ang nagunguna. Wala na ding Black Gang. Pero gangsters pa din sila Justine, Christian, at Sydney. Gumawa sila ng panibagong grupo. Trios Yan ang pangalan ng Gang nila. Dahil tatlo na lang din daw sila. Ganun pa din ang codenames nila. WILL (Justine), ZAC (Sydney), and TIAN (Christian). Inihain na ng mga maids ang pagkain namin. Saktong bumaba na din si Lhei. "Tara my twin, let's eat." yaya ko sa kanya. Umupo siya sa tabi ko saka kami kumain. May bigla akong naisip na itanong sa kanya. "Uhh, my twin?" "Yes?" tinignan niya ako bago sumubo ng pagkain, "Wala ka pa din bang balak magkaroon ng boyfriend?" bigla naman siyang nabulunan sa biglaang tinanong ko. Naubo-ubo pa siya, "My twin oh, water." sabay abot sa kanya ng tubig na agad naman niyang ininom. Maya-maya, tinignan niya ako ng masama. "Alex, wag ka ngang magtanong ng mga ganyang bagay sakin. Alam mong wala akong panahon para dyan." sagot niya sakin saka nagpatuloy sa pagkain. "College na tayo, wala ka pa ding boyfriend. Wala ka bang balak sagutin yung tatlong manliligaw mo?" tanong ko. Oo, tatlo. Si Kean, Laurence, at si Justine. Sumali pa kasi ang ugok na Justine na yun e. "Alex, wala akong balak sagutin sila. Bahala sila manligaw. Gusto nila e." walang ganang sagot niya. "Ang hard mo naman, my twin. Tagal na nilang nanliligaw sayo. Si Kean, two years na. Pati si Laurence. si Justine naman, one year palang." "Kumain ka na nga lang dyan, Alex. Babatukan kita e." suway niya. Napa-nguso na lang ulit ako. Kaasar diba? Ayaw pa din mag-boyfriend ng kakambal ko. Hala! BAKA NAMAN KAYA AYAW NIYA MAG-BOYFRIEND KASI GUSTO NIYANG TUMANDANG DALAGA?! "Waaaaahhhh! Lhei, tell me! Gusto mo ba tumanda ng dalaga?!!!" sigaw ko kaya agad niya akong nabatukan. "Aray!" inda ko. "Ano ba Alex! Bakit ka sumisigaw?! At anong pinagsasabi mong gusto kong tumandang dalaga?! Nasa kainan e!" "E bakit sumisigaw ka din?" pabalang na sagot ko. Tumigil na ako noong sumeryoso na siya ng tingin sa akin. "Bilisan mo na nga kumain, male-late na ako. Buti ikaw, one hour pa bago class mo." sabi niya sakin. Tumango na lang ako. Magkaiba kami ng schedule ni Lhei since hindi kami pareho ng course. *** Nandito na kami sa school. Iba na yung kotse namin. Pero nasa mansiyon pa din yung kotse namin ni Lhei. Ginagamit na lang namin kung pupuntang underground. Kulay itim yung kotse ko na may white. May nakalagay sa unahan na G. Short for GANGSTER. Si Lhei naman, color light blue na may pink yung kanya. May nakalagay sa harap na P. Short for PRINCESS. Magkaiba kami ng building ni Lhei kaya naghiwalay na kami. Hahanapin ko na lang sila Kean. Habang naglalakad ako sa hallway, lahat ng atensiyon ng babae nasa akin. "f**k! Ang gwapo talaga ni Alexander." "Gosh! Ang cool niya." "Grabe oh! Siya lang mag-isa, sasamahan ko na ba?" Hindi bulungan ang ginagawa nila ha. Naririnig ko eh. Ang hirap talaga maging gwapo. Habang naglalakad ako sa hallway, Nakita ko na may babaeng sasalubong sakin at nakayuko siya habang may hawak na spaghetti sa kamay niya. Iiwas na sana ako, kaso bigka siyang tumakbo kaya natapunan niya ako ng spaghetti. "Ugh!" aish! Nadumihan ang uniform ko! "Haharang-harang sa daan e." biglang sabi niya. Napataas naman ang isang kilay ko. "Miss, ikaw nga tong tumakbo papunta sakin kaya natapunan mo ako." iritang sambit ko. "Kasalanan mo, hindi ka umiwas." pabalang na sabi niya. "Wow ha. Hindi daw. E naglalakad ka lang kanina habang nakayuko, tapos iiwas na ako nang bigla kang tumakbo. Anong problema mo, Miss?" tanong ko sa kanya. "Nagmamadali ako. Tsk. Ayan waka ng spaghetti si Issa." walang ganang sabi niya. "Paano naman itong uniform ko, Miss? Nadumihan mo na oh." saka tinuro ang uniform ko. Napansin ko na madami nang nakiki-usyoso sa'min. "Kailangan ko pa bang bayaran yan?" tanong niya. "Miss, okay sana kung nag-sorry ka, kaso hindi." bakas na sa mukha niya ang pagka-irita. "E di sorry. Tsk." sarcatic na sabi niya. Akmang aalis na siya ng hilahin ko ang braso niya. "Not so fast, Miss." pigil ko. Wala ni sino man ang nagtangkang sagutin ako ng ganun dito. Lahat ng babae, tinitilian ako. Bakit ganito ang isang 'to? "Get your hands off me." sabi niya. Ngumisi naman ako. "Hindi mo ba ako kilala?" nginisian ko siya. "Kilala kita. Ikaw yung pinagkakaguluhan lagi ng nga babae dito. Tinitilian pa. Ikaw din yung pa- pogi lagi at feel na feel ang pagkakaroon ng fans." Eh? Anong gustong palabasin ng babaeng 'to?! "Grabe ka naman Miss. Baka feel na feel." sabi ko. Umirap naman siya. "Aalis na ako, peymus na din ako ngayon eh. Tiyak, kukuyugin na din ako.... NG MGA FANS MO." madiin na sabi niya saka inalis ang pagkakahawak ko sa kanya at umalis. Humanda ka sa'king babae ka! Ako? Si Alexander Lei Empire, sinagot-sagot mo? Tapos tinapunan pa ang uniform ko?! Nakakainis, umagang-umaga sira na kaagad ang araw ko. Humanda ka sa aking babae ka, kikilalanin kita. LINTIK LANG ANG WALANG GANTI!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD