[KIM'S P.O.V.]
"Sorry na Issa. May nakabangga kasi ako kanina kaya wala na yung spaghetti mo. Sorry talaga."sabi ko pagkakita ko kay Issa. Sinamaan niya naman ako ng tingin.
"May nakabangga o hindi mo talaga ako ibinili? Baka naman kinain mo na?" mataray na tanong niya sakin. Agad akong umiling at dinepensahan ang sarili ko.
"Hindi Issa, may nakabangga talaga ako." sagot ko.
"At sino maman yan ha?"mataray ulit na tanong niya.
"Yung gangster. Si Alexander Empire." sagot ko ulit. Agad siyang tumayo at tinaasan ako ng kilay.
"At talagang dinamay mo pa ang pinakamamahal kong si Alexander ha? Tsk." natakot ako dahil akala ko may gagawin siya sa akin.
"Believe me Issa, nabunggo ko talaga si Alexander." pagpipilit ko pa, umaasa na maniwala siya?
"Nako Sis! Di ba hindi yan fan ni Alexander? Baka binuggo niya talaga!" biglang sabat ni Micah.
"Oo mga no sis! Baka nadumihan niya si Prince Alexander! Nakuuu~" gigil na singit naman ni Lea saka ako sinamaan ng tingin.
"Oh My Gosh! Ang kapal ng mukha mong dumihan si Prince Alexander!"
Mabilis akong nakatanggap ng sampal mula kay Issa. Tumungo na lang ako. Hindi ako pwedeng lumaban e. Kanina galit siya sakin dahil wala akong dalang spaghetti niya, ngayon dahil nadumihan ko ang pinakamamahal niyang ALEXANDER.
"Sorry." tanging sambit ko na lang. Wala naman akong magagawa.
"Wala ka talagang kwenta eh! Pinapaaral ka nga, wala ka pa ding utang na loob sakin!" galit na sigaw niya.
'Tsk. As if Ikaw ang nagpapaaral sakin para magkaroon ako ng utang na loob sayo.' Gusto ko sabihin sa kanya yan. Pero hindi pwede.
"Sorry talaga." sabi ko na lang para matigil siya kaysa labanan ko pa.
"Umalis ka na nga sa harap ko! Nakakairita ka!" umalis na lang ako sa harapan nila. Kanina ko pa gustong umalis e. Si Issa? Pinsan ko. Ang mga magulang niya ang nagpapa-aral sakin NOON. Ngayong college ay naging scholar ako. Mababait ang mga magulang ni Issa. Ewan ko ba dyan kay Issa at ganyan ang ugali. Hindi man lang namana ang kabaitan ng mga magulang niya.
At oo, inaapi nila ako. Siya at ang dalawang bruhang kaibigan niya. Akala mo naman kung sino. Papatulan ko sana yang si Issa e, pero naisip ko na paano kapag nagsumbong siya sa mga magulang niya? Mawawalan ako ng chance na makapag-tapos sa pagaaral. Ulila na ako. Patay na si Mama since 4th year highschool pa lang ako. Habang si Papa naman, iniwan kami ni Mama bata pa lang ako.
Kapatid ni Mama si Tita Janice which is ang mommy ni Issa. Only child kasi yang si Issa kaya masyadong spoiled brat. Lahat ng gusto niya, nakukuha niya.
Hindi ko na din naman nagbalak na magsumbong pa sa mga ginagawa sakin ni Issa. Baka sabihin nila Tita Janice, sinisiraan ko ang anak niya. Ayoko din naman na makasira ng relasyon ng pamilya. Isa pa, mas paniniwalaan niya ang anak niya kaysa sa akin.
Dumeretso na lang ako sa room ko. Hindi naman ako makakapag-concentrate sa pagaaral kung pupunta akong library. Kasi ang baba ng library, ay hallway. Rinig na rinig ang mga hiyawan ng mga fans nung ALEXANDER na yun. Ewan ko ba kung anong nagugustuhan ng mga babae dito sa mga gangsters na tulad niya.
Oo, gwapo nga. So what? Bad boy naman. Well ano pa nga bang aasahan ko sa mga GANGSTERS na lalaki? Tsk.
Tungkol sa business ang kinuha kong course. Matagal ko na kasing pangarap na maging negosyante dahil bata pa lang ako, yun na ang gusto ni Mama na kuhanin ko pagdating ng panahon.
Pagpasok ko ng room, ang sama ng tingin ng mga babae sa akin. Umupo na ako sa pinakadulo at hindi sila pinansin. Wala naman akong mapapala kung makikipag-away ako sa kanila. Bahala silang titigan ako ng masama. Gusto ko lang mag-aral at magkaroon ng tahimik na buhay.
Palaban naman ako e, pero ayoko lang talaga magkaroon ng record dito sa school since college na pati ako. Tsaka baka ma-disappoint lang sakin sila Tita Janice. Lalaban lang ako kung kailangan.
Ako nga pala si Kim Ayumi Hyun. Half Filipino, half korean. Koreano kasi si Papa. Mayaman kami dati. Pero simula nung iwan kami ni Papa, medyo naghirap kami. Hindi niya naman ako sinusustentunan. Naghanap si Mama ng trabaho noon, pero maliit lang ang sweldo. Kaya ngayong patay na siya, ako na lang tuloy.
Sabi naman ni Tita Janice, sila na lang ang magpapa-aral sakin. Ako na bahala sa gastusin ko araw-araw. Nakatira pati ako sa isang small apartment. May part time job din ako tuwing gabi. Sa bar ako nagta-trabaho. Take note! Hindi sexy dancer ha? Waitress lang!
I'm 20 years old. Single and ready to mingle. Joke! Wala akong balak sa love life ko sa ngayon. Mabait ako, sa taong mabait sakin. Matapang din ako, makulit, masayahin. Pero sa ngayon, serious type muna. kung akala niyo may mga kaibigan ako dito? WALA.
Ayaw nila sakin dahil kay Issa. Sila Issa kasi ang lagi kong kasama. Peymus sila dito sa school as bitches. Kaya akala nila b***h din ako. Hindi nila alam, utusan lang ako nila Issa.
Naglabas na lang ako ng isang libro saka nagbasa. Wala pa naman yung prof namin sa room kaya magpapalipas na lang muna ako ng oras sa pagbabasa. Maya-maya, biglang pumasok yung prof namin kaya nagsitayuan kaming lahat.
"Good Morning, Sir Gonzales." bati namin.
"Good Morning. Sit down." lahat naman kami ay umupo. Napansin ko na ako lang ang naka-upo sa pinaka-dulo. Tsk. Loner feels.
"Okay. Introduce yourselves." ani Prof. Nagsimula ng magpakilala ang mga kaklase ko. Nang ako na ang magpapakilala, tumayo na ako.
Magsasalita na sana ako ng may biglang nagbukas ng pinto kaya lahat kami napatingin.
Pagtingin ko, nanlaki ang mata ko ng makita ko si Alexander.
"Kyaaaah! Kaklase ba natin si Prince Alexander?"
"Gosh! Sana katabi ko siya!"
"Ang gwapo niya!"
Bulong-- este sigaw ng mga fans niya. Nakapag-palit na din pala siya ng uniform.
Pumasok siya ng room at may kasama pa siyang isang lalaki tapos babae.
"You're late." pansin sa kanya ng prof namin.
"Sorry Prof. Hinanap ko pa kasi itong dalawang ito e." paliwanag ni Alexander saka tinuro ang mga kasama.
"Okay. Umupo na kayo."
Humanap ng upuan si Alexander at napatignin siya sa bakanteng upuan na katabi ko then tumingin siya sakin.
Ngumisi siya saka lumapit sa upuan ko. Nilagay niya ang bag niya sa katabing upuan ko saka umupo. Sinundan naman siya nung dalawa. Katabi niya yung babae then yung lalaki yung sunod.
"I'm Kim Ayumi Hyun." pakilala ko saka nag-bahagyang nag-bow sa harap nila at umupo na.
"Hyun? Korean?" biglang tanong ni Alexander kaya napatingin ako sa kanya.
"Pake mo?" mataray na tanong ko.
Hindi niya ako pinansin. Tumayo siya at nagpakilala.
"Hello, I'm Alexander Lei Empire." pakilala niya.
Pag-upo niya, bumulong ako.
"Nagpakilala pa, peymus naman na." bulong ko sa sarili ko. Nilingon naman niya ako.
"What? May sinasabi ka Hyun?" tanong niya. Hyun? Bakit niya ako tinatawag sa apilido ko?
"Tsk." inismiran ko lang siya. Tumayo naman yung babaeng katabi niya.
"Hailey Cassandra Ynarez here." pakilala niya. Mukha siyang inosente sa itsura niya.
Sumunod naman yung lalaki.
"I'm Sydney Arch Manalo." pakilala naman nung isa. Tsk. Mukhang gangster din.
"Class, may kukunin lang ako sa office." laalam ni Prof saka lumabas.
"Good. Classmate pala kita." nilingon na naman ako at sinabi iyan sakin ni Alexander.
"Ay hindi. Kaya nga ako nandito di ba?" sarcastic na sabi ko. Nginisian niya naman ako, "Gusto ko sana magbayad ka sa ginawa mo sakin kanina."
"Magkano?" walang ganang tanong ko.
"Alex, nababara ka ng babae?" biglang sabat nung Hailey saka tumawa.
"Tumigil ka dyan Hailey, babatukan kita." asar na sabi ni Alexander.
"Sige. Susumbong kita kay Kent at Lhei." sabi naman nung Hailey.
Nakita ko na umirap si Alexander. Ay? Daig pa babae ha.
"So Hyun, humanda ka na." sabi ulit ni Alexander sakin.
"K." nagkibit-balikat pa ako.
Tsk. Bakit ba naging kaklase ko pa to? Kung sa mga fans niya, tuwang-tuwa sila na maging kaklase siya. Pwes ako hindi! Ugh! Pakiramdam ko hindi magiging tahimik ang school year ko na ito dahil sa kanya. Gusto ko ng tahimik na buhay, pero mukhang walang balak ibigay sa akin ni God iyon.