[KIM'S P.O.V.]
What the hell did he think he's doing?! Nagpapakilala siya na boyfriend ko kila Untie Janice?! Akmang susundan ko si Tita Janice pero hinarangan ako ni Issa.
Pagpasok ni Tita Janice sa mansyon nila, agad akong sinampal ni Issa.
"Hey! I said don't hurt her!" awat agad ni Alexander.
"You! Malandi ka! Kunwari ka pang hater ka ni Alexander yun pala, mahal mo siya! At girlfriend ka niya! Anong ipinakain mo sa kanya at nagkagusto siya sayo ha?!" galit na sigaw ni Issa habang dinuduro ako.
"Wala akong--"
"Don't f*****g hurt her. Ikaw ang malandi." mariin na sambit ni Alexander habang masamang nakatingin kay Issa. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil sinabihan niyang malandi ito.
Magsasalita pa sana ako nang hilahin na niya ako palabas. Ipinasok niya ako sa kotse niya saka pinaandar. Hindi ako makapalag ng ayos, kainis!
"Darn it! You made everything more complicated! Did you know that?!" galit na sigaw ko sa kanya.
"Chill ka nga lang. Ano bang pinaglalaban mo?" tanong niya. Gustong-gusto ko na siyang sapukin ngayon! Promise!
"Pinaglalaban ko?! Bakit ka nagpakilalang boyfriend ko?! Nagalit tuloy lalo sa akin si Issa! Tapos si Tita Janice, hindi na ako paga-aralin! f**k it!" galit na sigaw ko. Ugh! Kaasar!
"Kababaeng tao nagmumura ka."
"Wala kang pake! Ano bang trip mo at ginawa mo iyon ha?!" sigaw ko pa din. Gusto kong ilabas ang inis ko ngayon.
Pinarada niya muna sa gilid yung kotse niya saka siya tumingin sa akin.
"Tsk. Ang ingay mo, nakakarindi ka. Bakit ko yun ginawa? Kailangan ko ng girlfriend na ipapakilala ko sa parents ko next week. And since may atraso ka sakin at slave na kita, ikaw na lang ang ipapakilala kong girlfriend ko." paliwanag niya. Napairap naman ako.
"Yun lang ang dahilan mo? Pwede mo naman sanang sabihin sakin ng patago e. Hindi yung sasabihin mo kila Tita Janice at Issa na boyfriend kita! May sa bigla ka din, ano?" galit na sigaw ko.
"Wala ka sa bahay niyo kanina e. Pinuntahan kita, sabi nasa mansyon ka daw ng tita mo."
Alam niya kung saan ako nakatira? Ngayon ko lang din narealize na napuntahan niya ang bahay nila tita Janice, paano?!
"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" gulat na tanong ko.
"Basta."
"Aish! Ngayon, wala ng magpapa-aral sakin!" sigaw ko. Allowances lang naman ang problema ko at iba pang gastos sa school na hindi sakop ng scholar ko.
"I know. Tita at Tito mo na lang ang guardian mo. Iniwan ka na ng tatay mo, while your mother is already dead. Sila ang nagpapaaral sayo, pero ikaw na ang gumagastos sa pang-araw-araw na gastusin mo. Nakatira ka sa isang maliit na apartment. Ewan ko kung may part time job ka ba. Kasi paano ka nakakakuha ng pera pang bayad?" deretsong sabi niya na talagang mas ikinagulat ko.
Paano niya nalaman lahat ng iyon? Stalker ko ba siya? E bakit naman niya ako ii-stalk-in? Creepy nito ha!
"Wag ka ng magtaka kung paano ko nalaman. Gangster ako." dagdag pa niya nang mahalata ang facial expression ko. Ipapapatay niya ba ako kaya inistalk niya ako?
"Tsk. Oo nagpa-part time ako." sagot ko.
"Anong trabaho mo? Saan?"
"Sa bar."
"BAR?!" gulat na sigaw niya, nanlaki pa ang mata.
"Wag kang mag-isip ng kung ano-ano dyan. Waitress lang ako doon tuwing gabi."
"Ah. Akala ko sexy dancer-- aray!" binatukan ko nga. Sabi ng wag mag-isip ng kung ano-ano e.
"Oh, ano ng gagawin ko ngayon? Maliit lang ang sweldo ko doon sa bar! Kulang pa nga iyon sa pambayad ko ng gastusin araw-araw." reklamo ko. Kasalanan niya naman 'to.
"Mag-quit ka na sa trabaho mo."
Anong pinagsasabi nito? Nababaliw na ba siya? Ano ba kasing gusto nitong kumag na 'to.
"Sino ka para utusan ako? Tsk."
"Slave naman kita di ba? Sige, hindi na lang libre ang gagawin mong magta-trabaho sakin. Suswelduhan kita."
Parang nanlaki ang mga tenga ko sa narinig ko. Talaga?
"Magkano naman?"
"Five thousand a day. Pero depende yun kung gaano kadami ang naiutos ko sayo. Kung konti lang naman inutos ko sayo buong araw, e di three thousand lang ang sweldo mo."
Napaisip ako. Five thousand a day? Pero three thousand lang kapag konti lang utos niya?
Hmmmm...
Pwede na. Pero buong araw?
"Teka, teka. Buong araw? Kasama ba ang gabi doon? I mean, 24 hours?" tanong ko.
"Yep."
What the? Pero sayang kung five thousand A DAY. Hindi ko mapupulot iyon kada araw. Mas makakaipon pa ako kung araw araw may ganoon akong pera.
"Aalis ka na din sa apartment mo. Sa mansyon ka na namin titita kasama ako at ang kakambal ko. Okay?" sabi pa niya na mas lalong ikinagulat ko.
Seryoso ba siya sa sinasabi niya?! Ako? Titira sa mansyon nila?
"Seryoso ako." dagdag niya nang hindi siya nakakuha ng sagot mula sa akin.
"Hindi ba sobra naman ata? Nakakahiya kung titira pa ako sa mansyon--"
"Slave kita di ba?"tanong niya. Tumango na lang ako kahit mukha siyang tangang ganoon ang tawag sa akin.
"E di kung anong gusto ko, susundin mo. Bawas na din yun sa gastusin mo. Makakapag-ipon ka pa para sa pagpapa-aral mo. Is that good?"
Napaisip ulit ako. Oo nga, kung wala na akong babayaran na apartment, e di makakapagipon ako para sa pagpapa-aral ko next semesters.
Nice!
Pero paano naman kapag nalaman ng mga fans niya sa school ito?
"Paano mga fans mo?"
"Don't worry, kapag malapit ka sakin hindi ka naman nila malalapitan. In fact, magkaklase tayo." tumango-tango ako sa kanya bilang pagpayag. Hindi na dapat ako mag-inarte pa dahil walang-wala ako ngayon.
"Payag na ako."
"Good, ihahatid na kita sa apartment mo. Kuhanin mo na lahat ng kailangan mong kuhanin. Tapos deretso na tayo sa mansyon."
Tumango ulit ako. Ayos din naman pala itong si Alexander e. Kahit ganoon ang offer niya, sana lang maging maayos siya.
***
[ALEXANDER'S P.O.V.]
Nandito ako ngayon sa labas ng apartment nila Hyun. Hinihintay ko siya dahil kinukuha na niya ang mga gamit niya sa loob.
Tinawagan ko na muna si Lhei para ipaalam ang balak ko.
"Hello, Lhei?"
["Bakit?"]
"I have to tell you something, my twin."
["What?"]
"May titira na sa mansyon natin. May makakasama na tayo."
["Who?"]
"My girlfriend."
["Don't be ridiculous, Alex. You don't have a girlfriend."]
"Ah basta! I'll explain later my twin."
["Tsk. Yeah. Yeah. Whatever ."] bored na sabi niya, hindi naniniwala sa akin.
"Uhhh, Lhei? Tell me, kakagising mo lang ba?"
["Good question. And you know what? You already disturbed my beautiful sleep! Ugh!"]
Sabi na e! Kaya pala mukhang badtrip si Lhei, naistorbo ko pala.
"Hihi. Peace."
Pinatayan niya na lang ako dahil sa pagka-badtrip niyan Napangiti ako at napailing.
"Hoy! Bakit ka tumatawa mag-isa dyan? Mukha lang timang e." napatingin naman ako kay Hyun na nasa gilid ko na pala at hindi ko man lang napansin.
"Hmp! Wala kang pake! Tapos ka na ba mag-impake?" tanong ko. Umirap muna siya saka tumango. Tinignan ko ang mga gamit niya sa likod niya. Inirapan ko din siya. Akala niya di ako marunong umirap?
"Hoy! Bakit ka umiirap dyan? Tsk. Para kang bakla."
"You should respect your Master, Hyun!" utos ko. Umirap na naman siya, di kaya siya mahilo?
"Wag mo nga akong tawaging Hyun. Kim ang pangalan ko." protesta niya.
"Hmmm... Kung ayaw mo ng Hyun, Ayu na lang." nginisian ko siya.
"Ayumi na lang. Mas maganda kapag buo."
"Arte mo! Ayu na lang! Ang haba ng Ayumi e." reklamo ko naan.m
"Ang arte mo din! Ang tamad mo e. Sasabihin mo na nga lang, kinatatamaran mo pa."
"Pake mo ba? Ako naman ang tatawag hindi ikaw. Psh! Lagay mo na yang mga bagahe mo sa likod nung kotse ko. Ingatan mo mag-lagay." wala akong balak tulungan siya kaya nauna na ako maglakad papunta sa kotse ko.
"Bakit? Baka magasgasan ako kasi baka madali ako nung mga maleta ko?" sarkastikong sabi niya habang nakasunod sa akin.
"Hindi. Baka magasgasan mo yung kotse ko. Mahal yun."
Irap na lang ang naging reaksiyon niya. Hindi na niya ako pinansin at inilagay na niya ang mga gamit niya sa kotse ko.
Mabilis lang ang byahe at nandito na kami ngayon sa mansyon. Si Ayu naman, nahihiya pa na pumasok. May hiya pala siya, hindi halata sa mukha niya.
"Butler Saimon!" tawag ko. Agad naman na dumating si Butler at nag-bow sa amin.
"Yes, Master?"
"Iyang mga maleta na yan, paki-lagay lahat yan sa isang kwarto sa taas. Malapit sa kwarto ni Lhei ha?" utos ko saka tinuro ang mga gamit ni Ayu. Tumango naman siya bago kunin ang mga gamit.
"Master, sino po ba siya?"tanong niya.
"Ah Butler, si Kim Ayumi Hyun... Girlfriend ko. You can call her Kim." pakilala ko kay Ayu. Nag-bow sa kanya si Butler.
"Good evening, young lady Kim." bati ni Butler kay Kim. Nahiya naman agad si Ayu at winagayway ang kamay.
"Ay nako! Wag na po young lady. Kim na lang." sabi niya.
"Pero girlfriend po kayo ni--"
"Butler, sundin mo na lang siya. Paki-tawag nga muna si Lhei." utos ko.
"Sige po, master." aniya saka umalis.
Umupo muna kami sandali ni Ayu sa sofa. Nakakapagod ang araw na ito samantalang kanina ay bored na bored ako.
"Oh bakit?" napatayo ako nang makita ko si Lhei na lumapit sa amin.
"Hello, my twin!" bati ko saka siya niyakap.
"K-kambal mo?" utal na tanong ni Ayu. Tumango ako.
"Yep. Mahabang story kaya hindi kami magkamukha." sabi ko. Si Lhei naman walang ekspresyon lang na nakatingin sa amin ni Ayu.
"Mind to introduce your self?" cold na sabi ni Lhei. Hala! Bakit kaya ganito 'to?
"A-ahh. I'm Kim Ayumi Hyun." mukhang nataranta pa si Ayu dahil sa approach sa kanya ni Lhei.
"So, anong pumasok sa isip mo at tinanggap mo ang alok ni Alex na maging girlfriend niya?" masungit ulit na tanong ni Lhei.
"Lhei naman..." ngumuso pa ako para magpacute sa kanya.
"Kailangan ko kasi ng--"
"Lhei, ako na ang mage-explain sayo lahat-lahat mamaya." singit ko.
"So you're a half Korean?" di pa din tinigilan ni Lhei interview-hin si Ayu. Tumango naman siya, "Yes."
Bigla namang ngumiti si Lhei na ikinagulat ko. May topak ba si Lhei ngayon?
"Good! Ayos! From now on, you're now my friend! Marunong din kami mag-korean, you know. Tumira kami doon dati. So ano? I-interview-hin muna kita bukas ha? You should take some rest now."
Miski si Ayu parang naguguluhan sa sinabi at ikinilos bigla ni Lhei. Pero tumango na lang si Ayu. Now, Ayu is going to live with us. Magta-trabaho siya sakin. Kailangan ko pa siyang ipakilala kay Mom and Dad next week. Magpapanggap siyang girlfriend ko.
Pero may problema...
Paano kung ipakasal kami nila Mom and Dad?!