[KIM'S P.O.V.] Nagulantang ang tulog ko nang tumunog ang pagkalakas-lakas na alarm clock ko. Inis ko iyong pinatay at tinignan ang oras, 5:30AM na. Tumingin ako sa paligid at bahagya pang nanibago dahil sa itsura ng kwarto ko. Hindi pa ako sanay dahil ngayon lang naman ako tumira sa mansyon ng mga Empire. Bumangon na ako saka nagpunta sa banyo upang mag-hilamos at toothbrush muna bago lumabas ng kwarto. Gigisingin ko kasi ang MASTER ko, tss. Sabi ko sa kaniya na lang alarm clock ko, ayaw naman niya. Ang daming arte sa buhay. Malakas akong kumatok sa pinto ng kwarto niya. Wala akong nakuhang response kaya naman tinawag ko na siya, "Yah! Master Lei?" hindi naman masyadong malakas dahil maaga pa at baka may maistorbo akong tulog. Patuloy lang ako sa pagkatok sa pinto pero no response pa di

