CHAPTER 20 EUFI Bangag akong pumasok kinabukasan. Pambihira! Napuyat ako kakaisip sa lintik. Damn! Damn! Sinasabi ko na nga ba hindi talaga magandang idea ang patulan ang isang iyon. Namimigat pa ang talukap ko na dumating sa office. Isang oras akong maaga. Hindi nga kasi ako nakatulog ng maayos kaya maaga din akong nagising. Dumiretso ako sa cubicle ko. Pinagbubuksan ko lahat ng kailangang gawin para sa araw na ito. "Ugh!" I grunted nang paulit-ulit lang ako sa pagscro-scroll. Wala naman akong nagagawa dahil lumilipad talaga ang utak ko. "Anong ginawa mo sa akin talipandas ka?!" Pinagmumura ko na si Devereaux pero wala namang nangyari, bangag pa rin ako. Ang ending nakatulog na lang ako habang nakasubsob sa desk ko. Nagising ako dahil sa iilang mga boses at sa paki

