CHAPTER 26 EUFI Parang akong kinikiliti na hindi matigil sa pagtawa habang naalala ko kung paano humingi ng sorry si Devereaux kay Stevan kanina. He's just so gay. Halatang napipilitan lang ito at labag talaga sa kalooban niya. Clearly he isn't used to apologizing. Buti nga sa kanya. "Can you stop laughing Euphorbia?!" Asik sa akin ni Devereaux na nagdadrive. "Ops! Sorry." Kinagat ko na lang ang labi ko para pigilan ang sarili kong matawa. "Sumosobra ka na." Sinamaan niya ako ng tingin. I rolled my eyes. "Bakit? Sino ba sa atin ang basta basta na lang nanununtok ha?" Humigpit ang hawak niya sa steering wheel habang madiin ang tingin sa daan. Natawa na naman ako. "Bakit kasi hindi ka na lang sumuko ha?" Sabi ko sa kanya matapos ang mahabang katahimikan. "Kung

