CHAPTER 30 EUFI Hindi ko talaga lubos maisip ang kagagohan ni Devereaux. Isa siyang malaking siraulo para isama ako sa dinner ng pamilya niya. As promised binigyan ko ng sapak at sinabunotan hanggang sa mangalay ako ang gago nang kami na lang dalawa. Hinatid parin naman niya ako sa apartment. Nakakainis pa dahil pumasok pa talaga siya para daw masigurong wala doon si Stevan. Tarantado talaga! Simula talaga ng dumating ang gago hindi na tumahimik ang buhay ko. Napapailing na lang ako. He's an intruder na walang pakundangan na ginulo ang nanahimik kong buhay. Nakakalibadbad ang presensya. Iyong tipong kung pwede lang 24/7 siyang aaligid. Kaya nagpapasalamat ako dahil makakahinga ako ng maluwag. I filed a leave for a week. Oo, ako na ang leave ng leave. I am going to my home t

