4

834 Words
"Disaster! Disaster ang nangyari, nakakahiya!" mangiyak ngiyak na ibinaon ni Diana ang mukha sa mga palad niya. Napahagalpak naman ng tawa si Nadine kaya mas lalo pang nadagdagan ang inis niya. "Pwede ba! parang hindi kita kaibigan." masama ang tingin na turan niya. Pagkatapos niyang ikwento ang nangyari sa naging unang pagkikita nila ng mayabang na fiancée ng kapatid niya ay wala nang ginawa ang kaibigan niya kundi ang pagtawanan ang kahihiyan na sinapit niya. Tinakpan nito ng isang kamay ang bibig at pilit na pinigilan ang pagtawa. Hindi na niya pinansin pa ang ginawa ni Nadine at dumiretso na lang siya ng upo. Binuksan niya ang bag na nakapatong sa ibabaw ng mga hita niya at inilabas ang nasa loob niyon. "Wow! piyesta?" namamanghang tanong nito sa kaniya nang makita ang mga pinamili niya. Malaki ang kinita niya kanina nang umekstra siyang clown sa isang party kaya naisipan niyang ilibre si Nadine at ang pamilya nito. Bago siya nagtungo sa bahay ni Nadine ay sumaglit na muna siya sa grocery store para bumili ng mga pagkain. Maliban sa mga chicharya na nasa loob ng backpack niya ay may dala din siyang plastic bag na naglalaman ng mga karne at gulay na lulutuin niya. "Gusto ko sanang magluto, pwede ba?" tanong niya sa kaibigan. Saglit lang ang pagkagulat na dumaan sa mukha ni Nadine bago siya tinanguan. "Pwede naman, friend. Kaya lang ay parang nakakahiya na sa'yo dahil sa tuwing pumupunta ka dito sa amin ay ikaw pa ang nanlilibre." nakangiwing sabi nito. Nakangiting kinumpas niya ang kanang kamay at napailing. "Ano ka ba, Nadine. Maliit lang na bagay ito kung ikukumpara sa pagtanggap ninyo sa akin dito." totoo naman ang sinabi ni Diana. Sa tuwing masama ang loob niya sa mga magulang ay buong puso siyang tinatanggap ng pamilya ni Nadine sa bahay ng mga ito. Hindi naman ganoon kahirap ang pamilya ni Nadine. Ang isang tiyahin nito na OFW sa Canada ang siyang nagpapaaral dito. Sa katunayan ay naiinggit siya sa simpleng buhay na mayroon ang pamilya ng kaibigan niya. Mayroong maliit na sari-sari store ang nanay Ading nito at si Tatay Pedring naman ay isang mekaniko. Oo nga at kinukulang ang mga ito sa budget kung minsan pero nakikita niya ang pagsisikap ng bawat miyembro ng pamilya. "Mabalik nga pala ako sa fiancée ng kapatid mo, si Con-ano nga ulit ang pangalan?" "Connor." kumulo ang dugo niya nang banggitin ang pangalan ng mayabang na lalaki na tumanggi sa alok niyang samahan ito habang wala pa si Hasmine. "Okay, estudyante siya sa school natin 'di ba?" "Yup." "At?" "At ano?" nakataas ang isang kilay na tanong niya. Tumayo na siya at dumiretso sa maliit na kusina. Sumunod naman sa kaniya si Nadine. "At hindi mo kilala kung sino siya?" "Hindi, pakialam ko ba sa mayabang na iyon?" nanunulis ang mga labing wika niya. "Loka ka, napa-google ako agad nang sabihin mo sa akin ang plano ng daddy mo. Siya lang naman ang isa sa mga tagapagmana ng KARA." "So?" "Anong 'so' ka diyan, malaki ang maitutulong niya para makabangon ulit ang San Roque Corporation. Napakayaman ng pamilya ng mga Campbell kaya sa isang pitik lang ng daliri ay matatapos ang problema ng mga magulang mo." Napakagat labi siya. Ang San Roque Corporation na pag aari ng pamilya niya ay nakatakda nang mawala sa kanila kapag hindi pa siya kumilos. May posibilidad na mawala sa kanila ang limang hotel, tatlong branch ng bakeshop at iba pang negosyo na nasa ilalim ng korporasyon sa isang kisapmata lang. "Pero hindi nga ako ang kapatid ko kaya hindi niya ako papansinin. Kaya kahit sundin ko pa ang utos ng daddy ko, imposible rin na pumayag si Connor na bumuntot buntot ako sa kaniya. Baka naman daigin ko pa ang bodyguard niyan." Angal niya. "Kunin mo ang loob niya," suhestiyon nito na ikinatirik niya ng mga mata. "Paano, aber?" masakit man sa pride na ipinagtabuyan siya ni Connor ay kailangan niyang tanggapin. Sigurado siya na hindi ito sanay na makihalubilo sa mga kagaya niyang boring at walang alam sa night life. "Suyuin mo?" "Hah!" "Ligawan mo, kunin mo ang loob. Ganoon naman 'di ba kapag nanliligaw ang lalaki sa babae nagdadala ng bulaklak o kaya pagkain? Hindi mo naman siya liligawan talaga, kukunin mo lang ang loob niya para pumayag siyang makasama ka madalas. Oh, 'di wala ka ng problema dahil mababantayan mo na siya at mapipigilan mo pa ang mga babae na lumandi sa kaniya habang hindi pa bumabalik ang ate Hasmine mo." Parang may bombilyang kumislap sa ibabaw ng ulo niya at namamanghang tumingin kay Nadine. "Nads," walang kakurap kurap na anas niya. "Oh?" tanong nito habang hinuhugasan ang mga karne. Napahiyaw ito nang tapikin niya ito sa balikat. "Aray! ano ba Diana Shane!" "May naisip na akong plano kung papaano ko siya malalapitan. Thank you! thank you! thank you ng bonggang bongga!" parang bata na tumalon talon siya at malakas na napapalakpak pa. "Ewan ko sa'yo!" naiiling na sabi na lang nito sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD