19

1199 Words
Saktong alas siyete ng gabi nang matapos si Diana sa paghahanda. Ipinagluto niya si Connor ng spaghetti at porkchop para sa monthsary nila. Naihanda na rin niya ang regalo na ibibigay niya mamaya pagdating nito. Mabilis na naligo siya at naglagay ng manipis na make up. Nang marinig niya ang malakas na katok sa pinto ay nagmamadaling lumabas na siya ng silid. Ang pagod na anyo ni Connor ang tumambad sa kaniya nang pagbuksan niya ito ng pinto. Nang makita siya ng binata ay agad na ipinaskil nito ang matamis na ngiti sa mga labi nito. “Hi, baby,” anito. PSa halip na sumagot ay mahigpit na niyakap niya ito. Alam niyang nagulat ito sa ginawa niya pero hindi na niya iyon pinansin. Tanging sa mga bisig lang siya nito umaamot ng lakas kaya sabik na isiniksik niya ang sarili sa mga bisig nito. “Hey..” gulat na anas ni Connor at gumanti ng mahigpit na yakap sa kaniya. “I love you, baby, happy monthsary.” Dahil sa pagpipigil niya nang iyak kaya masakit na ang lalamunan niya. Huminga siya ng malalim at pilit na kinalma ang sarili. Nang maramdaman ang kakaibang init mula sa katawan nito ay napakunot noo siya. “Baby? may sinat ka!” gulat na bulalas niya. “I’m okay, babe. Happy monthsary,” anito at muling niyakap siya. Kahit dumiretso na sila sa loob ay hindi pa rin niya mapigilan ang pag aalala. “Sigurado ka ba na okay ka lang?” “Kaya ko, okay?” ngumiti ito at kinintalan ng masuyong halik ang tungki ng ilong niya. Naipikit niya ang mga mata dala ng matinding epekto ng ginawa nito sa kaniya. “Kumain na nga lang tayo,” pilit na itinaboy niya ang pag aalala sa dibdib at masuyong hinila na si Connor patungo sa mesa. Bumaha ang saya sa dibdib niya nang masulyapan ang kislap ng mata nito nang makita nito ang mga pagkain na niluto niya. Habang kumakain ay wala siyang ibang ginawa kundi ang asikasuhin ito. Pagkatapos nilang kumain ay ibinigay na niya ang regalo niyang sapatos. “Happy monthsary!” nakangiting sabi ni Diana. Kumislap ang mga mata nito nang makita ang sapatos. “Thank you, baby." Bilang tugon ay ngumiti lang siya at walang sawang pinagmasdan ang perpektong mukha nito. “Close your eyes,” utos ni Connor sa kaniya pagkatapos nitong tanggapin ang regalo niya. Nagtataka man ay napilitan siyang sundin ang sinabi nito. Ipinikit niya ang mga mata at hinintay ang sunod na mangyayari. Pagkalipas ng ilan sandali ay sinabi nito na pwede na niyang buksan ang mga mata. Pigil ang paghinga na nagmulat siya ng mata. Natutop niya ang mga labi nang tumambad sa kaniya ang isang magandang kwintas. Simple lang iyon at gawa sa silver. Sa gitna ng kwintas ay may nakabukas na locket kung saan nakalagay ang picture nilang dalawa ni Connor. “A-ang ganda....” namamanghang anas niya. “Happy monthsary, baby. I love you so, so, so, so, much!” nang lapitan siya ng binata at isuot nito sa leeg niya ang kwintas ay halos sumabog sa sobrang tuwa ang puso niya. Sa kabila nang natuklasan niya kanina ay naging masaya pa rin siya at kontentong naicelebrate nila ang monthsary nila ni Connor. Nang muling humarap sa kaniya ang lalaki ay nagsisikip ang dibdib na sinapo niya ang mga pisngi nito. “Baby, mangako ka sa akin na kapag dumating ang araw na kailangan kong gumawa ng desisyon ay hindi ka magagalit sa akin.” Agad na nagsalubong ang mga kilay nito nang marinig ang sinabi niya. “What do you mean?” nagtatakang tanong nito. “Basta..” hindi rin niya alam kung bakit niya nasabi iyon. Dala marahil ng matinding emosyon na bumabalot sa kaniya kaya kung anu-ano na lang ang lumalabas sa mga labi niya. Nang sumapit ang alas onse ng gabi ay tumaas ang lagnat ni Connor kaya agad na pinainom niya ito ng gamot. Halos hindi na siya magkandatuto kung papaano ito aasikasuhin habang inaapoy ito ng lagnat at nakahiga sa kama niya. Ayaw pa sana nito noong una na matulog sa kwarto niya pero pinilit niya ito dahil gusto niya na mas makapagpahinga ito ng maayos. “Baby..” nag aalalang tinawag niya si Connor nang makita niya ang pawisang anyo nito habang natutulog ito. Lumabas siya saglit para palitan ang maligamgam na tubig sa maliit na plangganang dala niya. Binanyusan niya ng tubig si Connor para kahit papaano ay bumaba ang lagnat nito. Pero mas lalong tumindi ang pag aalala niya nang magsimula na itong umungol. “Connor!” tuluyan nang namanhid ang buong katawan niya dahil sa matinding takot nang makita ang panginginig ng buong katawan ng binata. “C-connor! Anong nangyayari sa'yo?” umiiyak na tinapik niya ang pisngi nito. Panay ungol lang ang naging tugon nito sa kaniya. Niyakap niya ang lalaki at binalot niya ito ng makapal na kumot. Hinubad niya ang suot na damit at muling niyakap si Connor. Nang maramdaman nito ang init ng katawan niya ay nagsumiksik ito sa kaniya. Matagal bago ito nakalma at nakatulugan na niya ang pagbabantay dito. Bandang alas tres nang madaling araw ng maalimpungatan si Diana mula sa pag idlip niya. Agad na bumangon siya at dinama ng palad niya ang noo ni Connor para alamin kung mataas pa rin ang lagnat nito. Nang masiguro na wala na bumaba na ang lagnat nito ay tuluyan na siyang nakampante. Naalala niya ang nangyari kagabi. Para siyang nauntog at biglang natauhan nang sumagi sa isip niya ang lahat ng pinagdaanan ni Connor sa loob ng dalawang buwan na magkasama sila. Hindi siya natatakot na maghirap. Wala siyang pakialam kahit magdildil siya ng asin. Pero paano si Connor? Papaano ang kinabukasan nito? Mali pala ang iniisip niya noon na kaya nilang maging masaya at magsisikap siya para sa kanilang dalawa. Kahit kayod kalabaw pala ang gawin niya ay hinding hindi niya maibibigay ang buhay na nakasanayan nito. Malungkot na hinaplos niya ang pisngi ni Connor. Mahimbing pa rin ang pagtulog nito kaya halos hindi nito maramdaman ang ginagawa niya. Baby, I’m sorry.. natauhan na ako. Masyado ka nang nahihirapan dahil sa akin. Hindi ko na kayang nakikita kang ganiyan. Sana dumating ang panahon na mapatawad mo ako sa magiging desisyon ko. Mahal na mahal kita.. baby.. Kinuha niya ang cellphone mula sa ibabaw ng bedside table at parang wala sa sariling tinawagan niya ang number ng kaniyang ina. Ilan ring ang narinig niya bago tuluyang sinagot ng mommy niya ang tawag. “Hello?” “Hello, mom?” ginagap niya ang isang palad ni Connor at buong higpit na hinawakan niya iyon. “P-pwede bang sunduin mo na ako? Pakisabi na rin po sa mga magulang ni Connor na sunduin siya sa apartment namin.” Habang idinidetalye niya sa ina ang address at oras nang pagsundo sa kanila ay halos mahati na sa dalawa ang puso niya dahil sa sobrang sakit. Pagkatapos niyang makausap ang ina ay dinala niya ang palad ni Connor sa mga labi niya at paulit ulit na dinampian iyon ng halik habang umiiyak siya. I’m sorry baby.. I’m letting you go..sana mapatawad mo ako sa gagawin ko..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD