Carla Medina Hindi ako mapakali kung kaya lumabas muna ng kwarto upang magpunta sa may kusina. Kinuha ko ang fresh milk mula sa loob ng ref saka isinalin iyon sa may baso. Ngunit 'di sinasadyang natabig ko ang baso kung kaya bumagsak iyon sa may sahig at saka nagkadurog-durog. Hindi ko maintindihan kung bakit parang bigla na lamang akong kinabahan. Para bang may kung anong masamang pangyayari na hindi ko mawari. "Ouch!" Nabubog ako nang damputin ko ang isang bahagi nang nabasag na baso. Itinaas ko ang kamay upang tingnan ang daliring walang tigil sa pagdurugo gawa nang pagkakabubog. Sinuri ko pa iyon at napaigtad ako sa pagkakaupo mula sa sahig nang tumunog ng malakas ang telepono kung kaya tumayo ako upang sagutin iyon. "Hello?" sagot ko mula sa kabilang linya. "Is this Mr. Simon

