Ilang buwan na ang lumipas ngunit nananatili pa rin si Simon na walang malay at nakaratay pa rin 'to sa loob ng ospital. Kinausap na rin ako ng mga doktor na pirmahan ko na lang ang mga dokumento upang alisin na nila ang mga tubong nakakabit sa katawan ni Simon, dahil ito na lamang daw ang nagbibigay buhay sa binata. Bagay na hindi ako pumayag dahil nakikita kong mataas pa ang heartbeat ni Simon at naniniwala akong mabubuhay pa ito. Nanindigan akong huwag alisin ang mga tubo ng machine sa kaniyang katawan hanggang sa tuluyan itong magising. Sa kabila naman nang paninindigan kong iyon ay muntik na ring bumigay ang aking katawa. Dahil sa sinasabayan din ako ng sakit kong pre-eclumpsia. Mabuti na lamang at nariyan sina Lyka at Julia, na siyang umalalay sa akin. Masuyong hinaplos ko ang

