"Congratulations, Mr. and Mrs. Villaforte, you have a baby twins again!" masayang bati sa amin ng OB Gyne ko. Tuwang-tuwang niyakap ako nang mahigpit ni Simon. "May bagong kambal na naman tayo, Loves," masayang sabi pa nito. "Oo nga, mukhang makakabuo na tayo ng basketball team," nakangiwing tugon ko sa kaniya. "Hindi ka ba natutuwa, Loves?" tanong pa sa akin nito. "Natutuwa naman Loves, kaya lang tandaan mo ang hirap manganak. Mabuti sana kung ikaw ang umiiri " Pinisil ko ang ilong nito. Isang taon na sina Coleen at Caleb, ang kambal na sumunod sa triplets. Kung ako lang nga sana ang masusunod ay limang taon ko pa planong sundan sila o mas mainam nga na tama na. Bukod kasi sa mahirap manganak ay naiisip ko rin na baka lalo lamang akong mahirapan. Ngunit wala naman akong magawa sa

