"Simon please... Gumising ka na." Naririnig ko ang malungkot na tinig ni Carla. "Gumising ka na, Loves. Bumalik ka na sa amin, please..." patuloy pang sabi nito. Naguguluhang inilinga ko ang paningin sa madilim na paligid at doo'y pilit kong hinahagilap si Carla. Hindi ko makita ang dalaga. Tanging malamyos na tinig lamang nito ang siyang aking naririnig. "Nasaan ka, Loves?" malakas kong tawag sa dalaga. Pag-angat ko ng paningin ay nakita ko ang krus na nakadipa sa may 'di kalayuan. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin upang lapitan iyon. "Panginoon, nagsusumamo po ako Sa'yo na muli mong ibalik sa amin si Simon. Handa po akong ialay ang buhay ko kapalit ng buhay niya. Pakiusap, ibalik Mo po siya sa amin." Natigilan ako sa narinig na winika ng dalaga. Nang nasa harapan na ako
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


