Pinagmasdan ko ang abalang-abala sa pagluluto na si Simon. Ito ang nagluluto ng mga pagkain namin at hindi na nito inaatas pa iyon sa aming mga kasambahay. Ibang pagkatao ni Simon ang aking nasasaksihan sa bawat araw na nananatili kami rito sa Isla Villaforte. Maalaga at maasikaso ito sa akin at sa aming mga anak. Mula sa mga pagkain hanggang sa mga bagay na gusto namin ng mga bata ay agad nitong ibinibigay. Minsan nga ay natatanong ko ang sarili, pa'no kaya kung hindi ako umalis noon ganito rin kaya siya? Ngunit kahit balikan ko pa ang alaala ng nakaraan, hinding-hindi ko na iyon maibabalik pa upang maitama. Bagkus, mas kailangan kong harapin ang bukas kasama nito pati na rin ng aming mga anak. Halik ni Simon sa pisngi ko ang nagpabalik sa lumilipad kong diwa mula sa malalim na pag-

