Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe nang maalala kong tanungin si Simon. "Saan pala punta natin Loves?" Ito na rin ang tawag ko sa kaniya. Nilingon ko pa muna ang dalawang batang nakaidlip na rin pala sa may likurang bahagi ng sasakyan. "Ihinto mo muna ang sasakyan at aayusin ko lang muna silang dalawa." Inginuso ko pa kay Simon ang aming mga anak. Inihinto naman nito ang sasakyan at ito na rin ang dumukwang para ayusin ang dalawang bata. "Mamimili lang tayo ng mga gamit para sa panganganak mo," tugon naman nito sa aking tanong. "Gamit ulit?" natatawang sambit ko. "Baka mapuno na ang bahay ng mga gamit para kanila baby?" Parang no'ng isang araw lang kasi nang mamili kami ng mga gamit. Ang problema pa naman kay Simon ay gusto nang bilhin ang buong items sa infant store kahit hindi

