C H A P T E R 5
Erris' POV
Kumalas kami sa yakapan ni Eicine.
Iba 'yung pakiramdam. Parang biglang may sumisigaw sa isip ko na kailangan ko na talaga siya patawarin. Bilang siya na la'ng ang nag-iisang meron ako ngayon, kaibigan. Kakambal.
Pero may other side pa rin na nagbubulong, na may malaki siyang nagawa na hindi maaayos ng 'sorry', hindi mababalik ng yakap at reason. O hindi nga ba? Hindi ko na alam.
Dapat siguro... makinig muna rin ako sakaniya.. sa dahilan niya. Wala naman masama kung...kung susubukan ko.. tama, walang masama.
Pinunasan ko ang mga luha na alam kong umaagos ngayon sa mga pisngi ko. Hindi ko siya matignan ng diretso.
''Grabe, ang drama natin. Haha, so.. anong itatanong mo nga pala?'' Eicine,
Buti pa siya nakakatawa. Masaya siya..
Ako? Namimiss 'yung mga kaibigan ko. Nalulungkot na naman ako..
''Uhm.. ano.. bukas na la'ng. Magpapahinga na ako.''
Tama, bukas na la'ng..
**
Kinabukasan...
Lumabas ako ng kwarto na tinulugan ko pagkatapos kong makapag-ayos para sa school.
Hindi ko rin malaman kung bakit kailangan ko pumasok sa school na 'yon.
''Wow. Ganda naman ni Erris! Kamukhang-kamukha ni Eira maganda!'' Bungad sa'kin ni Matt na nakaupo sa sofa ng salas.
Bahagya akong ngumiti.
''Sabi ko sa'yo, lahing maganda talaga kami, e! Kambal kaya kami!'' Eicine, ''Tara na!'' Hinila nito ang kamay ko at lumabas na kami ng bahay niya.
''Kambal? Eira, kambal kayo?!'' Nanlalaking mata na sabi ni Matt habang nilolock ang bahay ni Eicine.
''Gulat na gulat? Nabanggit ko na 'to kani-kanina la'ng, ah!'' Eicine
''Oo nga. Acting la'ng.'' Matt
''Loko!''
Nagkwekwentuhan la'ng sila sa buong paglalakad namin. Hindi na ako nakikisali, hindi ko alam kung paano ako makikitungo na sinimulan kong ipakita sakanila ang cold side ko sa una pa la'ng. Parang nakakailang la'ng.
Sinusuri ko na la'ng ang mga lugar na nadadaanan namin.
Hindi ko masasabing katulad ng Magic Paradise ang paligid. Hindi ganoon kaganda, hindi ganoon katahimik.
Pakiramdam ko nakakairita kasi magulo. Makalat, maingay! 'Yung mga tao, parang hindi marunong ngumiti ke-aga-aga! Nakakahawa 'yung simangot nila.
May mga nagsisigawan, nagagalit sa gilid.
''Ouch!'' Halos matumba ako sa kinatatayuan ko. Mabuti na la'ng at nakabalance kagad ako. May nabangga akong tao sa katitingin sa paligid..
''Bulag ka ba?!'' Sigaw ng matandang babae na nakabunggo ko. Nakakatakot 'yung mukha, masungit na ang dilim ng aura! Anu ba 'yan, ''Ang laki-laki ng kalsada tapos tatanga-tanga ka?! Paano kung may dala ako, e 'di natapon!! TUMINGIN KA SA DADAANAN MO! BOBA!''
''Anong nangyayari dito?'' Dalo nila Eicine.
Nanliit ang mga mata ko. Grabe na, ''Hindi ako boba. Kung sana matalino ka, e 'di naiwasan mo rin sana 'yung pagkakabunggo natin! Katulad nga ng sinabi mo, ang laki-laki ng kalsada tapos dito ka sa harap ko sasalubong!!''
''Erris, tama na 'yan..'' Matt, tumingin ito sa matandang babae na sumisigaw na naman sa harapan ko. ''Ale.. pasensiya na po. Pasensiya na po talaga..''
Naglapitan na 'yung ibang tao at nakiusyoso. Ang sasama na ng tingin nila sa'kin, daldal parin ng daldal yung babae!
Hay, ano ba 'to!
''Umalis na tayo.. hayaan mo na 'yan, Erris. Baka minemenopause na 'yan kaya ganiyan na kasungit.,'' Eicine
Umalis na kami doon, sa lugar na iyon. Anong laban namin, matanda na 'yon, bata pa ako!
''Ang sasama ng mga ugali.'' Bulong ko sa inis. Nung nakaraan din na nakabangga ko si Star, ganiyan rin 'yung mga tao. Bugnutin!
''Nako, ayos ka la'ng, Erris?'' Matt
''Okay la'ng.''
''Laging bad mood talaga 'yung mga tao dito. Mabuti na la'ng si Matt, hindi.'' Eicine
''Naman! Handsome, eh!'' Matt
''Kasi alam mo Erris, nasa Purple Land tayo. Sa mundong 'to, may apat na Lands. At malas natin kasi nandito tayo sa pinaka-hindi mo gugustuhin tirahan. Pinaka-magulo ang lugar na 'to sa apat. Pero dito kasi malaya ang mga tao..'' Tinignan ko si Eicine. Purple Land? ''Malaya sila na manakit ng kapwa kahit walang sapat na rason.. pangit talaga ang lugar na 'to! Kasing pangit ng representative!''
''Ouch, Eira! Nasasaktan ako kapag ginaganiyan ang mahal ko!'' Matt na humawak pa sa tapat ng dibdib niya.
''Mahal mo ang isang demonya, Matt! Sama ng ugali ng Star Avello na 'yon, tapos nagustuhan mo?''
''Eicine, tumigil ka na. 'Wag mo muna husgahan 'yung tao kasi hindi mo naman siya kilala'' Matt na seryoso na.
''Kasi ayoko rin siya kilalanin. Like duh, ang baho ng ugali-''
''Kita na la'ng tayo mamaya. O bukas. Sige,'' Biglang binilisan ni Matt ang lakad niya at iniwan na kami.
''Psh. Bulag! Tanggalin ko pa mata nun, e! Hindi naman niya ginagamit! Aish, kaasar!!'' Eicine,
''Si Star.. gusto ni Matt?'' tanong ko. Tumahimik na ang paligid at gusto ko na mag-usap naman kami ni Eicine. Gusto ko na magkaayos kami, gusto ko subukan na...wala, wala!
''Oo. Gusto siya ni Matt, hindi naman bagay 'di ba?! Ang bait niya para sa itim na tupang Star na 'yon!''
Napangiti ako sa reaksyon ni Eicine na nakabusangot habang nakatingin sa daanan namin. ''Hindi ba sila bagay? Parang mas bagay kayo ni Matt, ganun ba?'' Simpleng sabi ko.
Nanlaki naman ang mga mata nito. ''Erris naman! 'Wag ganun, hindi kaya!'' Maktol nito. Pero napangiti rin. ''Kinakausap mo na ba talaga ako?! Yey! Ang saya!'' Ngiti nito.
Napangiti rin ako nang hindi sadya. Si Eicine yata 'yung taong nakakahawa ang ngiti.
Magkasing-tangkad la'ng kami at halatang kambal talaga..
Itatanong ko na sana 'yung mga bagay na kagabi ko pa gusto malaman mula kay Eicine..kaya la'ng nakarating na kami sa campus.
Ang saya. Parang ang sarap sa feeling na may...uhmm.. kapatid.
Sabay na rin sana kaming papasok ng room pero bago 'yon..
''Wait la'ng, Erris.'' Pigil nito sa paghawak ko sa doorknob ng pinto ng classroom. Tahimik 'yung room, baka nag-uumpisa na 'yung klase at late na kami.
''Bakit?'' takang tanong ko rito.
''Ako na magbubukas niyan..'' Nguso nito sa pinto. Naweirduhan ako kaya hinayaan ko na la'ng,
Pagkabukas niya ng pinto...
Hala!
Kaagad na nilapitan ko si Eicine.. ''Okay ka la'ng ba?'' Hinawi ko 'yung buhok niya na puno ng..uh ano ba 'to? Malagkit na tubig na kulay White na... amoy itlog na bulok sa baho.
Nakatayo parin ito at masamang tinignan ang babae sa harap namin. Pagkabukas niya ng pinto may sumaboy sa ulo niya na..ito, mabahong .. dagta?!
''Ang ganda! Gumanda si Eicine Everild!! Wow! First time! If I were you, lagi ka magpaligo ng dagta ng mga halaman ng mga may pet na kapangyarihan ay Plants! Bumagay sa'yo, Eicine!'' Star na may nakakainis na ngiti.
Nagtawanan 'yung mga kaklase namin. KAHIT NA wala naman nakakatawa! Mga baliw!
''Eicine, tara na sa comfort room..'' Aya ko dito.
Binigay niya lang sakin yung bag at mga libro niya na malagkit na rin dahil natalsikan ata nung dagta ng halaman.
''Teka, anong nangyayari dito?'' Si Matt! Kapapasok lang nito sa pintuan at mataman na tinignan ang dalawa. ''Eicine-''
''Sige, lapitan mo. Sige la'ng..'' Star na parang may warning tone.
Napataas ako ng kilay nang hindi na nga lumapit si Matt. Hindi niya ba kami ipagtatanggol tulad ng dati?! Kaibigan niya kaya si Eicine!
''Matt-'' Tawag ko dito, pero yumuko lang siya. Nakaramdam ako ng inis,
Nagcrossed-arms si Eicine sa harap ni Star at lumakad hanggang maging kaunting space na la'ng ang pagitan nila.
Natahimik ang lahat. Parang may kidlat sa pagitan nila sa tindi ng tinginan nila.
''Matagal na akong maganda. May ganito man o wala. And you.. insecure? Feeling mo papangit ako kahit lagyan mo pa ako ng isang drum na dagta ng halaman diyan? Big No! Famewhore, insecure, b***h, sl-''
''Eicine..that's..that's too much. Stop!'' Matt
Third Person's POV
Nilingon ni Eicine sa inis si Matt,
''Talaga Matt? Too much?'' Naaasar na sabi ni Eicine, napatawa naman si Star..
''Aww.. Friends ba talaga kayo? Such a b***h, hmm?'' Star, ''Pansin naming lahat na dikit ka ng dikit kay Matt, may hidden desire ka ba sakaniya-''
''Star, tumigil ka na. Ano bang ginawa niyo kay Eicine?!'' Matt
''Let me finish what I wanna say, Matt Astin!'' Star, ''So as I was sayin' 'wag kana dumikit sakaniya.. kasi may iba na siyang gusto, Ei-''
Napasinghap ang lahat nang hablutin ni Eicine ang buhok ni Star at sabunutan na.
''Hidden desire?! 'Wag kang magpatawa! Kung ako dikit la'ng, e ikaw? NAKATIRA KA SA BAHAY NI ASTIN! MALANDI!'' Pumaibabaw si Eicine at pinagsasampal si Star habang hawak ang buhok nito.
Napahiyaw naman ang lahat sa tuwa dahil sa dalawang nag-aaway sa harap.
Lumapit kaagad sila Erris at Matt para awatin ang dalawa.
''Eicine, tumigil na kayo!'' Erris,
''Star, Eicine!'' Matt
May humila naman ng malakas sa buhok ni Erris na ikinahiyaw na naman ng mga kaklaseng nanonood. ''Exciting, isn't it?'' Alexa at pinagsasabunutan si Erris.
''A-aray! Alexa!'' Erris, pero lumaban din at nagkagulo lalo sa kanilang apat na nagpapang-abot.
**
''Tignan niyo nga ang mukha ko! Tignan niyo! I have some bruises! Paano na 'to!! Argh!'' Star na nagpapapadyak sa sahig sa galit habang nakaupo silang apat nila Alexa, Erris at Eicine sa upuan sa loob ng Guidance Office ng school.
''Bagay sa'yo, mukha ka nang prutas na nalamog.'' Eicine,
''WHAT DID YOU SAY?! I HEARD YOU! b***h!!!'' Star
''Tama na! Silence!!'' Guidance counselor, mataman nitong tinitigan ang bawat babae sa harap.
''May festival mamayang gabi. Magsasama-sama ang bawat tao ng mga lands. 'Wag ng dumalo ang lahat, 'wag la'ng mawala ang representative.'' Alexa na seryoso at maarteng naglalagay ng cream sa mga sugat.
''Nauna naman si Star.. siya ang nag-umpisa ng away. Nakikita niyo naman 'tong hitsura ko 'di ba?!'' Eicine na naglalagkit parin.
''Hindi ka naman mahalaga. E ako? Kailangan ako sa festival later, yet you put some bruises on my face! Paano na?! Mapapahiya ang Purple Land dahil ako ang representative! Tanga!'' Star
''Talaga? Bakit.. kung hindi la'ng naman namatay ang pet ko, hindi ka mapapansin at malalagay sa pwesto mong representative! Second choice ka la'ng, at ako ang first! Sinwerte ka la'ng, Star Avello.'' Eicine,
Tinignan ito ni Erris na kanina pa nakikinig lang. May pet rin si Eicine? Tanong nito sa isipan.
''SHUT THE FVCK UP!!'' Star
''Okay, stop it, girls! Eicine and Erris you'll be suspended for three days. Mas pinahahalagahan ang representative kaysa sainyo-'' Guidance Counselor.
''Pero.. bakit kami la'ng? Kung ganoon pala dapat isama niyo rin si Alexa. Kasama siya sa gulo.'' Erris
Napatawa ng payak si Alexa dito, sabay irap. ''Wala kang magagawa. 'Yun ang desisyon ni Mommy. Stupid.''
**
''AHH!! NAKAKAINIS TALAGA!''
''Nakakabwisit!!''
''Kakalbuhin ko siya!!''
''Magsama sila ng Matt na 'yon!!''
''Bagay sila, mga pangit!''
''Sa susunod, gagantihan ko 'yung bwisit na bruhang impaktang 'yon! Ugh!''
Kanina pa sigaw ng sigaw sa galit si Eicine habang hinahampas ang kama niya.
Umuwi na silang dalawa ni Erris na parehas naiinis kay Alexa at Star.
Si Erris naman nanonood lang sa ginagawa ni Eicine habang nakaupo sa upuan sa loob ng kwarto ni Eicine.
''Nakita mo 'di ba, Erris?! 'Di ba kitang-kita mo!?''
''Huh? A-ah, oo..'' Erris
''Hindi tayo man la'ng natulungan nung Matt Astin na 'yon! Kaibigan niya tayo! Ako! Urgh! Hindi ko siya papansinin, EVER!!'' Eicine.
''Ano..uhm, ano ba 'yung Representative?'' Erris
''Representative?! 'Yun dapat 'yung pwesto ko ngayon!! Kung hindi la'ng impakta si Star at pinatay ng sadya 'yung pet ko noon, e 'di sana qualified parin ako maging Representative ng Purple Land na 'to!'' Eicine na nakasigaw parin sa galit at pinanggigigilan ang unan. ''Naku, naku talaga! Ang dami ko na sanang plano! Babaguhin ko ang rules ng Land na 'to at ipapaalam ko sa Yellow Land ang nangyayaring kawalanghiyaan dito! Kung hindi la'ng madaya maglaro si Star Avello impakta!''
''Uhm..ano ulit 'yung Representative? Bukod sa dapat na pwesto mo ngayon..'' Hinay-hinay na sabi ni Erris dahil mukhang galit na galit parin si Eicine at namumula pa ang mga pisngi.
Bumuntong-hininga si Eicine at kinalma ang sarili. ''Sorry, ang ingay ko na pala. Nagagalit lang talaga ako sa nangyari kanina. Kasi naman. Anyway, bawat Lands may Representative. Sila 'yung pinadadala kapag may pagpupulong ang bawat Lands. Sila 'yung gumagawa ng mga plano para sa Land at ipakukunsulta nila 'yon sa pinakanakatataas, ang Yellow Land. Sila din ang mga sumasali sa mga palaro ng Yellow Land na pwedeng magbigay karangalan sa Land na inirereprisinta nila. Basta!'' Eicine
Tumango si Erris nang dahan-dahan. ''Saan ba matatagpuan ang mga Lands na iba pa? Tsaka 'yung festival-''
''TAMA!'' Biglaang sigaw ni Eicine, ''Tutal bago ka pa la'ng..tayo dito. Pumunta tayo sa Festival mamaya! Pumunta tayo sa Yellow Land! Maganda dun! Mamasyal tayo, dahil bruha naman ang Alexang 'yon at nanay pala ang Guidance Counselor at suspended tayo, mamasyal nalang tayo!'' Masigla nitong suhestiyon.
''Uh, osige. Pero Eicine, kung pangit pala ang lugar na 'to, bakit hindi ka nalang lumipat dati?'' Erris
''Kasi..'yun ang sabi ng Paper of Hypnotism ko. At hindi ka pwede lumipat basta-basta kung walang pahintulot ng Representative!'' Tumayo si Eicine at may kinuhang papel na kulay brown sa luma, sa gitna ng mga pages ng book niya.,
''Paper of..ano?'' Erris
''Paper of Hypnotism.'' Ulit nito sa kakambal. Tumabi ito sa kinauupuan ni Erris, ''Tignan mo 'to. Kakaibang papel 'to, e. Napulot ko ito noon, ang weird kasi ng hitsura kaya kinuha ko sa kalsada. Tapos biglang may gumuhit diyan sa gitna niyan na letters.. latin 'yon at nagliliwanag sa kulay na dilaw.''
Mataman na tinignan ni Erris ang papel na pinakikita sakaniya ni Eicine. Pakiramdam niya, pamilyar iyon..
''Dahil nacurious ako, at mukhang magical siya, dahil may ilaw effect. Pumunta ako sa Library ng school, hinanap ko ang mga meaning ng latin symbols and words na 'to. Alam mob a ang nakasulat nu'n?
...ang sabi, manatili ako sa lugar na pinakamagulo. Sa Purple Land. May matatagpuan akong tao doon na makakasama ko sa mga misyon na dadating, at sa iba pang kaibigan na parating, g**o 'no? Hindi ko nga naintindihan.'' Eicine
Hinawakan ito ni Erris at kinuha mula sa kamay ni Eicine,
Maya-maya bigla itong umilaw.. nakakasilaw.
''May nakaukit ulit, Eicine!'' Erris
''Anong nakalagay?'' Eicine,
-Creator at ang Destroyer-
-Maghanda sa mga parating na pagsubok. Matatapos la'ng ang lahat kapag natapos niyo na rin ang dapat na gawin. Ipakita niyong karapat-dapat pa rin kayo..at makakauwi kayo-
-Goddess of lives