C H A P T E R 4
Erris' POV
Bwisit! Ang sakit ng anit ko! Pakiramdam ko, nabunot lahat ng buhok ko!
"b***h! Argh!! You'll pay for this, you slutty ugly bitchy girl!!" Galit na galit na sigaw ng babae habang pinipilit tumayo mula sa putikan.
Inasar ko lang siya sa expression ko at tinalsikan pa ng putik gamit yung paa ko. Lalo naman siyang nagalit.
Bigla na la'ng kasi nanghihila ng buhok! Tinitignan ko raw kasi 'yung boyfriend niya! Ano bang pake ko sa boyfriend niya?! Hindi ko nga alam kung sino ba 'yung natignan ko na boyfriend niya at bawal pala tignan!
Hindi na rin ako nagpigil at gumanti ako kagad ng sambunot nang umpisahan niya akong awayin! Ayaw ko na paapi tulad dati!
Nakakapagod! Isa pa, wala na rin...si Warren. Wala na 'yung mga kaibigan ko na nagtatanggol sa'kin.
Kinuha ko 'yung pet ni Matt na unggoy at niyakap. Nangangatog ito sa gilid. 'Yung penguin kasi ng babaeng nahulog sa putikan; na nanambunot rin sa'kin, biglang nagbato ng malaking ice ball dito sa unggoy. Nakakaawa, nilalamig siguro.
"Erris!"
Tinignan ko si Matt. Hinila niya ako palayo sa lugar na 'yon.
"Ayos ka la'ng?" Matt. "May sugat ka sa mukha, kalmot sa mga braso. Masakit ba? Pasensiya ka na, ganun la'ng talaga si Alexa."
Tumango lang ako at inabot yung pet niya.
"Matt!" Sigaw ng pamilyar na boses. Napalingon kami.. nanlamig ako. Hindi lang yata ako sanay na nakakalapit sakaniya. Kay.. Eicine.
Lumapit ito samin. Nag-iwas na ako ng tingin. "Erris? Okay la'ng ba siya, Matt?" May tonong pag-aalala na tanong nito. Ano bang problema niya at kailangan niya pa magpanggap na nag-aalala sa kalagayan ko! Masama siyang tao, bakit siya nagkakaganiyan!
"Sa tingin ko.. hind--" Matt
"Okay la'ng ako, Matt." Mabilis na sagot ko.
"You sure?" Matt. "Nanginginig si bro. Ano nangyayari sa'yo, bro?" Baling nito sa pet niya na parang iiyak na ang cute na cute na brown eyes.
"Tinapunan siya ng Ice balls nung penguin. Tapos nagkaganiyan na." Walang emosyon na sagot ko. Pakiramdam ko may gustong sabihin si Eicine. Ayoko siyang kausapin!
"Sige, alis lang muna ako, Erris. Dadalhin ko lang to sa Clinic. Alam mo na room mo 'di ba?" Matt. "Si Eirah nga pala. Eicine. Kaibigan ko. Magkamukha kayo.. sige, alis na talaga ako." Nagmamadali na itong lumipad at tumungo sa White na Building sa mataas na palapag.
"Uhm.. Erris,"
Hindi ko na ito tinapunan ng tingin at naglakad na papalayo. Naramdaman ko na sumunod siya.
"Erris.. dito ka rin na building? Parehas pala tayo!" Masigla nitong sabi. Hindi ko parin siya pinapansin. Naiinis ako sakaniya! Mamamatay tao!
"Erris, kamusta ka? Nakatira ka kay Matt Astin ngayon? Okay ka lang ba dun? Nandun pa si Star, demonyita 'yun--"
"Oo, parehas kayo." Malamig na sagot ko. Mas demonya siya, atleast yun, hindi pa pumapatay! Siya? Naging katuwang pa ng reyna ng Black Land!
Natahimik siya bigla. Pero nakasunod parin. Bakit ba ang layo ng room ko?! Gusto ko na lubayan na ako nitong babaeng 'to!
"Uhm.. Erris.." Eicine. "Dito rin pala daan mo? Baka kaklase ki--"
"Sana hindi. Wag mo na hilingin!" Asik ko.
"Kung.. kung gusto mo na lumipat ng ibang bahay.. maluwag pa 'yung tinitirahan ko. Magkakasama pa tayong kambal--" Masigla nitong sabi na parang sobrang saya at walang ginawang kademonyohan dati!
Hindi niya natuloy ang sinasabi niya. Humarap ako dito at napatigil kagad siya sa paglakad sa pagsunod sakin.
"Hinding-hindi kita papatawarin. Ibig sabihin.. hinding-hindi rin kita ituturing na kakambal! O kahit kadugo! Tatak mo sa kukote mo 'yan!" Padiin at pasigaw na sabi ko sa mukha niya at dinuro ko pa ang noo niya. Tama lang yan!
"Erris.. hindi ko naman alam.. nasa ilalim ako ng itim na kapangyarihan nuon! Intindihin mo naman.."
Sinulyapan ko siya ng may blankong ekspresyon at pumasok na sa loob ng silid-aralan na kinabibilangan ko.
Hindi ko alam ang sinasabi niya. Ayoko siyang kausapin o lapitan man lang kahit ang totoo.. kagabi pa ako hindi makakilos ng maayos, kaiisip sa kalagayan namin dito. Kung bakit.. buhay siya? Nakaligtas rin siya tulad ko? Ano na nga ba talaga ang nangyari matapos akong mahimatay sa digmaan dahil sa kakapusan ng lakas?
Bakit nga ba nandito siya? Bakit kami nandito sa mundong 'to, na may kakaibang pamamalakad ng mga mahika?
Kung kumilos at magsalita si Eicine, parang sanay na siya dito. Parang alam na niya ang lahat dito.
Alam rin nga kaya niya ang solusyon kung paano kami makakabalik?
Sinalubong ako ng guro sa loob ng silid-aralan na pinasukan ko.
Hindi ko nabanggit, suhestiyon ni Matt Astin na pumasok rin ako sa paaralan ng mga kabataan ng lugar na ito. Maiiwan lang rin naman ako sa bahay niya dahil nag-aaral rin siya dito. Kaya sumang-ayon na lang ako. Isa pa, gusto ko hanapin yung Library ng school na 'to.. nabanggit ni Matt Astin na parte ng history nila ang Magic Paradise, baka sa mga libro dito ko mahanap ang paraan para makabalik ako sa present time ko.
"Ms. Everild. Late ka ng isang minuto! Hindi mo ba alam na sobrang naiinis ako sa mga taong late!" Mataray na salubong sa'kin ng nakasalamin na babaeng guro.
Napatingin ako sa mga magiging kamag-aral ko. Mga babaeng nakaismid, mga lalaking nakangisi. Hindi ko alam kung magsisisi na ako at ginusto ko pa mag-aral dito.
"Uhm.. pasensiy--" Ako
"LUHOD!" Sigaw ng guro. Nanlaki ang mga mata ko. Ano?! Sobra naman 'yon!
"Mrs. Warlock, gusto mo ba na ikaw ang paluhurin ko?! Bagong estudyante rito ang kakambal ko, at isa pa isang minuto lang itong late!" Lumingon ako sa likuran ko. Si Eicine na .. maarteng lumakad palapit sa seat niya sa likuran. Umupo ito at nagcrossed-legs. "Late rin ako. So.. naiinis ka sa'kin, ms. Warlock?" Nakasmirk nitong sabi na may pang-uuyam na tono.
Sinabi niya bang kakambal?! Ugh!
"N-no.. okay. E-erris Everild. You may now seat." Teacher.
Napakunot-noo ako. Takot siya kay Eicine?
Naghanap ako ng mauupuan na bakante. at hindi ko pinili ang bakanteng seat sa tabi ni Eicine. Pupuntahan ko sana yung nasa bandang kaliwa, pero biglang tumalon doon ang isang pusa na may kulay na blue at napapaligiran ng tubig ang buong katawan,
"Sige, umupo ka diyan at palulunok ko sayo ang katumbas ng isang drum na tubig ni Kitty ko."
Si Star!
"Subukan mo, nang ako naman ang makalaban mo." Eicine na nakaupo pa rin sa seat niya.
Natahimik naman ang paligid pati teacher walang nagawa.
"As if we're afraid?" Bagong dating na si Alexa.
"Hindi ako takot. I'm the pretty brave representative of this Purple Land, remember?" Irap ni Star kay Eicine, at sakin rin. "Tabi nga!" asig nito saakin at prenteng naupo sa seat niya kandong ang pusa niyang blue.
Bahagyang natawa lang si Eicine kay Star at binalingan ang bagong dating na babaeng Alexa ang pangalan. "Talaga? Not afraid? Saan mo gusto sunod na magswimming? Na-try mo na ang putikan kanina. Poor you." Pang-uuyam na sabi ni Eicine. Bakit niya ba ako pinagtatanggol!
"Sinasabi ko na nga ba! Ikaw may gawa ng pagkahulog ko sa putikan kanina! Gaga!" Galit na galit na sigaw nito na lalapitan na sana si Eicine na relax parin nang awatin na sila ng dalawang lalaki. Pati ni Matt na nandito na rin, maliban sa unggoy niya na wala.
"Alexa, stop! Bakit kayo nagkakagulo ni Eicine?!" Guy
"Cloud, ilayo mo sa'kin 'yang impaktang 'yan nang hindi ko 'yan masaktan!" Eicine
"Say what?! Look Cloud, nakakailang-ulit na ng katarantaduhan si Eicine Lirah saakin! Siya kaya ang pagalitan mo not me!" Alexa dun sa guy.
Napailing na lang ako. I badly missed the Magic Paradise Academy.
"Pwede ba, Alexa! Alam ko naman na noon mo pa pinag-iinitan si Eicine! Ang bait nung tao!" Cloud. Kita ko naman na nang-iinis na ngumiti ng patago si Eicine kay Alexa.
Hinawakan ako ni Eicine sa braso at hinila sa seat sa tabi niya. "Ako bahala sa'yo dito. Hero Ate ulit ako sa'yo, tulad la'ng ng dati." Nakangiti nitong sabi sa'kin. Parang nakuryente naman ako na sobrang lapit lang namin. Na-trauma na nga talaga yata ako kaya kagad na binawi ko ang hawak niyang braso ko tsaka umupo ng tahimik sa seat sa tabi niya. Nung huling kita kasi namin ay nagpapatayan kami, tapos ngayon magkatabi na lang kami. Hindi na ako sanay.
Kumalma na rin 'yung Alexa at naupo na sa tabi ni Star habang masamang tingin ang pinupukol sakin. At kay Eicine.
"Sana Erris.. buksan mo muna 'yung isipan mo sa mga bagay na may kinalaman sa'kin. Kung ano man kasi yung mga bagay na isinisisi mo sa'kin ay siya ring mga hindi ko sinadya at ginustong mangyari." Mahina nitong tinig habang diretsong nakatingin sa guro na nag-uumpisa na magturo na parang walang nangyaring away kanina.
Napailing na lang ako.
**
Tumunog ng tatlong beses ang bell at nagsimula na akong lumabas ng room. Nung una natakot pa nga ako kasi ang sama na naman ng tingin nila Star at Alexa, ano nga ba ang laban ko na wala naman kapangyarihan?
Pero umalis na rin ang dalawa,nang lapitan ako ni Eicine na may mataray na ekspresyon at Matt.
"Hoy! Ayokong makikita 'yang mukha mo sa bahay, ah! Lalo na at kadugo mo pala ang Everild Lirah na 'yon! Sa kalsada ka tumuloy!" Star sa'kin. Nandito pa pala ito.
"Star naman. Saan mo patitirahin si Erris.." Matt
Nagtaas ito ng kilay. "Wag mo 'ko kausapin, Astin. Hindi kita close, remember?" Star
Kamot-ulo na napayuko na lang si Matt. Hindi close? Ang alam ko, sabay pa sila kumain kagabi.
"Sa bahay ko na lang 'yung kapatid ko!" Masiglang sabi ni Eicine. Napairap na ako sa inis! Hindi na ako makakaangal nito, wala na nga talaga akong mapupuntahan bukod kay Eicine!
"Magsama kayo! Basta ayokong makikita mukha mo sa mga pinupuntahan ko! Kairita! See? Pati si Alexa na-stressed sa'yo!" Bulyaw ulit nito. Hindi parin ako nakikipagsagutan. Alam ko lugar ko, at wala pa akong lakas ng loob dahil wala naman akong kapangyarihan!
"Tara na." Aya ni Eicine na may masayang tono. Naglakad pauna si Matt, sunod ako.. at narinig ko pa si Eicine at Star sa likuran ko.
"Ayaw mo makita kamo si Erris mamaya? Ha. Buti kung makauwi ka." Eicine
"Anong sinasabi mo!" Star, "Kahit kailan talaga ikaw ang demonyo dito!"
"Wala pa akong ginagawa pinagpapawisan ka na. Ang sinasabi ko lang naman.. bakit? Sigurado ka na bang makakauwi ka na? Haha, bye Star Avello! Bantayan mo ang classroom, alright?" Eicine.
Nilingon ko silang dalawa at kita ko na may umiilaw na papel sa kamay si Eicine.
"I can't move my legs! Anong ginawa mo! You, b***h!" Star
Nakangiting hinila na ako ni Eicine paalis doon.
>>
"Ano, komportable ka ba?" Pagpasok niya dito sa silid ko. "Akin rin 'tong silid, ang kaso may silid na ako dun sa kabila kaya minsan lang 'to magamit dati."
Hindi ako kumibo at pinagpatuloy lang ang pagguhit sa papel ng hitsura ng buwan na nakikita ko sa bintana. Nakaupo lang kasi ako sa kama.
Naramdaman ko naman si Eicine na umupo sa kama. "Erris, alam mo ba, ang dami kong gusto ikwento sa'yo. Kaya lang mukhang busy ka, sige maiwan na kita. Magandang-gabi--" Eicine
"E-eicine,"
Mahigpit na hinawakan ko ang lapis na hawak ko. Kailangan ko na siya kausapin. Atat na ako sa mga kasagutan sa mga tanong sa utak ko.
"Yes, Erris?" Masigla nitong tono. "May gusto ka pa ba sabihin? Kainin? Damit? Or bagay? Kahit ano."
"Tanong..m-may tatanong ako. Marami."
Sumampa ito sa kama at naupo sa harapan ko na may ngiti sa labi. Di talaga maikakailang magkamukha kami.
"Parehas talaga tayong maganda! Ano ba itatanong mo? Magkakaroon na ba tayo ng bonding? Alam mo 'yun, parang sa mga magkakapatid." Eicine na energetic parin at nakangiti.
Hindi ko maiwasan maramdaman na parang kumikirot sa puso ko. Ano nga kaya ang nangyari? Bakit di ko nakapiling si Eicine noong bata pa ako? Bakit napunta siya doon? Bakit ganito ngayon?
Sa sobrang daming tanong sa isip ko, hindi ko na alam kung ano uunahin.
Natigil ako sa pag-iisip nang yakapin niya ako. "Namiss kita, Erris. Sobra." Naiiyak na tinig nito. "Bata pa tayo nung huli nating yakap!"
Sa yakap na 'to nakaramdam ako na..parang komportable. Ang saya na...ewan! Di ko na alam.