C H A P T E R 3
Eicine Lirah's POV
"Eicine?!"
Ngumiti ako ng malawak. Si Erris nga ang nasa harap ko!
Maiyak-iyak na niyakap ko kaagad siya. Nandito nga siya! Nandito rin siya!
"Erris, ikaw nga! Ang saya ko, nandito ka rin pala!" Masayang sabi ko.. kaso bigla niya akong tinulak kaya napaupo ako sa lupa.
Gulat na tiningnan ko siya.. galit na mga mata..
"Wala kang karapatan na dikitan o kahit hawakan ako!" Sigaw nito. "Bakit ang bait mo ngayon sa'kin?! 'Di ba gusto mo kaming lahat mamatay?! Lumayo ka sa'kin!" Puno ng galit ang tono nito.
Hindi niya na talaga ako mapapatawad.
"Erris.. may mapapaliwanag naman ako sa lahat ng nangyar--"
"Paliwanag?! Na ano?! Na naliwanagan ka na ngayon kasi.. kasi.. patay na silang lahat! Alam mo kung may kapangyarihan la'ng rin ako ngayon, siguro hindi na ako magdadalawang-isip na patayin ka kaagad!"
Natigilan ako sa mga sinabi niya. Lahat ng nagbabadyang luha ko, nagsipatakan na. Bakit niya 'to nasasabi.. magkapatid kami.
Hindi ko naman ginusto lahat ng nangyari sa'kin.. sa lahat.
"Erris.. magkapatid tayo,"
"Kaya nga. Magkapatid nga tayo. Pero papatayin parin kita! Katulad ng ginawa mo sa mga mahal ko sa buhay! Wala ka naman puso, 'wag kang umiyak! Hindi bagay sa'yo!"
>>
Lutang na naglakad ako pabalik ng bahay na tinutuluyan ko ngayon. Hindi maalis sa isip ko 'yung pag-uusap namin ng kapatid ko.. 'yung mga nagngangalit niyang mga mata. Ang sakit.. hindi ko naman ginusto na manakit..
Tumingala ako sa langit. Gabi na.
"Parehas la'ng tayong biktima, Erris.." bulong ko.
Inaamin ko, alam kong nung mga oras ng digmaan, alam kong nagkakasakitan kami. Alam kong sinasaktan ko rin ang mga inosente sa mga kamay at kapangyarihan ko. ALAM KO, PERO KAHIT KAILAN HINDI KO GINUSTO!
Buong buhay ko, wala akong kontrol sa sarili kong katawan, galaw, pananalita, pag-iisip at kapangyarihan! Parang may kasama la'ng ako sa loob ko na nagpapakilos ng katawan ko. Samantakang ako na kahit anong pilit ko, nakakulong parin at walang magawa.
At ang kasama kong 'yon ay ang masamang kapangyarihan ni Tita Laura. Alam niyang may kakaiba akong kapangyarihan noon, kaya ginamit niya ako.
Hindi siya nagtagumpay sa pagsira ng Magic Paradise. Pero nasira niya si Eicine Lirah Everild sa LAHAT!
"Lirah!"
Natigil ako sa pag-iisip ng malalim nang may tumawag sa pangalan ko. Pinunasan ko kagad ang mga pisngi ko, naramdaman ko kasi na basa ang mga 'yon.. luha.
"O, Cloud! Bakit?" Pilit na inayos ko ang boses ko.
"Wala. Nakita ka la'ng namin ni Alexa kaya tinawag kita. Anong ginagawa mo dito? Dilim na kaya." Cloud. Tinignan ko ang katabi niya.. ang bruhang Alexa nga.
Ngumiti ako kay Cloud. "Nagpapahangin la'ng--"
"Sana sa electricfan ka tumapat.." Rinig kong mahinang bulong ng bruha. May araw ka rin sa'kin.
"Ganun ba? Sige, una na kami ni Alexa. May bibilhin pa kasi kami sa bayan kaya napadaan kami rito." Cloud.
"Okay, ingat." Ngiti ko sakaniya. At plastik na ngiti naman sa bruha, sabay taas ng kilay dito.
Tumalikod na silang dalawa para umalis kaya la'ng.. naalala ko na may atraso pala saakin ang bruha.
Actually, hindi naman sa'kin siya may atraso. Dapat kay Matt Astin talaga. Binuhusan niya ng isang timbang yelo 'yung unggoy ni Matt, ayun nagkasakit tuloy. Fire ang element ng monkey na 'yun, e. Kawawa naman. Akala la'ng ni Alexa na pet ko 'yung monkey ni Matt.
Akala niya naman.. Ha!
"Alexa Rae Jimenez, tatalon ka sa putikan sa Bukas. Sa harap ng maraming mga ka-schoolmates natin at ipapahiya mo ang sarili mo." Bulong ko, gamit ang Paper of Hypnotism. Ang kasalukuyan kong kapangyarihan!
Hindi ko na kailangan ng pets na may powers kasi .. gamit ang hawak kong mahiwagang papel, mauutusan ko na ang kahit na sino!
Napulot ko nga la'ng 'to,at natutunan rin gamitin.
>>
Tumilaok na ang tandang ng kapitbahay. Padabog na bumangon na ako ng maliit na kama ko.
Simple lang ang bahay na tinitirahan ko, pero sarili ko naman na bahay!
Kumain ako ng tanghalian at naligo na. Nag-ayos ng sarili para pumasok sa school.
Ilang oras na paglalakad, narating ko na rin ang school na pinapasukan ng lahat ng nakatira dito sa Purple Land.
Malaki ito at magara!
Umupo ako sa bench ng garden sa side ng campus. Nakakarelax dito dahil may fountain na super blue ang tubig. Ang ganda tignan.
Sobrang sakit la'ng ng ulo ko. Hindi ako nakatulog ng maayos! Naisip ko kasi si Erris, parehas kaming nandito sa mundong 'to. Nabuhay kami samantalang namatay na kami noon, o ako la'ng. Ilang taon na ang nakalipas at kupas na ang panahon na dapat kinalalagyan namin!
Bakit kaya din kami nandito ni Erris? May kinalaman kaya sa kapangyarihan niya? Namin?
Urgh! Ang sakit lalo ng ulo ko! Bwisit!
"Heyyo, Eira!"
Napaayos ako ng upo dito sa bench nang marinig ang "Eira" na 'yon. Si Matt la'ng naman nagpepetname sa'kin nun!
Kita ko siyang umupo sa tabi ko. "Problemado! Hayaan mo nga kasi, mahal ka nun!" Matt
"Ikaw nga prinoproblema ko! Mahal mo 'ko? Ows?" Biro ko.
"Problema nga 'yan!" Tinapik-tapik pa nito ang balikat ko na parang concerned. Umirap nalang ako sabay tawa sakaniya.
"Aga mo pala ngayon! Anong meron?" Tanong ko. Siya si Matt Astin, ang pinaka-mabait at pala-kaibigan dito sa buoooong campus!
"Siyempre, dumating na 'yung inspirasyon ko. Mag-aaral na ako mabuti." Nag-pogi sign pa ito. Sus! Isa pa 'yong inspirasyonniya!
Isa pang may masamang budhi! Si Star Avello. Ang bituin sa puso ni Matt, para namang marunong magmahal 'yun e impakta 'yon tulad ni Alexa! Bituin rin 'yon ng Purple Land panlaban sa Yellow, Blue at Silver Land. Bagay la'ng na siya ang pambato ng Land na 'to, pare-parehas na may maiitim na budhi!
"O, nasaan na ngayon? Nakikipagplastikan sa mga ka-buddies niya! Tapos 'di ka na papansinin na parang hindi kayo magkakilala at magkasama sa iisang bubong!" Sermon ko. Kung alam ko lang, ginagamit lang ni Star si Matt!
Lungkot naman na tinignan ako ni Matt. "Grabe ka sakaniya, Eira. Gusto niya lang na 'wag ako pagkaguluhan ng mga fans niya kaya kunyari 'di kami magkakilala! Pero ang totoo--" Pinutol ko na ang sasabihin niya at ako na ang nagtuloy.
"Pero ang totoo.. mahal niya ako at hindi pa siya ready aminin kasi maaga pa." Panggagaya ko sa boses niya. "Kabisado ko na 'yan, Matt Astin!" Irap ko dito.
"Eira namaaaan! Suportahan mo na lang ang loveteam namin! Hayaan mo balang-araw ikaw ang iaassign kong leader ng fansclub ng loveteam namin ni Star!" Matt na taas-baba pa ang kilay.
"No way!" Tutol ko. Never sa Angel na Matt at Devil na Star!
"Bad Eira."
"Nasaan nga pala si Bro mo?" Tukoy ko sa pet niyang unggoy na may Fire element power.
Sumandal ito. "Onga pala, may ikwekwento ako--Alam mo ba na nagkagulo sa bahay kagabi." Huminga ito ng malalim.
"O bakit naman. Nagbasag na naman ng plato si Star. Trying hard maghugas ng pinagkainan."
"Hindi! Tsk!" Matt
"Ano pala? Nagkalat ng mga damit? Trying hard magtupi kahit hindi marunong? Baka napipilitan la'ng--" Hula ko.
"Hindi rin." Matt. Huminga ulit ito ng malalim. Siguraduhin niya lang na nagtoothbrush siya, mapollute 'yung environment dito. Buntong-hininga siya ng buntong-hininga. Hahaha! "Bakit ka natatawa? Buang! Ito kasi nangyari, may isang babae akong.. uhm.. inampon? Pinatira sa bahay? Basta ganun! Tapos hindi sila magkasundo ni Star. Nag-away, 'di ko nga alam kung paano ko naawat 'yun! Basta grabe! Di ko malaman kung bakit sila nag-aaway. Sabi ni Star, minamalditahan daw siya.. si Erris naman, walang imik--" Matt
"Ano ulit?!" Tigil ko sa kaniya. Nabingi ba ako? O Erristalaga 'yung narinig ko?!
"Nagdradrama ako dito. Panira ka naman." Matt.
"Ano nga kasi ulit yung sinabi mo?!" Sigaw ko ulit. "E-errisba?!"
"Oo, bakit? Kilala mo?"
Dahil dun kaya ako napuyat! Kung saan ko ulit hahanapin si Erris! Kung may natutulugan ba siyang maayos! Kung may nakakain ba siyang masarap.
"Malamang! Kakamb--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may maghiyawan na mga estudyante sa 'di kalayuan.
Parte parin ng garden ng campus. May mga nagtutumpukan na mga estudyante at pinagkwekwentuhan!
"Si Erris 'yun o!" Turo ni Matt sa mga nagpupulong na students na nakabilog. Kinabahan ako.. nasaan?!
Pimuntahan namin kaagad at naabutan namin na ang pinagkakaguluhan pala ay dalawang babae na nagsasabunutan!
Si Alexang impakta! At si.. gosh! "Si Erris! Matt, awatin natin! Dali!"
Nagmadaling tumakbo kami doon, pero biglang umilaw 'yung Paper of Hypnotism ko. Naghiyawan ang mga students, pagkatingin ko kaya pala kasi nalaglag sa putikan si Alexa! At hindi siya makatayo kahit anong pilit niya kaya mas lalo lang siyang napahiya!
GOOD TIMING, PAPER OF HYPNOTISM!
To be continued...