CHAPTER 1

1513 Words
 BY KIM L.  CHAPTER 1 Napabangon ako nang hinihingal at pinagpapawisan ng malamig.  Dinalaw na naman ako ng masamang bangungot na 'yon. Gabi-gabi na la'ng.  Napapikit ako ng madiin saglit saka dumilat para kalmahin ang sarili ko. Tumayo ako ng kama at naglakad palapit sa malaking bintana ng kwartong tinutuluyan ko saka nagtungo papunta sa paborito kong lugar tuwing gabi na dinadalaw ako ng bangungot kong nakaraan. Umupo ako sa sanga ng mataas na mataas na puno sa harap ng ilog at dinama ang hangin na tumatama sa balat ko. Seryosong tinitigan ko ang malaki at maliwanag na buwan sa langit,  Tuwing gabi na lang kasi ako ayaw tigilan ng mga boses ng kaibigan ko, sumisigaw, nahihirapan. 'Yung hitsura ng digmaan na may mga patay na magic-users, lahat 'yan parang sirang plaka na nag-uulit-ulit sa utak ko at sa panaginip ko.  Kaya halos gabi-gabi na nga, nandito ako nakatambay.  Dalawang linggo na ang nakakalipas. Dalawang linggo na simula noong imulat ko ang mga mata ko at maintindihan na nasa ibang mundo na nga talaga ako nakatapak. Hindi la'ng ibang lugar o mundo, nasa ibang panahon at oras na rin ako. ''Anong lugar ho ito?'' Nagising na lang ako isang araw na nasa gitna na ako ng kagubatan, ganun parin naman ang suot, nakaunan ako sa isang nakahigang oso at dinidilaan nito ang pisngi ko.  Dinala ako 'nun sa bayan ng lugar na 'to, at nagsimula ako magtanong-tanong. Magmakaawa. Magmukhang-tanga.  ''P-pwede niyo po ba sabihin kung saan ko makikita ang daan papunta sa Magic Paradise?''    Naka-ilang tanong at pakiusap pa ako sa mga dumadaang tao. Pero lahat sila, hindi man lang nag-abala na sagutin ang mga tanong ko. Sa halip, tinitignan lang nila ako na parang isa akong wirdong nilalang. Na parang naiisip nila na nababaliw ako. ''Ako ang Infinity Princess. Isa akong Magic-user, please pakituro naman kung paano ako makakabalik sa Magic Paradise.''  Matapos kong ipakiusap ang linyang 'yon, ang mga tao sa paligid na ang nagsimulang magtawanan. Na parang nagbiro ako at nagsabi ng mga salitang nakakatawa,. Nagsimula na akong maluha noong mga oras na 'yon, inisip ko na bakit ganun ang mga tao doon. Napakasama at hindi man lang sabihin sa'kin kung bakit sila ganun umakto. Napagpasyahan ko na maglakad-lakad. Hindi ko alam kung saan na ako napadpad noong oras na 'yon, wala ng kabahayan, puro pananim at puno na ang makikita.  Humagulgol na ako ng iyak noon, naalala ko ang mga kaibigan ko. Naalala ko si ama. 'yung digmaan.  Ilang minuto, napahinto rin ako sa paglakad sa hindi ko alam kung saan na papuntang daanan. Bigla kasing may tumalon sa harapan ko.  Unggoy. Maliit na unggoy na kulay light brown, mahaba ang buntot at may mga tengang nakatayo. May itim na itim na mga mata. Humarang ito na parang hindi ako hinahayaang makadaan, ''Shoo'' Taboy ko dito. Ngumisi lang ito at parang nang-aasar na tumingala pa sa'kin.  Wala akong panahon makipag-biruan, ang sabi ko sa isip ko noong panahon na 'yon. Tinalunan ko nalang siya, maliit lang naman ito at hindi lalagpas ng tuhod ko ang laki niya. ''Whaaa!'' Unggoy Nilingon ko ito, nandun parin siya sa pwesto niya at nagwawala na parang ewan..parang baliw.  Tinalikuran ko na ito at lumingon na sa dadaanan ko nang mapaatras naman ako dahil may humarang ulit sa daanan ko. This time hindi na unggoy..tao na. ''Saan ka naman pupunta, Miss.''  Umiling lang ako at tinangkang lagpasan siya. Kaso hinila niya lang ako pabalik sa pwesto ko.. ''Ano bang problema mo?!'' Inis na sita ko. I frowned. Tinaasan niya ako ng dalawang kilay at ngumisi.. Nilahad niya ang kamay niya saka doon tumalon ang unggoy padiretso sa balikat niya. Tinignan nila ako nung unggoy niya mula ulo hanggang paa na parang sinusuri ako, at sabay na sabay pa talaga ang galaw nila. ''Galing ka ba sa Yellow Land?'' tanong nito. "Ngayon la'ng kasi kita nakita dito." Napakunot-noo ako. ''Kung alam mo sana kung nasaan ang daan papuntang Magic Paradise, ituro mo na. Gusto ko na makarating doon. May digmaan na nagaganap 'dun at kailangan ako ng mga kaibigan ko.'' Mahina kong nasabi ang huli at napayuko na lang dahil sa nagbabadyang mga luha. ''Baliw ka ba?''  ''Ano?!'' Sinamaan ko ito ng tingin. ''Wala akong panahon sa mga kalokohan! Inuulit ko, alam mo ba kung saan ang Magic Paradise?! Isa akong magic-user, ako ang Infinity Princess! Kailangan ko na talagang makarating doon! Ngayon!'' Sigaw ko na may diin sa pagsasalita. Tinitigan lang nila ako nung unggoy niya, at sabay pa silang kumukurap. Maya-maya nagkatinginan sila saka sabay na tumawa. ''Hahahahaha. May sapak 'to sa utak, bro.''  ''Nyahahaha.'' maliit na tawa nung unggoy. ''Grr! AKO BA TALAGA NILOLOKO NIYO?!'' sigaw ko.  Bigla sila nagseryoso bigla. At umiling, ''Hindi.'' Guy. ''Kasi kami yata 'yung pinaglololoko mo.''  ''Sasabihin niyo lang naman kung nasaan yung tinatanong kong luga--''  ''Alin? 'Yung Magic Paradise? Na ikaw ang Infinity Princess? Na isa ka sa lahi ng mga magic-users? Tinakasan ka na ba ng bait mo?'' ''Ano ba ang mali sa mga iyon! Ayun nga ang totoo! Ako ang Infinity Princess!'' Hindi ko na talaga sila maintindihan! Ano ba ang meron sa lugar na 'to!? ''Patunayan mo!'' Guy, ''Maraming taglay na kapangyarihan ang Infinity Princess, 'yun ang alam ko. Pakita mo ang MGA kapangyarihan mo, kung mayro'n ka nga.''  ''Hinahamon mo ba ako?!'' Naiinis na sambit ko. Inisip ko na makapaglabas ng Ice-magic at pagyelohin ang katawan niya.  Ilang beses kong sinubukan ng sinubukan. Pero nakakapagtaka, na walang kahit ano na nangyari. Sunod kong ginawa na ikumpas sa ere ang isa kong kamay, gusto kong magkaroon ng apoy sa paligid namin! Katulad ng nauna, wala rin ang nangyari. Ilang kapangyarihan ko pa ang sinubukan ko, at wala parin ang lumabas na kahit anong power.  Nagcrossed-arms ito at ngumisi ng mapang-asar. ''Nasobrahan ka lang sa pagbabasa.''  ''Hoy!''  ''Ah!'' Sigaw ko sa gulat at na-out-of-balance sa inuupuan kong sanga ng puno. Muntik na sana akong malalaglag sa taas ng puno, mabuti nalang at nahawakan niya ang braso ko at pinanatili ang pagbalance ko sa pag-upo sa sanga.  ''Bwisit! Anong ginagawa mo dito?!''  Umupo rin ito, sa ibaba ng sanga na inuupuan ko at sumandal pa sa dalawa niyang braso sa likod ng ulo niya. ''Wala. Masama na ba pumunta rito? Ikaw ba nagmamay-ari dito?'' Asar niya. ''Hindi.'' Simpleng sagot ko.  ''Ba't ganiyan ka na naman? Ang lalim na naman ng iniisip mo. Sino ba 'yang pinagnanasahan mo sa utak mo?''  ''Wala.''  ''Hindi ka ba natatakot rito? Malalim na ang gabi, pero nandito ka parin. Mamaya atakihin ka ng mga ligaw na hayop rito, wala ka talagang laban.''  ''Okay la'ng.'' maikli ko ulit na sagot. ''Tss. Anong mga sagot ba 'yan.'' Umayos ito ng upo. ''Ano na lang pangalan mo?'' Ngisi nitong tanong habang nakatingala sa'kin. Huminga ako ng malalim. ''Bakit ba interesado ka sa akin?'' Lagi kasi niyang inuusisa ang lahat ng mayro'n ako sa buhay. Pakialamero na nga. ''Kasama ko sa iisang bubong, 'di ko kilala. Ano na nga ang pangalan mo? Dalawang linggo na halos, 'di ka parin masyadong nagsasalita.''  Napatitig ako dito. Tama, sakaniya ako nakikitira ngayon. Siya lang naman kasi ang naiiba sa lugar na ito. Lahat naman kasi ng mga tao dito sa lugar na ito na tinatawag nilang Purple Land mga masasama ang ugali. Masama ang tabas ng mga dila. Naawa siya sa'kin kaya sakaniya na ako nakatira, anong magagawa ko, wala naman rin ako mapupuntahan at matutuluyan. Wala akong makakain kung aayaw pa ako sa alok niya na sa bahay niya ako tumuloy. Hindi ko siya kinakausap, hindi ko pinapansin..wala akong sinasabi o kinikwento.  Mabait naman siya, palatawa at palabiro 'yun nga la'ng wala akong oras para maging masaya. Ayoko la'ng, pakiramdam ko wala akong karapatan, kasi nabuhay ako samantalang 'yung mga kasama ko..napatay. Sa dalawang buwan na paninirahan ko dito, unti-unti na akong nawawalan ng gana mabuhay ng maayos. Matapos ng lalaking 'to na sabihin sa'kin kung ano na ba ang nangyayari.. ''Isandaang-taon na kasi ang nakakaraan, wasak na ang teritoryo ng Magic Paradise. Walang nabuhay na Magic-users at Dark-magic users kaya mukha kang nasisiraan ng bait na pinagkakalat pa na ikaw ang Infinity Princess. Pfft.''    ''A-ano?! Anong sinasabi mo?! Anong isandaang-taon!''    Binagsak nito ang libro sa harapan ko, ''Tamang-tama at lagi kong dala ang librong 'yan. 'Yan basahin mo..mababasa mo d'yan na ang Magic Paradise na sinasabi mo ay isa na la'ng parte ng History sa subject na pinag-aaralan dito. Parte ng mga pahina sa libro ng nakaraan sa mga Libraries.'' ''Umiiyak ka ba?''  Natigil ako sa pag-iisip at nakita na lang ang lalaking 'to na nasa tabi ko na pala at mataman na nakatingin sa akin. Nahiya naman ako at tumingin sa ibang direksiyon, umiiyak na naman ako. ''Hindi. Namalik-mata ka lang.'' Nakakaiyak naman kasi talaga kapag naiisip ko kung bakit nangyayari sa'kin 'to, kung bakit nandito ako..sa isandaang-taon matapos ang present time na kung saan dapat nanduon ako. ''Namalik-mata ako. Okay. Pero ano na nga pangalan mo, ang lalim na naman ng iniisip mo. Pangalan la'ng, sige na.'' Pangungulit niya at tinapik-tapik pa ang braso ko. ''Erris. Erris Lily Everild.''  ''Ah. Hello, Erris. Gandang pangalan kasing ganda ng may-ari, naks.'' Ngiti-ngiti nitong sabi saka tinitigan ako. Hindi na sana ako kikibo at dadamhin nalang ang sarap ng simoy ng hangin. Kaya lang nakakainis, kasi nakatitig siya. ''Bakit na naman?'' tanong ko. ''Ayaw mo tanungin pangalan ko.'' Siya ''Okay, ano ang pangalan mo.'' Walang gana kong tanong sa makulit na taong katabi ko. Ngumiti ito. ''Matt Astin at your service, ma'am.'' Ganadong-ganado na sumaludo pa ito.  Tumango ako at wala parin emosyon na tinitigan ang buwan sa langit.  To be continued...    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD