PROLOGUE

287 Words
[ 10-24-14] BY KIM L. •Prologue• Isang araw, nagising na la'ng ako na iba na ang kaya kong gawin Iba na ang katauhan ko, Ibang katauhan na nakatayo sa ibang lugar. Ibang lugar na matatagpuan sa ibang mundo. Sa ibang mundong 'to, hindi na ako kilala ng mga mahal kong mga kaibigan. Na parang hindi ako nag-exist kahit isang segundo sa buhay nila. Hindi ako mapakali..hindi ko naman kasi kakayanin na tumayo la'ng sa tabi at walang gawin.  Iba na sila. Ibang ugali, pamumuhay, pananalita at marami pang iba. Pero iba din kung ang taong pinakamamahal mo ay ang makalimot sa sandaling pinagsamahan niyo.  May ibang nagugustuhan bukod sa 'kin. Mas masakit iyon.  Naalala ko ang Magic Paradise, ganito rin ako noon, nawawala pa dahil hindi sanay sa ihip ng hangin ng kakaibang mundo, pero nasanay din.  Pero ayaw kong manatili dito at hintayin na masanay na la'ng din. Gusto ko bumalik sa tahanan ko, kung saan kilala at nakakausap ko ng maayos ang mga taong mahalaga sa'kin. 'Yung mayayakap ko ng mahigpit 'yung taong mahal ko at hinding-hindi ako itataboy at itutulak palayo. Ewan ko kung ano ang dahilan at nangyayari sa'kin 'to, samin.  'Di ko rin alam kung sasaya ba 'ko at buhay kaming lahat ng mga kaibigan ko. O malulungkot na la'ng..nabuhay nga kami, pero hindi naman nila ako maalala.  Ang dami kong gusto itanong, pero ang tanong saan ako makakahanap ng taong may alam tungkol dito? Binigyan kami ng misyon na kumpletuhin ang mga papel ng lumang libro. Makakauwi kami pagkatapos nang buo at ligtas. Isa na namang misyon para sa'kin, hindi ko na alam ang gagawin ko.   Kung magagawa ko nga ba? Matatapos ko ba? O mabibigo na naman ako, tulad ng nangyari sa digmaan?  -Erris Lily Everild
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD